CHAPTER 2 : Night happenings

4.5K 109 13
                                    

Xyla’s POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako nang uhaw. Tumingin ako sa labas at gabi na pala. Tiningnan ko ang oras at 6pm na, ang haba nang tulog ko. Hindi pa ako nakakapagpalit. Pumunta muna ako sa banyo para maligo. Nagbihis ako agad at nag-ayos at lalabas na sana nang kwarto ko pero nakita ko ang isang lalaking nakatayo doon at nakapwesturang kakatok. Ibinaba niya agad ang kamay niya at kinamot ang batok niya.

“Kain na daw sabi ni Auntie.” Sabi niyang hindi nakatingin sakin. Naghintay pa ako nang sasabihin niya pero nakatulala lang siyang nakatingin sakin.

“Ano, titigan tayo dito for life?” Tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya at ngumiti nang ewan. Hindi ko na siya hinintay pa at sinara ko na ang pinto ng kwarto ko at iniwan ko siya don. Alam kong sumunod siya pero hindi na ako lumingon pa. Bumaba na ako at nakita kong nakaupo na silang lahat sa hapagkainan.

 

 

“Good evening hija.” Bati sakin ni Yaya.

 

 

“Buenas tardes.” Napatingin sakin si Yaya na nanlalaki ang mga mata. Nalimutan kong wala nga pala ako sa palasyo.

“Buenas ako ngayon Auntie, tardenas ba ang ulam?” Pahabol ko pang litanya. Grabe, ganito pala ang maipit sa ganitong sitwasyon, gagawa ka’t mag-iisip nang kahit anong maitatapal mo. Ang mais lang, saan ko nakuha yon? Tapos, ang pagkakasabi ko, no expression pa.

 

 

“Pffffft.” Rinig kong nagpipigil silang lahat nang tawa.

 

“Anong nakakatawa? Mukha niyo ba?” Tanong ko sa kanila kaya nanahimik sila ulit.

 

 

“Uhh… hija, maupo ka na.” Pinaghila ako ulit ni Yaya ng upuan at ipinagsandok. Maingat akong kumain tulad nang nakagawian. Bakit ba walang table napkin dito? Paano kapag nadumihan ang suot ko? Hayaan mo na nga.

 

“Bukas nga pala ng umaga ang alis ko. Hindi ko na kayo gigisingin. Magtext nalang kayo kapag may kailangan kayo o may problema, okay ba? At oo nga pala Xyla, ibigay mo ang numero mo sa kanila para macontact mo sila kung saka-sakali.”

 

 

“Numero nila ang ibigay nila Auntie. Hindi naman ako aalis ng bahay dahil bakasyon naman ngayon at walang pasok.” Sabi ko habang nagpapatuloy sa pagkain. Walang sumagot. Good. Ayokong nakikipagbangayan dahil sa huli, wala namang pupuntahan.

 

“Ibibigay ko nalang sayo yung mga numero nila hija. Oh, kayo ha? Alagaan niyo si Xyla. Xiumin at Chen, wala munang kalokohan okay? Lay at Suho, mga hijo, wag magpapakapagod sa trabaho niyo. Kris, ikaw nang bahala sa mga ‘to. Luhan at Sehun, wag masyadong magbabad sa TV, matulog ng maaga. Tao, stop wushuing, kapag gabi na para hindi mabulabog ang mga kasama mo. Chanyeol, wag masyadong makalat.” Huminto sandali si Yaya at uminom ng tubig. Habang ako ay patuloy lang na kumakain. Grabe lang sa paghabilin, akala mo naman hindi na babalik. Napakamaaalalahanin talaga ni Yaya.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon