CHAPTER 17 : Tao and Kai♥

2.9K 81 4
                                    

Tao’s POV

Nakausap ko na si Xyla at kilala na niya ako. It’s a miracle. Ang bait niya talaga kahit minsang napakaweird niya at nakakatakot siya. Nanuod lang kami ulit sa kwarto niya at kumain. Ang sarap nung cookies. Hindi gaanong matamis, pero sobrang sarap. Di ko alam pero tuwing siya ang magluluto, nakakagood vibes lang.

 

Kai’s POV

Kilala na ako ng prinsesa pero ang problema, mukhang galit siya. At dahil sa nagasgasan ko ang magandang mukha niya at makinis niyang braso ay pinarusahan niya ako.

 

“Kai, di ka pa tapos maghugas?” Tanong niya sakin. Halos mabasag ko na nga yung mga plato dito. Paano, di naman ako marunong maghugas ng plato.

 

“Sandali nalang ‘to.”

 

“Talagang sandali nalang at mauubos mo na lahat ng yan. Gusto mo, basagin mo na lahat eh.”

 

 

“Xy, hindi ka nakakatulong.” Nakakastress pala siya. Kanina pa siya nakabantay sakin at hindi ako pwedeng umalis ng bahay hanggat di ko natatapos ‘to. Nakaalis na nga sina Lay eh. Malelate na ako sa trabaho ko. Patay ako sa boss ko nito.

 

 

“Dalian mo kung gusto mo pang pumasok.” Sabi niya at iniwan na ako. Maya-maya konti ay natapos ko rin ang paghuhugas. Sa labing tatlong plato, pito nalang ang natira. Nabasag yung iba eh. Agad kong kinuha yung bag at jacket ko sa sala at tatakbo na sana palabas.

 

 

“Sandali!” Humarap ako kay Xy. Bakit Xy ang tawag ko sa kanya? Xy, pronounced as Sigh and rhymes with, Kai. Haha.

 

 

“Ihahatid kita para hindi ka na mahuli sa trabaho mo.” Halos mapangiti ako sa sinabi niya. Ihahatid niya daw ako? Kaya pala naka salamin siya ngayon at hoody.

 

 

“Sama ako!” Nilingon namin yung mga nasa sala.

 

 

“Si Biik, este Baekhyun at Xiumin muna ang isasama ko. Maiwan muna yung iba dito.” Nalungkot naman yung iba pero halos magdiwang yung dalawa. Lumabas na kaming apat at sumakay sa kotse niya. Tumabi ako sa kanya habang sa likod naman sina Xiumin at Baekhyun.

 

 

“Woah… astig pala ng kotse mo ha?” Sabi ko at sinipat yung kotse niya. Di niya ako sinagot at pinaandar agad yung kotse. Itinuro ko nalang sa kanya yung direksyon papunta sa trabaho ko. Nadaanan namin yung ospital kung saan nagtatrabaho si Lay at tinuro ko rin sa kanya yon. Tatango-tango lang siya. Tinuro ko rin yung pinagtatrabahuhan ni Kris.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon