CHAPTER 31 : Sweet

2.3K 73 4
                                    

A/N : I thought I'm gonna say goodbye at all but thanks God at naayos ang connection ko. I did all my best and walaah! Hello! I'm back and here's my promise updates~

~~~~

Xyla’s POV

“Xyla, please… let’s go.” Ang kulit talaga ng lahi ng lalaking ‘to. Kita nang ang sarap-sarap ng tulog ko eh. Peste talaga! May jet lag pa nga ako oh!

 

 

“Wag kang makulit Laurence kung ayaw mong sipain kita.” Sabi ko at nagtakip ng kumot but he keeps pulling it.

 

 

“OO NA! ITO NA! SASAMAHAN NA KITA! PERO PWEDE BA? KAHIT ISANG ARAW LANG, PAGPAHINGAHIN MO AKO PAGKATAPOS NITO?!” Sigaw ko sa kanya pero ngumiti lang siya at tumango-tango. Isinuot ko kaagad ang coat ko at ang boots ko. Letche! Wala pa ngang isang oras ang tulog ko, binulabog na ako. Ano bang hindi niya naiintindihan sa salitang ‘pahinga’? Nilock ko ang pinto ko habang nagmamadali siya’t hila-hila ako.

 

 

“Pwede ba Laurence, stop clinging. Nakakairita.” Asik ko sa kanya kaya naman sa bewang niya ako hinawakan. He’s so close at naiirita ako. Nakasunod naman sa likod namin ang mga butler namin and they are wearing a casual wear. Buti naman at hindi sila nag-black coat. Padaan na kami nang biglang magbukas ang pinto ng kwarto nung labindalawang lalaking supposedly ay iniiwasan ko at sumilay ang mga gulat nilang mukha.

Di ko sila tiningnan at tumuloy-tuloy lang kami ni Laurence papunta sa elevator. Sumakay kami sa elevator at dahil malaki ito, nagkasya rin silang labindalawa. Nasa likod namin sila habang kami ni Laurence ay nasa harap at nasa gilid ang mga butler namin. Bigla akong niyakap paside ni Laurence at ipinatong pa ang ulo niya sa balikat ko. Ang sarap hampasin.

 

 

“Thank you for being with me, Laur… I love you very much… He said. Yeah, yeah yeah… kung hindi lang din kita mahal, malamang, ako mismo ang sisipa sayo papuntang Hong Kong.

 

 

“I love you too.” I replied and he kissed my cheek. Di na ako gaanong naiilang sa ginagawa niya dahil bata palang kami, ganyan na ang pinsan ko, mahilig manghalik at mangyakap. Ganyan niya ipakita ang appreciation niya which is kabaliktaran ng akin. Pero kahit sanay ako sa ginagawa niya, naaasiwa parin ako dahil masyado siyang sweet at showy. Pwede naman kasing pigilan di ba? O kaya, imbis na yakap at halik, bilhan niya nalang ako ng kotse. O di ba? Mamahalin ko siya ng buong-buo kung bibilhin niya lahat ng luho ko. Harhar.

 

 

“You’re the best.”

 

 

“I know right.” I said. Hindi kami mukhang magpinsan nitong si Laurence, we look like a couple. Kung hindi mo talaga kami kilala, mamimis-understood mo lahat. Yung mga nakakakilala nga sa amin, ang tawag sa amin ay kambal. Yeah, Laurence is my fraternal cousin. Kung bakit ba sabay na nagbuntis ang mga ina namin at sabay manganak. Tadhana nga naman oh, binigyan ako ng pinakamabait na pinsan na sa sobrang kabaitan, gusto ko nang ipadala sa kalawakan para malayo naman sa akin.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon