Chapter 30

1.3K 73 2
                                    

Chapter 30 - ikaw ang susundin ko

"Then how about me? What do you want me to do?" tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Babe." nagtangka siyang lumapit sa akin pero agad na akong lumayo.

"You want me to be understanding? Gusto mong maghintay ako? Gusto mong tanggapin ko ang lahat ng ito at maghintay na lang kung kailan ka babalik sa akin?" sunud sunod kong tanong. "Andrew, this is not the relationship I want. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon pero ayaw ko nito. Ayaw kong maghintay ulit. Ayaw kong maramdaman yung may kahati ako. Ayaw kong maramdaman na para bang ako lang itong nakikisawsaw."

"Babe, just.. just a few months, okay?" hirap niyang sabi.

"Fine. Sa kaniya ka na ng ilang buwan but I can't promise you that I will still be here waiting for you."

Umuwi ako kaagad pagkatapos naming mag usap. Nagtext na lang ako kina Lexi na sumama ang pakiramdam ko kaya kinailangan kong umalis agad. Ini off ko ang aking cellphone dahil kanina pa tawag ng tawag si Andrew.

Nang makahiga sa aking kama ay napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Nakagat ko ang aking labi para hindi na makalikha ng ingay. Takot na baka marinig ako ni Mommy at sabihin niyang hindi kasi ako nakinig sa kaniya.

Itinaklob ko sa aking mukha ang kumot at doon nagtago para tahimik na umiyak. Gusto ng ilabas lahat ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang lahat ng sama ng loob na gusto kong ilabas at isigaw sa harapan ni Andrew.

That night I slept crying. Napagod na siguro ako kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Noong mag umaga ay sobra ang pamumugto ng aking mga mata. Tinitigan ko lang ang aking mukha sa salamin. Gustong pagalitan ang sarili dahil sa mga maling desisyon na ginawa ko sa aking buhay.

Siguro kung nakinig ako kay Mommy ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Hindi ako masasaktan. Hindi ako ulit iiyak dahil kay Andrew. Siguro ito ang karma ko sa hindi pakikinig sa magulang ko, because I'm a bad daughter.

Ipinagpapasalamat ko na lang na linggo ngayon at walang klase. Hindi ko kailangang lumabas at pwede akong magkulong maghapon dito sa aking kwarto.

"Anak?" agad akong tumayo para buksan ang pintuan ng marinig ang boses ni Mommy.

"Mommy." nakita ko ang pagkatigil niya ng makita ang aking hitsura.

"Are you okay? Bakit namumugto ang mga mata mo?" nag aalalang tanong niya.

"Nanood po ako ng movie kagabi. It's just a sad story kaya nadala po ako masyado."

Parang nakahinga naman siya ng maluwag ng marinig iyon.

"By the way, I need to go to London right now. May kailangan lang akong ayusin doon."

"Po? Kailan po kayo babalik? Ihahatid ko po kayo sa airport."

"No need, anak. Maybe after a week ay nandito na din ako. Mag ingat ka. I'll call you every night so make sure to answer my calls."

"Okay po. Ingat din po kayo Mommy."

Nginitian ako ni Mommy bago siya tuluyang nagpaalam para umalis na. Bumalik ako sa pagtulog at nagising lang noong marinig na may kumakatok.

"Ma'am Danica?"

"Pasok po." inaantok kong sagot.

"Ma'am, nasa baba po ang boyfriend niyo."

Napaupo ako nang marinig iyon.

"Ha? Bakit daw po?"

"Hindi po nagsabi eh. Papaakyatin ko na lang po ba dito?"

"No. Ako na lang ang baba. Thanks."

"Sige po."

Noong makalabas si Ate Vilma ay napapikit ako at ayaw na lang bumaba. Gusto ko na lang tumalon sa bintana at umalis dito. Bumuntong hininga ako at bumangon na. Nang makababa ay agad kong nakita si Andrew na nakaupo sa aming sofa.

"Babe." pagtawag niya sa akin at agad ng tumayo.

"Sa labas tayo. Ayaw kong marinig nila ang pag uusapan natin."

Nilampasan ko siya at nauna ng maglakad papunta sa garden ni Mommy.

"Babe, I'm sorry. I'm really sorry." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. "I miss you. I love you, babe." humiwalay siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Kung gusto mong iwan ko siya, gagawin ko. Kung gusto mong aminin ko sa kaniya na may girlfriend na ako at humingi lang ng pabor ang mga magulang niya, gagawin ko. Just.. just don't leave me. Wag ka lang magalit. Just tell me what do you want me to do, then I'll do it. Ikaw ang susundin ko."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon