Chapter 2

4.4K 153 6
                                    

Chapter 2 - What the hell is that?

Inutusan ako ni Sir Drew na kumuha ng mga tuwalya pagkatapos makipagkilala ng isang kaibigan niya.

Pagbalik ko sa kanila ay nakaahon na silang lahat at kumakain na.

"Sir, ito na po yung mga tuwalya."

Inabot ko sa kanila isa isa ang tuwalya. Nagpasalamat ang mga lalaki pero yung dalawang babae ay inirapan ako.

"Join us here Danica." Nakangiting sabi ni Alex.

"Hindi na Sir. Balik na po ako sa loob."

Pagpasok ko sa loob ay tumulong ulit ako sa paghahanda ng tanghalian. Ang sabi ni Mama ay may iba pang dadating na bisita mamaya. Nauna lang daw ang ilang kaibigan ni Sir Drew.

"Danica, ilagay mo na ito sa dining table."

Nilagay ko na ang ilang ulam sa mahabang dining table.

After daw ng lunch mamaya ay may party naman na gaganapin mamayang gabi.

Grabe! Todo effort sila Ma'am Ara dahil after four years daw ay ngayon lang ulit bumalik sa bansa ang bunso niyang anak.

"Mamayang gabi ay wala na kayong ibang gagawin kundi ang mag ayos at mag linis. May catering mamayang gabi kaya hindi na kayo magluluto." Sabi ni Ma'am Ara ng puntahan niya kami sa kusina. "Darating na din mamaya ang Sir Arthur niyo kasama sila Raven at Diana."

Napatango tango ako. Mukhang magiging busy talaga mamaya. Kahit nagpacater naman kasi ay marami pa ding kailangang gawin.

"Danica sumama ka muna sa Mama mo. Linisan ninyo ang mga kwarto dahil paniguradong mag oover night ang mga kaibigan ni Drew dito." Tumango ako sa utos ni Ma'am Ara. "Lucia, wag niyo kalimutan ang kwarto namin pati na din ang kina Raven at Diana."

"Sige Ma'am."

Nagsimula na kaming maglinis ng mga kwarto. Ang sabi ni Mama ay may walong kwarto dito sa second floor at may tatlo sa third floor. Sobrang laki talaga ng bahay nila.

"Linisan mo na ang tatlong kwarto sa third floor. Balikan mo ako dito pagtapos mo."

Umakyat na ako sa third floor dala ang mga panglinis ko. Malaki ang veranda dito sa taas. Kitang kita ang mga nangyayari sa pool area. Nandoon pa din sila at nagkakatuwaan.

Pumasok ako sa unang kwarto. May tatlong double deck dito. May flat screen TV at aircon. Siguro itong taas ay para talaga sa mga gustong mag over night dito. Inuna ko munang linisan ang CR kahit hindi naman gaanong marumi. Naglagay din ako ng ilang tuwalya. May body wash at shampoo na din doon. Nag walis ako at nag mop. Hindi ko na pinakialaman ang mga kama dahil malinis na at puting puti ang mga bed sheets.

Sa ikalawa at ikatlong kwarto ay ganoon pa din ang mga laman. Nang matapos ako ay bumaba na ako sa second floor. Naabutan ko si Mama na naglilinis sa master's bedroom.

"Ma, tapos na ko sa taas."

"Linisan mo na ang kwarto ni Sir Raven. Nasa tabi ng kwarto ni Sir Drew." Sabi niya na hindi man lang ako nililingon. "Pagkatapos mo doon ay ang kwarto naman ni Ma'am Diana. Yung katapat naman ng kwarto ni Sir Raven."

"Sige Ma."

Pagpasok ko sa kwarto ni Sir Raven ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda at laki nito. Malaki din ang kwarto niya tulad ng kay Sir Drew. May sariling banyo at walk in closet.

Kung si Sir Drew ay gusto ang puting bed sheet ay iba naman ang taste ni Sir Raven. Mas gusto niya ang black.

Nagsimula na akong maglinis at pagkatapos ay dumiretso na ako sa kwarto ni Ma'am Diana. Puro pink at violet naman ang sumalubong sa akin. Babaeng babae ang dating.

Nang matapos kami sa lahat ng kwarto ay bumaba na kami ni Mama. Kumakain na ang mga bisita ng tanghalian kasama si Ma'am Ara.

"Ay naku Tita! Pagsabihan niyo itong si Drew. Ang daming naging babae niyan sa States." Sabi ng isang babaeng kaibigan ni Sir Drew.

Ngumisi lang si Sir Drew at umiling.

"Hayaan mo na Denise. One day, magseseryoso din iyan." Natatawang sabi ni Ma'am Ara.

"I doubt that Tita." Sabi ng isang lalaki at nagtawanan sila.

Napayuko ako ng mapatingin ako kay Sir Drew at nakitang nakatingin din siya sa akin. Naglakad ako pabalik sa kusina para magtanong kung ano pa ang pwede kong gawin.

"Kunin mo na lang yung mga pinagkainan sa pool area at hugasan mo na din." Sabi ni Ate Percy habang hinahanda ang dessert.

"Sige po."

Lumabas na ako at pumunta sa pool area. Nilagay ko lahat ng mga baso, platito at kutsara sa tray. Itinapon ko na din ang box ng cake at pizza. Pinunasan ko din ang lamesa. Inayos ko na din ang mga upuang nagulo.

"Kailan ka pa dito?"

Napalingon ako sa nagtanong at nakita ko si Sir Drew. Nakapamulsa siya at nakatitig sa akin.

"First day ko lang po ngayon Sir." Sagot ko kahit naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Summer job lang po. Mama ko po si Lucia." Dugtong ko.

Bahagya akong napaatras ng humakbang siya palapit sa akin.

"Why? Are you scared?" He smirked.

"H-hindi po."

Bahagya siyang yumuko para maglebel ang aming mga mata. Sobrang tangkad niya. Hanggang baba niya lang ako.

Naningkit ang kaniyang mga mata habang tinititigan ako.

"My friends told me that you're beautiful to be a maid." Halos mapapikit ako ng maamoy ang mabango niyang hininga.

Napalunok ako ng bumaba ang kaniyang tingin mula sa aking mga mata hanggang sa aking labi.

Umiwas siya ng tingin at tumayo ng maayos. Hindi na niya ako tinignan ulit at naglakad na palayo.

What the hell is that?

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon