Xyla’s POV
Two weeks. Two weeks ko ng nakakasama ang mga lalaking ‘to. Hindi ko alam bakit ginabi-gabi nila ang pagpunta sa kwarto ko. Nag-enjoy silang manuod dito. Nahiya naman ako sa TV sa sala dahil mas pinili nilang manuod dito kesa sa baba. Wala naman akong magawa dahil may mga dala silang pagkain tuwing pupunta sila. Hindi man lang nahiya sakin. Mga walang hiya talaga.
Naramdaman kong sumasakit ang tiyan ko pero hindi naman ako napapapoopoo. Yung sakit na hindi masakit. Napatingin ako sa calendar. Malapit na matapos ang month pero hindi pa ako dinadatingan. I think malapit ng dumating. Ramdam ko na yung pagsakit ng tiyan eh. Ganito kasi ako. Hindi ko lang alam kung tulad ko yung ibang babae na kapag parating ang red flag ay may mga senyales silang nararamdaman.
Kinuha ko yung remote at pinatay bigla yung TV. Napa ‘Uhhhh~’ naman sila.
“Matulog na kayo. Inaantok na ako. Labas na.” Sabi ko saka humiga’t nagkumot at saka ko ipinikit ang mga mata ko. Ayoko rin namang ginagabi sila dito. Ayoko ng maulit na makatulog si Sehun dito sa kwarto ko kaya pag nanonood kami, hindi na horror. Narinig ko nalang na nagsara yung pinto. Paglingon ko, nakalabas na nga sila. Natulog nalang ako.
----
Ang sakit ng puson ko. Namimilipit na nga ako sa sobrang sakit. Inipit ko pa ng unan pero wala parin. Nagpagulong-gulong nako’t lahat lahat pero wala talaga. Halos magfetus style na ako sa sobrang sakit. Ayokong bumangon. Masakit.
Kriiiiiinnggggg… Kriiiiiiiiingggggg…
The word with a capitalize letter F! Ang ingay! Hinayaan ko yon dahil masakit talaga.
Kriiiiiinnggggg… Kriiiiiiiiingggggg…
Letcheflan! I cover my ears with my pillow but I can still hear the noise. Kinapa ko yung alarm clock ko sa side table atsaka mabilis na itinapon kung saan. At sa wakas ay natahimik ito. Pumikit ako at kinalma ang sarili ko para hindi ko maramdaman ang sakit hanggang sa makatulog ako ulit.
Nagising ako ulit dahil sa ingay. Same noise tulad ng narinig ko kanina. Nakakunot noo kong minulat ang mga mata ko at nakita ko yung alarm clock malapit sa pinto. 10:00AM na pala. Matigas talaga ‘tong alarm clock na ‘to. Hindi man lang natinag. Bumangon ako pero hindi parin umaalis sa kama ko. Namimilipit parin ako sa sakit. Lumuhod ako habang nakabaon ang mukha ko sa unan at hawak ang puson ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ng mga babae? Bakit ba lahat ng sakit, sinakop naming lahat?
Tumayo na ako at kukuba-kubang pumasok sa banyo. Chineck ko kung may red flag at meron nga. Sabi ko na nga ba’t yung naramdaman ko kagabi ay simbolo. Simbolo ng pulang bandera. Naligo nako agad at nagbihis. Kinalkal ko yung medicine kit ko. Peste! Bumili nga ako ng sangkaterbang liner at napkin, nakalimutan ko namang bumili ng gamot para sa dysmenorrhea. Napakacareless ko talaga!
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
