Lay’s POV
“Di pa siya gising?” Tanong ni Kris sa kanila. Kakagising ko lang kasi. Nag-aagahan na kami pero tulog pa yata siya.
“Di ko na ginising. Baka napuyat kakapanood kagabi. Inaraw-araw na kasi natin yung panonood. Tapos, di pa siya nakakatulog pagtanghali.” Sabi ni Kyungsoo. Humigop nalang ako ng kape. Parang di na ako sanay sa black coffee. Mas gusto ko yung brown coffee na timpla niya na may disenyong dahon sa taas. Napangiti nalang tuloy ako.
Anong oras na pero di parin siya bumababa. 10am na. Wala ba siyang balak kumain?
“Katukin ko na kaya? Baka nagugutom na yon. O kaya, ano nang nangyari don?” Pag-aalala ni Baekhyun. Saka tumayo. Hindi pa kami tumatango, umakyat na siya sa taas. Tapos mga ilang minuto lang, bumaba siya na nakabusangot.
“Oh, ano? Gising na ba?” Tanong ni Suho. Napakamot nalang ng ulo si Baek.
“Anong nangyari?”
“Wala ata sa mood. Sinigawan ako at binato ng unan.” Saka siya umupo sa sofa.
“Hayaan niyo na muna. Baka inaantok talaga.”
“Ewan. Napakamoody niya. Minsan mabait. Minsan masungit, minsan nakakatakot. Pero mas nakakatakot siya kanina.” Humiga nalang ako sa sahig at nakinig sa mga pinag-uusapan nila habang nanunuod sila ng TV. Inaantok pa ako. Makakatulog na sana ako pero halos mapatalon ako sa gulat.
“LAAAAAYYYYYYY!!” Napatingin ako kung san galing yung sigaw at nakita ko siya sa bandang hagdan. Magulo ang buhok at mukhang basa at parang may dinaramdam siya. Bumangon ako agad at tumakbo palapit sa kanya. Baka inaatake na naman siya ng asthma niya.
“Ayos ka lang?” Tanong ko.
“TATAWAGIN BA KITA KUNG MAAYOS AKO?! PATAYIN NIYO NGA YANG TV KUNG AYAW NIYONG KAYO ANG PATAYIN KO!” Sigaw niya kaya bigla nalang namatay yung TV. Tama nga si Baekhyun. Mas nakakatakot siya ngayon.
“Masakit ang puson ko.” Mahina niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kanya. Parang ang putla niya tapos yung mukha niya parang hinang-hina. Ano ngang sinabi niya? Nakalimutan ko kaagad. Nakatitig lang kasi ako sa kanya.
“H-ha?” Tanong ko.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionA princess but not a princess of a royalty meets some boys that aren't so ordinary. How would it feels like to do something you haven't done before? To move in a place where everyone lives differently and are strangers to you? Would you still be 'yo...