CHAPTER 1 : Uh-oh

6.2K 148 12
                                        

Xyla's POV

"Your highness, nakahanda na po ang sasakyan na maghahatid sa inyo sa bago niyong titirhan." Sabi sakin ng butler ko. Oo, may butler ako. Hindi anime 'to at hindi si Hayate ang butler ko.

"Pakibaba nalang ang mga bagahe ko Butler Saff, susunod na lamang ako." Sabi ko sa kanya habang nakatayo't nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko siya narinig na nagsalita at nakita ko nalamang na nagsara ang pinto.

Bumuntong hininga ako at nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng aking kwarto.

"Matulog muna kayo, mawawala saglit ang amo niyo." Sabi ko. Hindi ako nababaliw. Ganito lang talaga ako. Sabi ko nga, marunong akong mag-appreciate ng mga bagay.

Kinuha ko na si Mocca at tumahak sa pintuan. I take a last glance before I lock the door. Sa ngayon, aalis muna ako, pero babalik ako. Sigurado yan.

"Ate..." Mahinang sambit ni Xytee, my 11 years old baby sister. Tiningnan ko lang siya habang siya, yakap si Lala, the peach teddy bear I gave her. Nakatungo lang siya't nakatingin sa baba.

"Sahig na ba ang Ate mo ngayon?" Napaangat naman siya ng ulo at ngumiti ng mapait sa akin.

"Mamimiss kita Ate."

"Yakapin mo lang si Lala. Hindi mo ako mamimiss." Sabi ko sa kanya atsaka ko siya nilapitan at ginulo ang buhok. Hindi na siya umimik pa at nilagpasan ko na siya. Pagkababa ko sa 2nd floor, naabutan ko ang aking mahal na ina na palabas sa kwarto nila ng mahal na hari.

"Are you leaving now?" She asked. I stop for a while and look at her.

"Hindi po ako aalis, lalayo lang."

"Hindi ka ba magpapaalam sa Papa mo?"

"Hindi na po kailangan. Alam kong alam niyang aalis ako." I said and she smiled half. Di na ako nagpaalam pa at tuluyan ng bumaba sa 1st floor.

Hindi naman kasi uso ang nagpapaalam sa amin. Para sa lahat, normal lang na may aalis. Ang kinaibahan lang, hindi ako agad babalik. Matatagalan lang nang kaunti. Hangga't hindi ako pinapabalik ng Mahal na Hari, hindi ako makakabalik.

Sa bahay na ito, ang utos ng hari, sunod nalang lagi. Pero ibahin niyo ako. Kung si Mama, hindi makapalag sa kanya, ako, kung alam kong nasa tama ako, ipaglalaban ko ang karapatan ko.

Naabutan ko lahat ng maid namin doon na nakapila't nakatayo kasama ng mayordoma naming si Madam Felestija. Habang si Butler Teal, butler ni Xytee naman ay nakatayo sa labas ng pinto kasama ang Butler ko. Nagbow silang lahat sakin at dumaan ako sa gitna nila.

"Mag-iingat po kayo, your highness." Sabi nilang lahat. Di ko na sila pinansin at pinagbuksan na ako ng pinto ni Butler Saff at pumasok na ako sa loob ng kotse. Pumasok din agad si Butler Saff at nagsimula ng magdrive paalis.

Nilingon ko ang kabuuang mansion, isa parin itong tahanang walang emosyon.

Meanwhile...

No one's POV

"Oh, may darating daw na bagong tenant sabi ni Auntie Paz?"

"Ewan ko. Kakauwi ko palang galing hospital eh."

"Babae ba o lalaki?"

"Lalaki siguro. Lalaki tayong lahat dito eh."

"Malay mo naman, babae di ba? At least, meron na tayong prinsesa dito sa bahay."

"Prinsesa mo mukha mo Kai. Ang sabihin mo, para meron kang mapagtripan at malandi."

"Tigilan niyo na nga yan, tumulong nalang kayo sa paghahanda dito. Ispesyal daw yung darating sabi ni Auntie kaya dapat daw, ispesyal din ang pagsalubong natin."

"Ano pa bang maitutulong namin diyan Kris? Eh dalawa na kayo ni D.O ang nandiyan. Kaya niyo na yan."

"Ako! Tutulong ako!" *kaway kaway*

"Uhhh... wag nalang siguro. Manood nalang kayo diyan."

"Tama, baka hindi pa dumadating yung bagong tenant, tapos mo ng lantakan lahat ng pagkain, Xiumin."

"Grabe naman kayo. Titikman ko lang naman eh. Hihi"

"Oh, handa na ba ang lahat? Malapit na daw siya."

"Malapit na 'to Auntie."

"Sige, aakyat muna ako at aayusin ko ulit ang kwarto niya."

"Napakaispesyal naman ata talaga ng darating, kanina pa pabalik-balik sa pag-aayos ng kwarto si Auntie, which is, hindi naman niya ginawa nung tayo yung dumating. Tapos, yung BR(Big Room) pa yung magiging kwarto ng bagong tenant."

"Malay mo, kamag-anak pala ni Auntie yon kaya ganyan siya ka aligaga sa paghahanda."

"Penge nga Lulu, nagugutom na ako."

"Xiumin! That's my pie! Get some over there if you want."

"Wag na, meron ka naman eh." Isusubo na sana niya ang pie na puno ng icing pero imbis na sa bunganga dumiretso, sa mukha ito lumagpak.

"HAHAHAHAHA!" Nagtawanan ang lahat.

"Nakakatawa yang mukha mo Xiumin! Epic! Pahiram ng phone, picturan natin." *click click* Pinunasan ni Xiumin ang icing na nasa mukha niya at kumunot ang noo.

"CHEN CHEN!" Sigaw nito.

"Oooopsieee." Sabi naman ng isa at tumakbo papuntang dining room.

"CHEN CHEN! BUMALIK KA DITO!"

"Oh, anong nangyari sa mukha mo? Haha... masarap ba ang pie para pati buong mukha, kumain?" Natatawang sabi ni Kyungsoo.

"Tigilan mo ako D.O, baka D.Ombagin kita." Natahimik naman ang isa habang nagtatago si Chen sa likod ni Kris.

"Chen, lumabas ka diyan kung ayaw mong ibiCHEN kita sa labas." Inis na sabi nito. Lumabas naman si Chen mula sa likod ni Kris at nagdadalawang isip na ngumiti sa nanggagalaiting si Xiumin.

"Sorry na, hindi ka naman mabiro."

"Hindi talaga ako nagbibiro." Sabi nito sabay dampot ng isang pie at tumakbo palapit kay Chen.

"WAG YAN! BB CREAM NALANG, PLEASE!" Naghabulan lang ang dalawa habang nagtatawanan ang lahat.

"CHEN CHEN!"

"SORRY NA NGA!" Nagsisigawan lang sila habang naghahabulan at tuloy ang tawanan ng lahat. Tumakbo papuntang pinto si Chen at malapit na sa kanya si Xiumin.

"Ipapatikim ko sayo ang tamis ng MAD PIE!" Malapit ng maabutan ni Xiumin si Chen.

"Ayoko! Wag yan!" Pagmamakaawa naman ng isa. Binuksan agad ni Chen ang pinto at nakakaisang hakbang palang ito sa labas ay agad siyang nahawakan ni Xiumin.

"Lagot ka sakin ngayon." And he laughs evily.

"Hindi ko na uulitin. Nadulas lang talaga ang kamay ko at naitulak ko sa mukha mo yung paper plate na may pie." Pagmamakaawa namang sabi ng isa.

"Wala. Akong. Pake. Alam." Akma na nitong itatapal sa mukha ni Chen ang MAD PIE ngunit nakailag si tenCHENhan at iba ang tinamaan ng pie. Napahinto ang dalawa at nagkatinginan.

"Patay."

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon