CHAPTER 11 : Change

3.4K 87 3
                                        

Xiumin’s POV

“Wag nalang muna natin siyang pansinin para hindi mag-init ang ulo niya.” Sabi ni Kris.

 

“Di ko yata kaya yon.” Sabi ko.

 

 

“Kayanin mo.” Naawa ako kay Xy-Xy… ang sakit talaga siguro ng nararamdaman niya. Natulog nalang yung iba habang nagbabantay habang kami nila Chen-Chen at Tao ay naghahabulan at kung anu-ano pang ginagawa namin ng bigla nalang magising si Xy-Xy. Gusto ko man siyang pansinin pero di pwede. Dumiretso siya sa kusina. Nagugutom siguro.

 

Umupo nalang kaming lahat at nanood. Ang tagal niya dun sa kusina. Hindi kaya nagluluto siya? Tumayo ako.

 

 

“San ka pupunta?” Tanong ni Suho.

 

“Sa kusina.”

 

 

“Nandon siya. Hayaan mo muna siyang mag-isa.” Wala na akong nagawa kaya umupo nalang ako ulit

 

“U wantch banana cake ent ayt creem?” Napatingin kaming lahat kay Xyla na may hawak ng tray na may pagkain. PAGKAIN! Pero hindi ko siya dapat pansinin kaya naman di namin siya pinansin. Nilapag niya yung pagkain at amoy na amoy ko yon. Ang bango. Banana cake. Nagugutom ako.

 

“Sehunnie~ wakey wakey…” Ginising niya si Sehun tapos binigyan ng kutsara. Ginising din niya sina Luhan, D.O at Lay at nagsimula silang kumain. Takam na takam na ako pero tuwing titingin siya sa amin ay iniiwasan ko ang tingin niya. Kaya ko ‘to. Kaya ko ‘to.

 

“Uhh… Lala… don’t you want to share it with them?” Tanong ni Sehun. Tama yan Sehunnie~ alalahanin mo kami…

 

 

“Ayaw nila Sehun kaya tayo nalang ang kumain. Wag mo silang intindihin, busog ang mga yan.” Waaah~ gutom ako! GUTOM! GUSTO KONG KUMAIN!

 

 

“Ang sarapp~” Sehun! Wag kang mang-inggit. Halos maglaway na ako kakatingin sa kanila.

 

 

“Ikaw nagbake?” Tanong ni D.O. Tiningnan niya kami pero umiwas kami ng tingin. Di ko na kaya. Di ko na talaga kaya!

 

 

“I can’t take this anymore! Huhuhu! Xy-Xy, penge ako!” Sigaw ko at kumuha ng kutsara’t lumapit sa kanila.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon