D.O’s POV
Maaga akong gumising para magluto. Nagising narin yung iba at tulad ng dati, diretso sila sa sala. Pagdating ko sa kusina, wala akong Xyla’ng nakita. Tulog pa siguro. Bubuksan ko sana yung ref nang may nakita akong note.
‘I’ll be gone for a while.’ – Xyla
Yun lang ang nakalagay sa note. San naman siya pupunta? Agad akong pumunta sa sala.
“Uhh… guiz…” Humarap naman silang lahat sakin na halos papikit-pikit pa. Tingnan ko nga kung hindi magising ang mga ‘to pag nalaman nila.
“Xyla left a note. She said she’ll be gone for a while.” Tumango-tango sila pero agad na napatingin ulit sakin na buhay na buhay ang mga mata. Hahaha… sabi ko na eh. Nagmadali silang lumapit sakin at kinuha yung note.
“San siya pumunta?”
“Di ba sabi ni Auntie wag natin siyang hayaang umalis ng mag-isa?”
“Paano kung may mangyaring masama doon?”
“Paano kung atakihin ng asthma yon?”
“Paano kung kumakain siya tapos di niya tayo naiisip?” We all eyed to Xiumin. Ganito na nga ang set-up, pagkain parin iniisip niya.
“Di ba sabi niya, she’ll be gone for a while? Di niya naman sinabing di na siya babalik kaya bakit kayo ganyan? Think positive.” Sabi ni Kai. Napatango naman ako. Oo nga naman, di naman siya mawawala. Babalik rin siya. Kumain na kami ng almusal, ng tanghalian, at nakapagmeryenda narin kami.
“Asan na siya? Ba’t di pa siya umuuwi? Akala ko ba for a while?” Kris asks while waiting at the front door.
“Uuwi rin yon, ano ba kayo?” Naghintay kami. Ganito pala sa bahay na ‘to ano? Parang may kulang. Parang ang lungkot pag wala si Xyla. Hindi naman ganito dati di ba? Pero kasi… simula ng dumating siya, nag-iba na eh… at parang hindi pwedeng wala siya dito. Gabi na at nakakain na kaming lahat.
“Ang tagal niya. Hindi kaya naligaw na yon?”
“Ireport na kaya natin sa pulis?”
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
