Lay’s POV
Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit, pero pagkaalis namin ng kwarto niya, hindi na ako makatulog. Buti nalang at Linggo bukas at wala akong pasok.
“Aish!! Stop thinking Lay! Ano ba?! Walang mangyayari kaya matulog ka na!” Sigaw ko habang nakatakip ng unan ang mukha ko. Hindi ko alam ba’t nagkakaganito ako.
Ano naman kung doon natulog si Sehun sa kwarto niya di ba? Wala namang mangyayari. Aish! Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman. Agad akong tumayo at dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Lumabas ako at dahan-dahan kong binuksan ang kwarto niya. Titingnan ko lang. Pumasok ako at nakahinga ako ng maluwag ng makitang may unan sa gitna nila at may gap pang nakapagitan sa kanya at doon sa unan.
I took a last glance at her and smiled before living her room. Pagkalabas ko, nakita ko si Chanyeol na palabas sana ng kwarto niya.
“San ka pupunta?” Tanong ko.
“Uhhh… i-inom sana ng tubig.” Sabay kamot niya ng ulo. Halatang hindi naman natulog. Inaalala din kaya niya ang inaalala ko?
“Ikaw? Anong ginawa mo sa loob ng kwarto niya?” Nagtataka niyang tanong sakin.
“Chineck ko lang si Sehun. Baka kasi nabalian na siya ng leeg, pero okay naman siya.” Paninigurado ko sa kanya.
“Uhhh… ganon ba? Ah--sige, matutulog na ako.”
“Oh, kala ko ba iinom ka?”
“Huh? Uh… hi-hindi na… tinatamad na ako. Sige, tulog na ako.” Sabi niya’t sinara yung pinto. I chuckled a little. Sabi ko na nga ba’t nag-aalala rin siya. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng mapansin kong nakabukas ng konti yung mga pintuan.
“Wag na kayong magtago. Ayos naman sila. May unan naman sa gitna nila at malaki ang gap nila kaya wag na kayong mag-isip ng kung anu-ano.” Sabi ko saka pumasok sa kwarto. Now, I can sleep without thinking anything…
Xyla’s POV
I blink several times wondering what time it is. Kinapa ko yung phone ko at kumurap ulit. Ang labo ng nakikita ko. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko at nag-unat-unat. 9am na pala. *yawn* 9AM?!
Tiningnan ko yung labas, tirik na tirik na yung araw. Aish! Napuyat kasi ako kagabi. Sila kasi eh. Ang balak ko lang kagabi, manood ng movie hanggang makatulog, hindi manood kasama sila at hintaying matulog si Sehun. Omo~ speaking of him. Nakatulog nga kaya yon? Yaan mo na nga.
Pumunta akong banyo at naghilamos at nagtoothbrush. Mamaya nalang ako maliligo. Nakapajama pa ako’t lahat lahat. Kumuha nalang ako ng lapis para ipang ipit sa buhok ko at hinayaan ang buhok kong nakamessy bun.
Kung bakit may lapis ako? Hindi ko rin alam. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at halos manlaki ang mga mata ko tulad ng kay Kyungsoo. EYEBAGS. Kaya ayokong napupuyat eh. Kinalkal ko yung cabinet ko at nakita kong nakapatong ang big glasses ko kasama ng mga alahas at kung anu-ano pa.
“Ayan, that suits me well. At least di pansin ang eyebags.” Kinuha ko yung cellphone ni Sehun at ibinulsa para ibalik sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Nag-almusal na kaya sila? Tingin ko oo.
Nakita ko sila sa sala. Himala at hindi nanunuod. Tulog lang po silang lahat. At mas pinili pa nilang matulog sa sofa at sa lapag kesa sa mga kama nila. Iiling-iling nalang ako. Kumain na kaya ang mga ‘to? Dumiretso ako sa kusina. Aba, malinis. Yung sink, walang bahid ng pagkabasa. Isa lang ang ibig sabihin niyan, tuyo siya… hahahahaha… tawa kayo, nagpapatawa ako.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
