Xyla’s POV
I’m staying in this house for one month now. Akalain mong isang buwan na akong kasama ng mga taong yon? Tatlong buwan nalang pala… tatlong buwan nalang at makakabalik narin ako sa palasyo.
“San kayo pupunta?” Nasa sala kasi ako ngayon at nanonood ng TV habang pababa naman ang mga estudyante suot yung mga binili kong damit para sa kanila.
“Mag-eenroll kami.” Sagot nilang lahat. Oo nga pala, on going na ang enrollment. Buti nalang at hindi ako ang nag-eenroll sa sarili ko. And at the same time, hindi ko kailangang pumasok. Home-schooled ako at bibihira lang pumasok sa Academy. Kawawa nga yung uniform ko eh. Ang ganda sana pero di ko naman nasusuot. Tatlong beses ko pa nga lang nagamit yon. Paano, 3 times lang akong pumasok sa loob ng tatlong taon. Kaya naman tuwing papasok ako, nagkakagulo ang mga tao. Feel nila, artista ako.
“Sama ako.” Sabi ko sa kanila. Nagtinginan lang sila.
“Uhhh... di ba nag-aaral ka pa? Di ka rin ba mag-eenroll?”
“Di na kailangan. Enrolled na ako for sure.” Sabi ko sa kanila. Gusto kong sumama dahil gusto kong Makita kung paano mag-enroll ang isang normal na estudyante. Si Butler Saff kasi ang laging nag-eenroll sakin.
“Sigurado ka sasama ka?” Chanyeol.
“Mukha ba akong nagbibiro? Hintayin niyo ako, magbibihis lang ako.” Di ko na sila hinintay pang sumagot at agad akong umakyat at nagbihis. Hoody lang, jeans at high cut saka black glasses. Matao don. Malay ko ba kung may makakilala pala sakin. It’s better to be sure. Bumaba na ako at naabutan ko silang nakaupo sa sala’t naghihintay.
“Let’s go.” I said but they all eyed to me.
“Ba’t ganyan ang suot mo?”
“Mainit, ayokong umitim.” Rason ko nalang. Tumayo naman agad sila at sabay-sabay kaming lumabas ng bahay.
“Xy-Xy! Pasalubong ha?!” Tumango nalang ako kay Xiumin habang kumakaway pa sila ni Biik. Sumakay kami sa kotse ko saka na umalis. Katabi ko si Kung fu panda atsaka si Chen habang nasa likod yung apat at nagsisiksikan. Tinuturo naman sakin ni Chenen yung daan patungo sa school nila pero nagtataka lang ako kasi parang pamilyar yung lugar hanggang marating namin yung pinapasukan nila. Nabigla ako kaya ihininto ko agad ang kotse at halos masubsub yung dalawa.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
