CHAPTER 4.1 : Ang luto ng prinsesa

3.6K 107 8
                                        

Kris’ POV

“D.O, hindi ka pa ba magluluto ng tanghalian?” Tanong ko sa kanya habang pababa siya ng hagdan. Sapo niya yung tiyan niya.

 

 

“Anong nangyari sayo?”

 

 

“Masakit yung tiyan ko.” Sabi niya. Inalalayan ko pa siya at pinaupo sa sofa. Sakto namang andun si Lay. Buti nalang at may doctor kami dito sa bahay at wala siyang pasok ngayon.

 

 

“Oh, anong nangyari sayo D.O?” Tanong niya at agad tiningnan ang pasyente niya.

 

 

“Masakit ang tiyan ko.” Sabi niya.

 

 

“Panong hindi sasakit ang tiyan mo eh kinain mo yata lahat ng niluto mo kanina.” Sabi ni Lay.

 

 

“Nakakahiya naman kasi sa inyo. Hindi niyo pinansin yung niluto ko.”

 

 

“May magagawa ba kami? Masarap yung pancake at nakakabusog. I suggest na si Xyla ang maging bago nating cook.” Chen

 

 

“Hindi pwede. Di ba ang bilin ni Auntie, bawal siyang pagurin?” Sabi ko at napakamot nalang siya ng ulo.

 

 

“Sige, ako nalang ang magluluto. Pahinga ka nalang muna.” Suhestisyon ko. Agad akong pumunta sa kusina. Hinanda ko ang lahat at nagulat nalang ako ng may tumugtog sa buong kabahayan. May gumamit yata ng music room. Pero babae yung boses at ang ganda ng boses niya. Nag-enjoy tuloy ako sa pagluluto.

 

 

Naprito ko na yung lahat ng isda at ang sauce naman ang niluluto ko. Binuhos ko yung sauce at nilagyan ko ng tubig. Pero parang napasobra yata yung lagay ko dahil namukha itong sabaw at hindi sauce. Nilagyan ko nalang ng asin. Hinalo-halo ko at nagulat nalang ng biglang may sumulpot sa kusina.

 

 

“Is that for lunch?” Tumango nalang ako. Tama nga pala si D.O, galaw-galaw rin para mapansin.

 

“Anong dish ang niluluto mo?”

 

 

“Fried tilapia in tomato sauce.” Sabi ko. Lumapit siya at tiningnan yung sauce.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon