CHAPTER 1.1 : Welcoming

4.7K 131 10
                                    

Xyla’s POV

“Your highness, andito na po tayo.” Tiningnan ko ang bahay na titirahan ko. Malaki naman ito. Tulad din ng palasyo namin na hanggang tatlong palapag. Sana lang, maenjoy ko ang pagstestay dito. At pagsinabi kong enjoy, ibig kong sabihin ay, walang pakealamero’t madaldal na mangengealam sa PRIBADO kong buhay.

 

 

Bumaba na ako ng kotse habang hawak si Mr. Mocca. Ang ganda lang ng bahay na ‘to. Hindi ko alam kung bakit ito ginawang boarding house ni Yaya Paz. Tama kayo, Yaya… siya ang dati kong Yaya noong maliit pa ako. Pero nagresign siya noong makatagpo siya ng pag-ibig. Mabait si Yaya, at siya lang ang nakaintindi sakin noon kahit minsang pati siya ay sinusungitan ko.

 

 

Naglakad ako papunta sa pinto. Nakasunod naman si Butler Saff dala ang ilan sa mga bagahe ko. Ibinaba niya ang mga ito at magdodoorbell na sana.

 

 

“Ako na, Butler Saff. Umuwi ka na.”

 

 

“Kaya niyo na po ba?”

 

 

“Hindi naman siguro ako maliligaw kung nasa tapat ko na ang pinto.” Sabi ko sa kanya. Yumuko naman siya at agad na kinuha ang ilan pa sa mga bagahe ko at iniwan sa tabi ko.

“Mag-iingat po sana kayo lagi, your highness.”

 

 

“Alam kong wala ka sa tabi ko kaya mag-iingat ako.” Sabi ko sa kanya. Yun ang pamamaraan ko ng pagsabi ko sa kanyang, kaya ko ang sarili ko. Hindi na siya muli pang nagsalita at yumuko sa harapan ko at umalis. Pinagmasdan kong makalayo ang kotse atsaka ako bumuntong hininga.

“I wish mas maging tahimik ang buhay ko dito, kesa sa palasyo.” Bulong ko sa sarili ko. Magdodoorbell na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaki. Haharap na sana siya sakin pero napigilan siya ng isa pang lalaking hindi ko Makita kung sino dahil tinakpan ako ng matangkad na lalaking ito.

 

“Lagot ka sakin ngayon.” Sabi ng isang lalaki. Hindi yata nila ako napansin dahil nga naman nakatakip sakin ang kung sino mang hindi ko kilalang tao.

“Hindi ko na uulitin. Nadulas lang talaga ang kamay ko at naitulak ko sa mukha mo yung paper plate na may pie.” Pagmamakaawa niyang sabi.

“Wala. Akong. Pake. Alam.” Magsasalita na sana ako pero nagulat ako at napapikit ng may dumamping kung ano sa mukha ko. Nalasahan ko at naamoy ang icing.

“Patay.” Sambit ng dalawa. Tingin ko napansin na nila ako ngayon. Agad kong pinunasan ng kamay ko ang icing sa mukha ko. Kukurap kurap pa akong nakatingin sa dalawang taong, ngayon ay nakaharap na sa akin. Ang isa ay may icing sa mukha at ang isa naman ay wala.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon