CHAPTER 6 : Cool Princess' acts

3.5K 101 11
                                        

Xyla’s POV

Maaga akong nagising dahil mahaba naman ang tulog ko kahapon. Mga 4am palang gising na ako. Naligo na ako agad at nag-ayos. 5am na ako natapos kaya naisipan ko nalang bumaba at maghanda ng almusal. Mukhang tulog pa silang lahat.

 

 

“Pancake kaya ulit lutuin ko?” Kumuha ako ulit ng 4 boxes of pancake recipe at kumuha ng isang malaking bowl. Minix ko yun at niluto agad. Nang maluto ko na, tinabi ko muna. Naghiwa muna ako ng iba’t ibang prutas. Inassemble ko na yung pancake at pinalibutan ng iba’t ibang prutas na hiniwa ko. Kailangan healthy foods ang laging kainin.

Tigaapat na pancake sa bawat isa sa kanila habang yung akin eh dalawa lang. Kumuha ako ng chocolate syrup at dinisenyohan ng dahon yung bawat taas ng anim na plato ng pancake. Samantalang yung limang natitira ay nilagyan ko ng maple at yung sa amin ni Kyungsoo ay honey. Nilagyan ko rin ng cheddar cheese sa taas yung pito kabilang yung akin.

Nagtimpla rin ako ng kape. At dahil hindi ko alam kung black ba o white coffe ang gusto nila, brown coffee nalang ang ginawa ko. Tapos nilagyan ko ng disenyong dahon sa taas yung parang tulad sa mga iilang coffee shop. Nagtimpla rin ako ng gatas para sa akin. Nilabas ko na lahat ng pagkain at sinet ang mesa.

 

“Now, it’s time to wake them up.” At dahil tinatamad na akong umakyat ng third floor ay naisipan ko nalamang na pumunta ng music room. Pinindot ko yung ilaw at ngayon ko lang nalaman na ang ilaw pala at yung button na gusto mong piliin ay iisa lang din. Pinili ko yung pinindot ko kahapon at biglang nagspotlight. Kahapon, hindi naman ganito ‘to ah? Hayaan mo na, baka sira siguro ang ilaw kahapon. Tinungo ko yung mikropono at tinest.

“Ehem, mic test, mic test, 1,2 ,3…” Ayos naman ang mikropono.

“Hoy! Mga batugan, bumangon na kayo’t kakain na tayo! Wag na kayong magpaespesyal pa. Hindi kayo mga prinsipe kaya dalian niyong bumaba.” Lumabas agad ako't pagkasara ko ng pintuan ay nagulat nalang ako ng mapaharap ako sa gilid. They were all standing and smiling. Parang ang ganda yata ng gising nilang lahat ah?

 

 

“Let’s eat. I don’t want to eat cold breakfast and sip cold coffee.” Kris said. Tiningnan ko sila with blank expression at tuluyang dumaan sa gitna nilang lahat. Sumunod naman sila sa akin hanggang marating na namin yung dining.

 

 

“Woah… pancakes!” Sabi ni Xiumin habang nagtwitwinkle yung mata. Naiinis ako sa ugali niya. Bakit ba napakaadorable niyang tingnan? Umupo na kaming lahat at nagsimulang kumain. Tiningnan ko sila at nakangiti lang silang lahat. Abnormal ba ang mga tao dito at panay ang ngiti?

 

 

“Did you prepare all of these?” Tanong sakin ni Luhan.

 

 

“Bakit, may gising na ba agad sa inyo para tulungan ako?” Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya. Inubos ko na yung pagkain ko. Ang sarap ko talagang magluto. Ininom ko kaagad ang gatas ko at tumayo.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon