D.O’s POV
Maaga akong nagising dahil maaga naman talaga akong nagigising. Pero iba ngayon. Lumabas ako nang may marinig akong ingay sa labas. Tapos nakita ko lahat na nasa labas ng bawat pinto ng kwarto. Maging si Xyla ay ganon din. Halatang kakagising niya palang dahil nakapajama pa siya. Ang cute niya pala pag bagong gising pero mukhang hindi maganda ang gising niya dahil nakakunot ang noo niya.
“Next time, try to control your voice. Ang aga-aga, nangiistorbo kayo nang tulog.” She said and barge her door hard. Anong nangyari don? Napatingin kaming lahat sa isa’t isa.
“Ano na namang ginawa niyo?” Tanong ni Kris. Nagkatinginan naman sina Xiumin, Chen, Baekhyun, at Tao.
“Si Chen kasi. / It’s Tao. / Si Xiumin. / Si Baekhyun.” Sabay-sabay nilang turo sa isa’t isa. Napailing nalang kaming lahat at nagsibalikan sa kanya-kanya naming kwarto. Naligo ako sandali at agad bumaba para magluto. Trabaho ko na yata ‘to tuwing umaga. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng Makita kong pumasok siya sa kusina.
“Good morning. Gising ka na pala.” Sabi ko habang nakaharap sa niluluto ko.
“Sinong hindi magigising sa ingay ng mga kasama mo?” Ayoko siyang tiningnan baka mamaya, mas lalo siyang mabadtrip.
“Pasensya ka na sa kanila. Nakalimutan lang nilang hindi na lang pala sila ang nakatira dito.” Sabi ko. Hindi na siya sumagot at inabala ang sarili niya. Hindi ko na siya pinakealaman dahil baka magalit na naman siya. Nang matapos niya ang ginagawa niya ay lumapit siya sakin at tiningnan ang niluluto ko.
“Ano yan?”
“Fried rice.”
“Itlog, ham, bacon, hotdog at fried rice ang agahan niyo?”
“Oo… araw-araw ng ganito ang kinakain namin.” Tinalikuran niya ako at naghalungkat ng kung ano-ano sa cabinet. Hindi ko alam ang gagawin niya. As long as hindi niya nagugulo ang pagluluto ko, ayos lang. Natapos na akong magluto at sinalin ko na yun sa malinis na lalagyan.
“Pakiheaten yung pan.” Pakiusap niya at ginawa ko naman. Pinagmasdan ko lang ang gagawin niya. Mas magandang nanunuod kesa nagtatanong. Natapos niya nang lutuin lahat ng pancake at inilagay sa 13 plates. Yung iba, tigtatatlo lang. Tapos yung isa, apat at yung isa dalawa. Kanino kaya yung apat? Tingin ko kanya yung dalawa eh.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
