Xyla’s POV
“Awww…” Sabay naming sambit nung nadaganan ko.Biglang bumukas ang ilaw at nakita kong nakatingin sakin yung akala ko, kama. Tiningnan ko siya at kumunot ang noo ko.
“Ano ba kasing ginagawa mo sa sahig? May kwarto ka di ba? Bakit diyan ka natutulog?” Tanong ko sa kanya habang hinihimas yung paa ko. Ang sakit. Para akong napilayan na ewan. Nakapatong ako sa kanya. More on, nakaupo ako sa likod niya habang nakadapa siya.
“Baka gusto mong umalis? Hindi ka magaan.” Wow! NapakaLITERAL naman niyang magsalita. I’m on my half way sa pagtayo ng biglang kumirot ang paa ko kaya bumagsak ako ulit sa kanya.
“Nananadya ka ba?” Bakas sa boses niya ang inis. Ang sakit talaga ng paa ko.
“Pasensya na ha? Akala ko kasi kama, ikaw pala.” Sarkastiko kong sabi sa kanya.
“Tabi na kasi.” Sabi pa niya kaya umalis ako sa pagkakaupo sa likod niya at sa sahig nalamang umupo habang hinihimas yung paa ko.
“Ayos ka lang Lay?” Tanong nung lalaking nakahiga kanina sa sofa na ngayon ay nakatayo na sa harap namin. Talagang yung kasamahan niya lang yung tinanong niya. Kamusta naman ako di ba? Wala akong mapapala sa mga taong ito. Babalik nalang ako sa kwarto ko. Tumayo ako at pinilit na maglakad kahit paika-ika lang.
“Ayos ka lang?” Wow… sa wakas at may nagtanong din. Hinarap ko yung lalaking matangkad na dahilan ng pagkatapilok ko.
“Do I look like I’m okay yet I’m not?” I said with piercing eyes. Tumayo yung nadaganan ko kanina at lumapit sakin. Akala ko kung anong gagawin niya pero bigla nalang siyang nagsquat paupo at hinawakan ang paa ko. Hinilot hilot niya ito at nasakto niya yung masakit na parte.
“Ouch…” Daing ko. Ang sakit kaya.
“Ayan, maayos na yan. Naipit lang yung ugat mo kaya hindi mo nagalaw nang maayos.” Sabi niya atsaka tumayo. Ginalaw galaw ko ang paa ko at hindi na nga gaanong masakit.
“Next time, better sleep in a room rather than on the floor. Baka next time, hindi lang kita madaganan. Baka tapakan na kita.” Sabi ko sa kanya bago naglakad paika-ika palayo.
“A simple thank you will do.” He said. Hindi na ako lumingon pa at dumiretso nalang pataas sa kwarto ko. Unang araw ko palang dito, puro kamalasan na ang nangyari sakin. Naglalakad na ako palapit sa pinto ng aking baul nang biglang bumukas yung pinto na may initials na ‘Cha’ at lumabas ang isang lalaking matangkad. Uso ba patangkaran dito? Nahiya naman ako sa height nila. Buti nalang at hindi nagpahuli ang height ko. Tiningnan niya ako pero hindi ko siya pinansin.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
