Chen’s POV
Sumama samin si Xyla sa school at di ko alam kung naririnig niya o nagpapanggap lang siyang walang naririnig sa mga bulong-bulungan sa paligid niya. Nakatayo lang siya at hinihintay kami hanggang magpaalam siyang magbabanyo. Kami na niyan ang susunod sa pila.
“Next.” Twelve ang window dito, hinati nila sa tig-anim para sa mid-class at lower class. Kaming anim na ang isasalang at naghiwa-hiwalay kami. Bali tig-isa kaming window. Maganda yon para sabay-sabay kaming matatapos. Inabot ko yung papel ko dun sa accounting staff at may pinindot siya sa computer niya. Prinocess niya yon at kung anu-ano pa. Magbabayad na sana ako pero di niya tinanggap ang bayad ko.
“You’re a full scholar Mr. Kim” Huh? Ako? Full scholar?
“Uhh… baka nagkakamali po kayo Ma’am. Hindi po ako full scholar.” Gusto ko naman eh, kaso baka magkaproblema ako kapag nagkamali sila. Baka mamaya, ibang Mr. Kim ang inaakala niya. Hinarap niya sakin yung monitor at nakita ko ang pangalan ko na nakalabeled sa mga full scholars. At hindi lang yon. Nakita ko rin ang mga pangalan nila Chanyeol, Tao at Kyungsoo at iba pang estudyante.
“Paano po ako naging full scholar?”
“I don’t know. Hindi ko na problema yun hijo. Magpasalamat ka nalang dahil kasama ka sa listahan ng libre ang matrikula. Next!” Sabi niya at inabot ang COR ko.Ang sungit naman ng matabang balyenang babaeng ito. Nagtatanong lang eh. Hayaan mo na. Ang mahalaga, full scholar na ako tulad nila Luhan at Sehun! Wala akong babayaran! At enrolled na ako! Yey! Umalis na ako sa pila at nakita ko sila na nakatayo at nag-uusap-usap.
“Guiz! Guiz! Full scholar ako.”
“Pati ikaw?” Takang tanong nilang lahat.
“Bakit? Di ba halata?”
“Nakakapagtaka naman na naging full scholar tayong lahat.” D.O
“Wag niyo nang intindihin yon. Ang mahalaga, wala tayong babayaran. Makakabili na ako ng bago kong damit.”
“Haha… buti nalang din. May pangbayad ako ng renta for another one month.” Chanyeol.
“Teka, nasan na si Xyla?” Tanong ni Tao. Nagpalinga-linga ako at nakita ko siyang naglalakad palapit sa amin.
“Xyla!” Tawag ko sa kanya atsaka kumaway-kaway. Ibinalita ko sa kanya ang pagiging full scholar namin.
“That’s good. That needs to be celebrate.” She said and walk first. Di ko alam kung anong nangyari, kung paano kaming naging full scholar pero… Nagpapasalamat ako sa taong naglagay ng mga pangalan namin sa listahan. Umalis na kami sa Academy at pumunta ng mall.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionA princess but not a princess of a royalty meets some boys that aren't so ordinary. How would it feels like to do something you haven't done before? To move in a place where everyone lives differently and are strangers to you? Would you still be 'yo...