Xyla’s POV
Nagpahinga ako sandali, at di ko namalayang nakatulog pala ako. Paggising ko, madilim na. Tiningnan ko yung oras at 6pm na pala. Agad akong naligo at nagbihis atsaka bumaba. Nakaramdam ako ng gutom. Hindi pa pala ako nagtanghalian. Pagbaba ko, nadatnan kong nanunuod yung iba. As usual. Normal na sigurong ganyan ang ginagawa nila sa araw-araw. Sakto namang bumukas ang pinto at magkasabay na pumasok sina Lay at Kris. Andito na kasi yung dalawa pang nagtatrabaho. So meaning to say, andito na kaming lahat sa loob. Nakita nila ako at nginitian, pero blanko lang ang sagot ko.
“How was your day?” Tanong ni Lay sabay lapit sakin. Akala ko naman kung anong gagawin niya, hinawakan niya lang yung noo ko. Napakunot tuloy ang noo ko. Parang kelan lang ang sungit niya, anyare? Bumait ata ang lolo ko?
“Chinecheck ko lang, baka nilagnat ka dahil sa kakulitan ng mga ‘yon.” Sabi niya at saka ngumiti na labas yung dimple niya. Napaka gentle niya naman. Hindi naman kami close. Eh isang beses ko palang nakausap, tapos FC agad?
“Umakyat na kayo at magpalit, kakain na siguro tayo.” Sabi ko nalang at pumuntang kusina, where in naabutan ko si Kyungsoo na nagluluto.
“Anong ulam?” Tanong ko sa kanya.
“Potchero.” Nilapitan ko yung niluluto niya at amoy na amoy ko. Ang bango. Bigla tuloy kumalam yung sikmura ko dahilan para matawa siya.
“Anong magagawa ko? Gutom na ako.” Sabi ko atsaka kinuha yung kutsara sa tabi niya. Tinikman ko yung luto niya at infairness, improving ang assistant chef ko.
“Ta-tama lang ba ang… lasa?” Tanong niyang namumula. Anyare sa kanya? Kani-kanina lang ayos lang siya ah. Hinawakan ko yung noo niya.
“Mainit ka. Wag kang masyadong tumutok sa usok, baka pati mukha mo, maluto.” Sabi ko atsaka binuksan yung ref. I froze. Packing tape! At ano itong Nakikita ko?!
“KYUNGSOOO!” Sigaw ko sa kanya. Nagulat yata siya kaya nahulog yung sandok na hawak niya.
“Anong ginawa niyo dito?! Bakit ang gulo ng ref?!” Asik kong tanong. Binuksan ko yung bagong ref na binili ko na mas malaki ng higit sa ref ni Yaya. At mas nanggalaiti ako.
“LUHAN! CHEN! BAEKHYUN! KYUNGSOO!!” Asar kong sigaw. At wala pa yatang isang minuto ay nagtakbuhan silang lahat papasok ng kusina.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
