CHAPTER 6.2 : CHENen and BIIKhyun

3.3K 92 5
                                    

Xyla’s POV

Nagtaxi nalang kami pauwi. At dahil badtrip ako, hindi ko sila lahat kinausap. Dada ng dada sina Luhan at Kyungsoo sa tabi ko pero parang hangin lang akong nakikinig sa kanila. Buti nalang at medyo mabilis kaming nakarating sa bahay, pero hapon na. Ang tagal din pala namin sa mall kanina. Hinakot na nila yung pinamili namin. Syempre, ako yung may bitbit ng sanitary and utility supplies ko.

 

 

“WELCOME HOME~!” Bati ni Xiumin sa amin ng pagbuksan niya kami ng pinto. Hindi ko lang siya pinansin at dirediretsong pumasok sa loob ng bahay. Nakita kong nandoon na yung pinadeliver ko.

 

 

“Asan yung pasalubong? Andito ba?” Tanong niya sa mga kasamahan niya habang bitbit yung ilang plastic.

 

 

“Nandiyan yung icecream. Isa lang ang ibawas niyo huh? Itira niyo yung iba.” Pagpapaalala ko. Tiningnan ko na yung appliances. Kumuha ako ng gunting at binuksan yung ref.

 

 

“Woah~ Akala namin, babae ang laman niyan, Ref pala. Hahahaha~” Sabi ni Xiumin habang puno ang bibig ng ice cream. Kinuha ko yung DVD player. Magaan lang naman ‘to kaya ako na ang magbibitbit. Pero paano ko iaakyat ‘tong TV?

 

 

“Do you need help?” Nilingon ko yung nagsalita at siya yung tatapalan dapat ng ice cream ni Xiumin sa mukha pero ako yung natapalan.

 

 

“If you think so. Pakibuhat nalang yung kahon papunta sa kwarto ko. Medyo mabigat yan, at ingat ka dahil baka mabasag yung TV sa loob.” Sabi ko sa kanya.

 

“Ako nga pala si Chen.” Pagpapakilala niya sabay ngiti. Ano daw? Tiyan? Slang ba siya? Napakunot ng kaunti ang noo ko.

 

“Chen-Chen, tulungan na kita diyan.” Biglang sulpot nung isang kasama ni Xiumin na naiwan dito. At mali pala ako. Chen pala ang pangalan niya. Akala ko Tiyan, tapos slang lang.

 

“Ako nga pala si Baekhyun.” Pagpapakilala rin ng isa. Ano daw? Biikyun? Bacon? Sounds Baekla… Ang wiweird naman ng pangalan ng iba sa kanila. Tumango nalang ako at umakyat habang nakasunod sila.

 

 

“Watch your step.” Hindi kasi nila Makita yung hagdan dahil malaki yung kahon.

 

 

“Oy! Baka mahulog yung TV Baekla!” Napasigaw ako. Paano ba naman kasi, muntik na siyang maout balance. Concerned ako sa TV, ayos lang na siya ang mahulog, magagamot pa, pero kapag yung TV ang nabasag, wala ng pag-asa. Natawa naman si Tiyan sa sinabi ko habang ang sama ng tingin sakin ni Baekla.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon