CHAPTER 6.1 : Shopping

3.7K 86 7
                                        

Luhan’s POV

Kinabahan ako sa ginawa niyang paglaban dun sa dalawang holdaper  kanina. Nakakabilib talaga ang babaeng ito. Akala ko sa kulungan ang bagsak namin pero pinagbigyan niya pa yung dalawang holdaper at inabutan ng pera. Kami pang mga lalaki yung natakot at ipinagtanggol niya. Nanliliit tuloy ako kanina habang nasa jeep at tinitingnan nung iba pang pasahero.

“Eto na yun?” Tanong niya nung makarating na kami sa mall. Wala kasing malapit na grocery dito sa amin at mall lang ang malapit.

“Oo… may supermarket diyan. Diyan nalang tayo bumili.”

“Alam ko. Ang hindi ko lang maintindihan, ay bakit dito? Wala bang yung hindi gaanong matao?” Tiningnan ko siya. Parang nag-aalala ang mukha niya. Hindi ba siya sanay sa mataong lugar?

“Don’t worry, we’re here. We won’t let you lost.” Pagpapakalma ko sa kanya. Tiningnan niya ako.

“Hindi ako mawawala. Hindi ako yung tipong naliligaw. Aish! Ang akala ko sa grocery tayo pupunta, hindi niyo sinabing sa mall pala. Ganito pa man din ang suot ko.” Inis niyang sabi. Wala namang problema sa suot niya, napakasimple niya ngang tignan eh.

“Pasensya na, wala kasing grocery dito at itong mall lang ang malapit satin.” D.O.

“Whatever. May magagawa pa ba ako?” Atsaka na siya naunang pumasok sa mall. Nagkatinginan nalang kami at nagkibit balikat na sumunod sa kanya. Dire-diretso lang siyang naglakad. Hindi niya ba nakita yung supermarket?

“Xyla!” Tawag ko sa kanya pero dirediretso parin siya at pumasok siya sa isang stall.

 

 

“Maybe she didn’t heard you Lu.” Sabi ni Sehun.

 

 

“Sundan na nga lang natin. Baka maligaw pa yon dito. Ang laki pa naman ng mall na ‘to.” Chen said. We have no choice kaya naman pumasok kami sa stall na pinasukan niya. Nakita namin siyang tumitingin-tingin. Nilapitan namin siyang lahat.

“Magshoshopping ka muna ba?” Tanong ni D.O. Sinamaan niya lang kami ng tingin. Parang siya yung babaeng unang nakita namin sa bahay. Masungit na naman siya ngayon. Napakamoody niya naman. Tumingin-tingin nalang din tuloy kami ng damit. Ang mamahal naman ng damit dito. Afford naman kaso, mahal talaga.

“Tara na.” Napaharap ako sa nagsalita sa gilid ko.

“Xyla?” Tanong ko. Naninigurado lang. Nakahoody kasi siyang black at black glasses.

A Feeling So Strange 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon