D.O’s POV
Lumipas ang mga oras at hindi ko na nakita pang bumaba si Xyla. Nagpapahinga na nga siguro sa kwarto yon. Andito kaming lahat sa sala at nanonood ng Finding Nemo. Trip nilang manuod eh. Si Xiumin kasi ang pumili. Ang tanda na niya pero isip bata parin.
“Oh, mga hijo, nakahanda na ang hapunan. Pwede bang pakigising na si Xyla?” Pakiusap ni Auntie mula sa dining room.
“Ako na lang ang gigising.” Sabi ko sa kanila at umakyat sa third floor. Nang marating ko na ang kwarto niya ay kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang kwarto niya at nakita ko siya.
“Kain na daw sabi ni Auntie.” Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi tumingin kaya hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
“Ano, titigan tayo dito for life?” Bumalik ako sa sarili ko at ngumiti nalang ako nang alanganin. Sinara niya agad ang pinto at naglakad palayo. Napakamot nalang ako sa ulo ko at sumunod sa kanya. Narating na namin ang dining at nakaupo na pala lahat at kami nalang ang hinihintay.
“Good evening hija.” Bati ni Auntie.
“Buenas tardes.” Sagot niya. Nagulat ako ng bahagya dahil sa pagbati niya. Hindi narin ako magtataka. Nag-aaral siya kaya may foreign subject siguro sila.
“Buenas ako ngayon Auntie, tardenas ba ang ulam?” Pahabol niyang sabi. Kaya naman nagpigil kami ng tawa. Sardinas ba ang ibig niyang sabihin?
“Anong nakakatawa? Mukha niyo ba?” Tanong niyang may halong pagkairita. Umupo nalang ako sa upuan ko.
“Uhh… hija, maupo ka na.” Tulad nang ginawa ni Auntie kanina, pinanghila niya ulit siya ng upuan at pinangsandok.
“Bukas nga pala ng umaga ang alis ko. Hindi ko na kayo gigisingin. Magtext nalang kayo kapag may kailangan kayo o may problema, okay ba? At oo nga pala Xyla, ibigay mo ang numero mo sa kanila para macontact mo sila kung saka-sakali.”
“Numero nila ang ibigay nila Auntie. Hindi naman ako aalis ng bahay dahil bakasyon naman ngayon at walang pasok.” Napatingin ako sa kanya pero patuloy lang siya sa pagkain.
“Ibibigay ko nalang sayo yung mga numero nila hija. Oh, kayo ha? Alagaan niyo si Xyla. Xiumin at Chen, wala munang kalokohan okay? Lay at Suho, mga hijo, wag magpapakapagod sa trabaho niyo. Kris, ikaw nang bahala sa mga ‘to. Luhan at Sehun, wag masyadong magbabad sa TV, matulog ng maaga. Tao, stop wushuing, kapag gabi na para hindi mabulabog ang mga kasama mo. Chanyeol, wag masyadong makalat.” Habilin ni Auntie. Tumango naman yung iba.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 1 ✔
FanfictionShe's a princess-but not the royal kind. And they're just boys-but not the ordinary type. What does it feel like to do something you've never done before? To move into a place where everyone lives differently-and everyone is a stranger? Will she sta...
