Luhan’s POV
Busog na busog ako at lasap na lasap ko yung sarap ng pagkaing inihanda niya kanina. Kaya ginanahan kaming lahat na maghugas at magligpit ng pinagkainan namin. Nang matapos na kami ay napagpasyahan naming pumunta sa sala para manood ulit ng TV pero nadatnan namin siyang nakaupo sa sofa at nanonood na.
“Anong pinapa---” Tatanungin sana siya ni Kris pero napahinto siya. Tiningnan ko si Xyla. Nakapikit siya habang yakap yung isang throw pillow at nakaupo. Nakatulog na yata.
“Dalhin kaya natin sa kwarto niya?” Suggest ni Xiumin.
“Ako nang magbubuhat.” We all said in chorused. Nagkatinginan kaming lahat.
“Ako na. Ako ang pinakamatanda dito, kaya ako ng magbubuhat.”
“Sandali lang Kris, ako ang pinakamatanda dito.” Pagrereklamo ni Xiumin.
“Oo, ikaw nga ang pinakamatanda sa edad, pero ikaw ang pinakabata sa pag-iisip.” Natahimik naman siya.
“Ako nalang ang magbubuhat sa kanya, tutal papunta narin akong kwarto ko. Idadaan ko nalang siya.” Wala na kaming nagawang lahat ng buhatin siya ni Chanyeol. Bumuntong hininga nalang ako at sumunod.
“Oh, saan ka pupunta?”
“Paano mabubuksan ni Chanyeol ang pintuan kung buhat niya si Xyla?” Tanong ko. Napatango naman sila. Nakasunod lang ako sa kanila hanggang marating namin ang labas ng kwarto niya. Binuksan ko yun at pumasok si Chanyeol habang bitbit siya. Sumunod rin ako sa loob. Nilibot ko ang tingin ko. Napakalinis niya naman sa kwarto. Nakita ko yung gitara niya sa ibabaw ng kama niya. Pagkababa sa kanya ni Chanyeol ay agad niyang niyakap ang gitara niya.
“Xandria?” Chanyeol ask out of nowhere. Lumapit ako at tiningnan ang tinitingnan niya. And there I saw a name engrave in her guitar. Xandria… Maybe it’s her real name. Ang ganda naman pala ng pangalan niya.
“Hindi pa ba kayo lalabas?” Bigla kaming napatingin sa pinto at nakita namin ang ulo ni Xiumin na nakasilip sa pinto. Tinungo namin yung pinto at binuksan. And there we saw them all except for D.O.
“Anong ginagawa niyo sa labas ng pinto?” Tanong ko.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionA princess but not a princess of a royalty meets some boys that aren't so ordinary. How would it feels like to do something you haven't done before? To move in a place where everyone lives differently and are strangers to you? Would you still be 'yo...