Xyla’s POV
Ngayon lang ako nakaramdam ng sobra-sobrang pagkabagot sa tanang buhay ko. Ano bang pwedeng gawin dito sa bahay na ‘to? Nalinis ko na ang buong kwarto ko. Hindi naman ako ganon katamad at ganon kaarte para hindi malaman ang paglilinis ng bahay. Wala kasing ibang naglilinis ng kwarto ko kundi ako lang din. Ayokong may ibang gumagalaw ng bagay sa loob ng baul ko.
Nagbrowse na ako, naglaro sa phone at kung anu-ano pa pero wala parin. Batong-bato na ako sa bahay na ‘to. Magswimming nalang kaya ako? Ay, wag na. Masyadong mainit, baka umitim ako. Eh kung pumunta ako ng library at magbasa? Masyadong boring. Gym? Katatapos ko lang kumain. Manood ng TV? Hayyyss… nakamamatay ang pagkabagot.
Naalala kong may music room nga pala dito. Tama, tutugtog nalang ako. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa second floor. Nakita ko pa yung iba sa loob ng gym. Hindi sila nakatingin sakin dahil nakatalikod sila. Gawa kasi sa clear glass yung dingding kaya kita mo yung ginagawa sa loob.
Nilagpasan ko nalang sila at binuksan yung music room. Kinapa ko yung ilaw sa gilid at bumulaga sakin ang iba’t ibang instruments. My violin, piano, gitar, Bajo, harp, drums at kung ano-ano pa. Medyo malaki pala ‘to pero kalahati lang ‘to ng music room ng palasyo. Sinara ko na ang pinto at tinungo yung piano. Bakit ganito yung ilaw? Parang yung kapag nagpeperform ako sa piano class ko. Hayaan mo nalang. Tinaas ko yung takip at nagsimulang tumugtog.
“… Life is never picture perfect
We are perfect just the way we are.”
Nagustuhan ko lang ang kantang yan dahil lagi kong naririnig na pinapatugtog ni Xytee. Nakakamiss rin pala kahit papaano ang kapatid ko. Tumayo ako at tinungo yung pinto. Pinatay ko muna yung ilaw bago sarhan. Bumaba ako pero napatigil ako ng marinig ko yung kinanta ko kanina sa music room. Hindi ako nagkakamali. Boses ko yon. Paanong?
“She has an angelic voice.” I heard someone said. Lumapit ako sa kanila habang patuloy silang nakikinig.
“Did you peep in the music room?” Tanong ko kaya napatingin silang lahat sakin. Nagkatinginan sila at nagsalita yung isa.
“Hindi. Baka maling ilaw yung napindot mo kaya rinig sa buong kabahayan ang kanta mo.” Nanlaki ang mga mata ko. Buong kabahayan? Anong pakulo ni Auntie para magpagawa ng ganon? Kinopya ba niya ang style ng music room nila Sir Mikael? Sir Mikael is my music instructor. Aish! Bumuntong hininga nalang ako. Hindi ko naman ikinahihiya ang boses ko. Kumakanta ako sa harap ng maraming tao kaya hindi na kahiya-hiya pa iyon.
Tumalikod nalang ako at pumunta sa kusina. Naabutan ko yung isang matangkad na lalaki doon na nagluluto. Nasan si Kyungsoo?
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
