CHAPTER 19 : Xyla vs Belinda

2.5K 76 5
                                    

Xyla’s POV

Masakit ang mga mata ko nang magising ako. Magtatanghali narin pala at ang haba nang naitulog ko. Naalala ko yung kagabi. Nakatulog pala ako habang umiiyak sa balikat ni Suho. Nakakahiya naman sa kanya. Nabasa ko pa yata yung damit niya.

 

 

Naligo nako’t nagbihis at bumaba pagkatapos.

 

 

“Good morning Xyla.” Bati sakin ng impakta.

“Anong maganda sa umaga kung ang pangit mong mukha ang aking makikita?” Asar kong tanong sa kanya.

“Alam ko namang maganda ako kaya maganda rin ang umaga.”

“Ang kagandahan mo parang password.”

“Huh? Bakit?”

 

 

“Bukod sa ikaw lang ang nakakakita, ikaw lang din ang nakakaalam.” Nag-iba ang itsura ng mukha niya. Di ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa kusina.

 

 

“Good morning.” Bati sakin nang naglulutong si Kyungsoo.

 

 

“Sira na ang araw ko kaya wala nang good sa morning.” Sabi ko sa kanya at uminom ng tubig. Kumuha ako ng mga prutas at gumawa ako ng fruit salad saka narin ako kumuha ng fresh milk at nagsalin sa baso.

 

 

“D.O~ di pa ba luto? Nagugutom na ako eh.” Sabay pasok ng impaktita sa loob ng kusina.

“Malapit na ‘to.” Sagot niya sa impakta.

“Ikaw Xyla, nagugutom ka na ba?” Tanong sakin ni Kyungsoo.

 

“Nasusuka ako. Kyungsoo, maglinis ka ng kusina mamaya, may nakapasok na basura, baka kumalat ang bacteria at manghina ang ating resistensya.” Sabi ko sabay labas at bitbit ng gatas at bowl ng fruit salad at nagtungo sa sala. Wala akong pakealam kahit nagrhymes pa yung sinabi ko. Ayokong kumain sa dining dahil ayokong Makita pagmumukha ng basurang yon.

“Good mornig Xy-Xy.” Masayang bati sakin ni Xiumin. Di ko siya nginitian at umupo lang ako sa tabi nina Baekhyun at Chanyeol.

 

 

“Kumain ka na ba ng breakfast?” Tanong ni Chan-Chan sakin.

 

 

“I don’t. Wala akong gana. Ito na ang agahan at tanghalian ko. Nasaan nga pala si Auntie?” Tanong ko sabay subo ng salad.

 

 

“Namalengke.”

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon