CHAPTER 8 : This scary baby (Sehun♥)

3.3K 106 11
                                        

Xyla’s POV

Natutulog lang ako ng maramdaman kong may kung ano o kung sinong sumusundot sa pisngi ko. Tinampa ko yun dahil baka lamok lang. Pero walang hiyang lamok dahil patuloy sa pagsundot sa pisngi ko. Anong tingin niya sa pisngi ko? Kama na pwedeng taluntalunan dahil malambot? Hampas lang ako ng hampas. Halos sampalin ko na nga yung mukha ko eh.

 

 

“Lala…”Rinig kong may bumubulong. Si Xytee ba yon? Si Xytee lang naman ang tumatawag saking Lala. Pero bakit lalaki? Ano, boy version ang peg ng lamok? Hindi ko yon pinansin at nagpadala sa antok.

 

 

“Lala~” Pero ang ingay kasi eh. Hindi marunong umintindi ‘tong lamok na ‘to? Sitsit ng sitsit. Kinuha ko yung unan at itinakip sa tenga ko.

 

 

“Lala~” Pero patuloy akong may naririnig habang sinusundot naman ang  ilong ko. At ano na namang trip ng lamok? Pagkamalang elevator button ang ilong ko? Kinamot ko yung ilong ko. Istorbo.

 

“Lala~ Gumising ka diyan.”

 

 

“Ano ba? Can you please stop pestering me? Find someone where you can sip more blood. Mapopoison ka lang sa dugo ko. Hmmm?” Tamad kong sagot sa lamok.

 

 

“Hindi ako lamok. Lala~ Gising.” Hindi daw siya lamok? Eh ano siya? Langaw? Wow ha? Infairness naman sa lamok na yan, nagturned into langaw. Naramdaman ko nalang na may nag-alis ng unan sa tenga ko tapos bumulong.

 

 

“Kinain ni Xiumin yung Siopao at Siomai mo.” Binalewala  ko yon pero ano daw? Si Xiumin? Kinain yung Siopao at Shiomai ko? Yun lang pal---. Agad akong napabangon.

 

 

“Nasan si Xiumin?! Asan ang mga siopao ko?!” Tanong ko sa kaharap ko. Natawa naman siya.

 

 

“Sabi ko na’t yun lang ang makapagpapagising sayo eh.” He said and chuckled. Tiningnan ko lang siya ng masama. Pero teka… Nanlaki yung mga mata ko. Bigla ko siyang nasipa at nahulog siya sa kama.

 

 

“What are you doing here in my room?!” Tanong ko sa kanya, but not too loud para hindi mabulabog yung mga katabi kong kwarto.

 

 

“Aray… ang sakit. Bakit mo ko sinipa? Nagising nalang ako diyan sa kama mo tapos katabi kita.” Sabi niya. Di ko gaanong Makita yung mukha niya. Madilim kasi eh. Naalala ko nga palang hinayaan ko siyang matulog dito ng hindi niya alam. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang oras. Ay sus! alas-kwatro na pala ng umaga.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon