Xyla’s POV
Nagising nalang ako na masakit ang ulo ko at parang may kumikirot. Napaupo ako habang hawak ang ulo ko ng may makapa akong bandage sa noo ko. Anyare dito? Tiningnan ko yung oras at magtatanghali na pala. Di man lang nila ako ginising para mag-almusal? Pagkakatanda ko, di ako kumain kagabi. Isang beses nga lang ako kumain kahapon eh, yung agahan lang. Kaya pala kumukulo na ang tiyan ko. Nagugutom na ako. Gutom na gutom.
Inalis ko yung kumot ko at may nakita akong benda sa braso ko. Sh*t! Bakit may ganito ako? Wala naman akong natatandaang nasugatan ako ah? Bumaba ako ng kama ko at tatayo sana pero bigla nalang kumirot ang paa ko. Ano ba kasing nangyari? Bakit parang ang sakit din ng katawan ko? Pinilit kong tumayo at lumabas ng kwarto at bumaba.
Pagbaba ko, naabutan ko silang lahat na natutulog sa sala. Tulog na naman sila? Lumapit ako para gisingin sana sila para may kasabay akong kumain. Lumuhod pa ako para yugyugin si Lay na natutulog sa sahig.
“Lay… Lay…” Mahina kong tapik sa mukha niya. Kukusot-kusot naman siya ng mata at dumilat. Kumurap-kurap pa. Nagulat yata siya at biglang napaupo pero bago pa siya umupo, tinamaan niya yung noo ko at yung may bandage pa yung tinamaan niya.
“Aray!” Halos maiyak ako sa sobrang sakit. Magheadbump ba naman kami, hindi masakit non? Di ko na napigilan at naiyak na nga ako. Daig pa nito yung naalog ang utak ko. Feeling ko tumitibok-tibok yung noo ko. Kahit anong pigil ko’t magtapang-tapangan, masakit talaga kaya umiyak nalang ako. Nagising tuloy lahat.
“Sorry… sorry Xyla, hindi ko sinasadya.” Natataranta niyang sabi. Di niya alam kung hahawakan ba ako o kung ano. Tuloy lang sa pag-agos yung luha ko habang hinarangan ko ng braso ko yung mga mata ko.
“Ano bang *hik* problema mo?! Ginigising lang naman *hik* kita tapos… *hik* masakit na nga yung ulo ko, inuntog mo pa!” I said between my loud sobs. Ang sakit eh. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Masakit ang katawan ko, kumikirot yung may mga benda tapos nagugutom pa ako. Bigla ko nalang naramdaman na may yumakap sakin. Di ko alam kung sino ‘to pero wala lang akong tigil sa pag-iyak. Gusto kong untugin si Lay. Bwisit eh!
“Tahan na… di ko talaga sinasadya.” Rinig kong sabi nung yumayakap sakin. Base sa mga sinabi niya, alam ko ng si Lay ang yumayakap sakin ngayon. Inabot ko yung buhok niya at sinabunutan siya ng kaunti. Masakit yon pero mas masakit yung ginawa niya. Kumalas na ako sa yakap at tiningnan siya ng masama.
“Now, were even.” Sabi ko at tatawa-tawa naman siyang nakahawak dun sa parteng sinabunutan ko. Hinila ko yung damit niya at ginawang pamunas. Sisingahan ko sana kaso nakakahiya. Kadiri naman masyado yon.
“Ayos ka na?” Tanong niya sakin. Inisnab ko siya. Kaasar siya. Umiyak pa ako at nagising pa yung iba nang dahil sa ginawa niya. Hinawakan ko yung kamay ni Mr. Snow white at ginamit siya para makatayo ako. Pagtingin ko sa kanya, nakita kong may bandage yung leeg niya. Napakunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
