Xiumin’s POV
“Ano? Gigisingin ba natin siya?” Tanong ni Chen. Gabi na kasi at walang magluluto ng dinner.
“Wag na, mukhang pagod siya.” Sabi naman ni Kris.
“Eh kung si D.O nalang ang gisingin natin?” Suggest ko.
“Wag na rin, pagpahingahin muna natin sila. Tayo nalang muna ang maghanda.”
“Ha? Eh hindi naman tayo marunong magluto eh.”
“Lay does.” Suggest ni Luhan. Napatingin kaming lahat kay Lay.
“I only cook fried.” Fried? Ayos na yon, basta’t makakain lang.
“We’ll help you.” We all said at pumuntang kusina. Kumuha na kami ng kahit anong mailuluto namin. Naisip kong magluto ng fried chicken. Kaya pinakuluan ko muna ito at nagkanya, kanya naman ang iba. Tahimik lang kami at seryoso. Kinareer ang pagiging chef. Haha. Inalis ko na yung sinalang ko ng Makita kong puti na yung manok pero hindi parin gaanong luto. Hayaan mo na, maluluto rin naman ito mamaya.
Kumuha ako ng bowl at binuhusan iyon ng maraming harina at binuhusan ng tubig. Ganito ba ‘to? Bakit parang sabaw? Tapos, namuo pa yung ibang harina at nagbabubble.
“Basurahan ba ito o kusina?” Nagulat ako nang biglang may magsalita kaya napaharap kaming lahat sa pinto. Oh, gising na pala siya. Nilapitan niya kami at isa-isang tiningnan yung ginagawa namin.
“Labas.”
“Ha? Pero nagluluto kami.” Sabi ni Tao.
“Ang kusina, hindi lutu-lutuan ang ginagawa. Atsaka, ang dami niyo. Talagang magiging makalat kapag maraming tao dito. Maiwan ang isa na tutulong sakin at tatlong maglilinis sa mga kalat dito. Yung iba, ihanda niyo yung mesa tapos gisingin niyo si Kyungsoo at pababain. Aish! Sumasakit lalo ang ulo ko sa inyo.” Masakit yata ang ulo niya. Nakatayo parin kaming lahat.
“Ano? Galaw!” Lumabas yung iba at nagpaiwan ako kasama sina Luhan, Lay, at Kris.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionA princess but not a princess of a royalty meets some boys that aren't so ordinary. How would it feels like to do something you haven't done before? To move in a place where everyone lives differently and are strangers to you? Would you still be 'yo...