CHAPTER 7.1 : Movie Marathon

3.3K 95 7
                                    

Xyla’s POV

Tapos na kaming lahat na kumain at nandito na ako sa kwarto ko. Hindi pa ako inaantok dahil nakatulog naman ako kanina. Naisipan ko nalang na manood. Namili ako ng movie at naisipan kong panoorin yung Coming Soon. Although napanood ko na, maganda parin sa pakiramdam yung mabibigla ka at matatakot.

 

 

Pinlay ko na iyon at agad tumalon sa kama ko nang biglang may kumatok sa pinto ko. Istorbo naman. Pinause ko muna, baka si Kyungsoo ‘to at dala yung gatas ko.

 

 

“Pasok.” Sabi ko at pinlay muli yung movie. Pero nagulat ako ng Makita kong iba yung mga pumasok. Pinause ko ulit at tiningnan sila.

 

 

“Anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko?”

 

 

“Manonood kami. Gusto rin naming itry yung bago mong TV.” Sabi ni Chen, tapos nagsiupuan sila sa sofa. Biglang nagbukas ulit yung pinto and this time, sina Luhan, Kyungsoo at yung iba na ang pumasok na may dalang Popcorn, fries tapos may gatas pa.

 

 

“Aba, hindi naman kayo ready ano? Saka bakit ba andito kayong lahat? Kung gusto niyong manood, may TV sa sala. Labas na.” Sabi ko. Napasimangot naman silang lahat.

 

 

“Sayang naman ‘tong popcorn at fries.”

 

 

“Edi kainin niyo.” Sabi ko.

 

 

“Iiwan nalang namin dito. Matutulog nalang kami.” Sabay tayo nila at lalabas na sana ng kwarto ko.

 

 

“Sige na. Sige na. Pwede na kayong manood dito pero ngayon lang, ano masaya na kayo?” Asik kong tanong sa kanila. Nangiti naman silang lahat. Kung makapangonsensya naman kasi. Akala naman nila makokonsensya ako’t maaawa sa kanila. Naaawa lang ako sa popcorn at fries dahil kung hindi nila kakainin, itatapon ko lang. Sayang ang pagkain.

 

 

“YEHEY!” Tuwang-tuwa nilang sabi. Tapos palapit pa sila sakin.

 

 

“Diyan lang kayo. Walang uupo sa kama ko kung ayaw niyong tadyakan ko kayo.” Hindi naman sa nag-iinarte ako. Ayoko lang silang katabi dahil ang gugulo nila. Saka, Mas nakakagalaw ako kapag walang katabi.Tiningnan nilang lahat si Luhan.

 

 

“Parang girl version ni Luhan.” Sabi nilang lahat. Wala akong naintindihan kaya di ko sila pinansin.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon