Chapter 9

3.5K 136 17
                                    

Chapter 9 - Courting

"Kumain ka ng marami hija. You need to be healthy!" Pangaral ni Ma'am Ara sa akin habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking pinggan.

Hiyang hiya ako sa mga nangyayari. Napatingin ako kay Drew na napapailing na lang sa ginagawa ng Mommy niya.

"Mommy! Tumigil ka na nga! Wala ngang nangyari sa amin ni Danica. Nakakahiya ka." Inis na sambit ni Drew.

"Ikaw ang tumigil dyan Drew! Alagaan mo itong daughter in law ko." Ngumiti sa akin si Ma'am Ara. "Thanks God! Nagseryoso na din ang bunso ko."

"Hmm. Ma'am Ara. Mali po kayo ng iniisip." Naiilang kong sabi.

"Ay naku hija! Ganyan talaga kapag first time. Nakakahiya aminin." Humagikgik pa siya na lalong nagpamula sa aking mukha. "And stop calling me Ma'am. It should be Mommy too." Ngiting ngiting dugtong niya.

"Honey, tumigil ka na. Masyado nang nahihiya si Danica." Saway ni Sir Arthur sa kanyang asawa.

Umupo na ng maayos si Ma'am Ara at kumain na kami. Nagkakatinginan kami ni Drew pero nauuna akong mag iwas ng tingin. Hiyang hiya na talaga ako.

"Siguro kailangan na nating planuhin ang engagement ninyo. Okay lang naman ang long time engagement." Akala ko matatahimik na si Ma'am pero hindi pa pala. "Pagkagraduate niyo ng college saka kayo magpakasal but of course, kung sakaling may nabuo na kayo ay ora mismo dapat kayong ikasal."

"Mommy!" Nahihiyang saway ni Drew. "Tumigil ka na nga. Walang nabuo kasi wala naman talagang nangyari."

"Ano ba yan? Ang bagal mo naman anak! Ano? Nagtitigan lang kayo magdamag?" Halos maibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa sinabi ni Ma'am.

"Are you okay?" Agad akong dinaluhan ni Drew. Napatango lang ako habang pinupunasan ang aking bibig.

"Aw! Bagay na bagay kayo!" Kinikilig na sabi ni Ma'am.  

Yun na yata ang pinakamatagal na breakfast ko sa buong buhay ko but a part of me is happy because they like me for their son.

Hapon nang ayain ako ni Drew na magmall para daw mamili ng mga gamit dahil next week ay start na ng klase. M-W-F-S ang pasok ko samantalang siya ay tuwing linggo at lunes lang walang pasok. Mas maaga din ang pasok at uwi ko kaysa sa kanya pero sinabi niyang ihahatid niya ako araw araw at susunduin naman daw ako ng driver kapag uwian.

"Kaya ko namang mag commute. Hindi mo kailangang gumising ng umaga para lang ihatid ako." Sabi ko habang nagmamaneho siya papuntang mall.

Sinulyapan niya ako saglit bago nagsalita.

"It's okay. Mas mapapanatag ako kapag hinatid kita. Hindi din naman ako makakatulog ng maayos kung alam kong gising ka na at magcocommute lang." Hinawakan niya ang kamay ko. "And I am ccourting you Danica. Let me do it."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Did i hear it right? He's courting me?

"N-nililigawan mo a-ako?" Gulat pa ding tanong ko.

Mahina siyang tumawa at hinigpitan lalo ang hawak sa aking kamay.

"I didn't kissed you and cuddle with you last night for nothing. I like you. I really like you Danica so I am courting you." Malambing niyang sabi.

Napangiti ako sa kaniyang sinabi.

Hindi ko akalaing mararamdaman ko yung ganitong saya. Akala ko wala ng magkakagusto sa akin. Akala ko wala ng magpapahalaga sa akin ng ganito.

"Sige." Nakangiting sabi ko. "Pahihirapan kita." Tumawa siya sa sinabi ko kaya natawa din ako.

"As long as it's you, I can endure it." Nakangiting sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.

Pagdating sa mall ay kumain muna kami dahil nagutom daw siya. Pinagtitinginan kami ng makapasok kami sa MCDO. Hawak pa din niya ang kamay ko habang nakapila sa counter.

"Gusto na sana kitang paupuin kaso hindi ko kayang bitawan ang kamay mo." Bulong niya na siguradong kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Ang corny mo!" Sabi ko pero nangingiti din naman.

Tumawa lang siya at inakbayan naman ako.

He ordered rice meal, burger, fries and ice cream. Paupo na sana kami ng biglang may tumawag sa kaniya.

"Andrew!" Nagulat ako ng halikan siya ng babae sa pisngi. "Long time no see! How are you?" Nakangiting tanong niya. "Hindi ka na nagpupunta sa bar." Nilungkutan niya ang kaniyang boses sa huling sinabi.

"Nagbago na." Natatawang sagot ni Drew at nilingon ako. "By the way, this is Danica. Danica si Ria a friend of mine."

Hinintay kong tapunan ako ng tingin ng babae pero hindi nangyari. Titig na titig lang siya kay Drew. Parang biglang nag init ang ulo ko.

"Tara na? Gutom na ako." Sabi ko.

"Sure. Una na kami. Bye." Ngiting tagumpay ako ng makaupo na kami.

"Why?" Tanong niya ng mapansin akong nakangiti.

"Wala lang." Napasimangot ako ng may naisip. "Babae mo ba yun?"

"What? Of course not! Nakilala lang namin siya nila Alex sa bar." Napatango ako sa kaniyang sagot.

After kumain ay nagpunta na kami sa national bookstore para bumili ng mga school supplies. Nilingon ko si Drew na busy sa pagtingin ng mga libro kaya hindi ko na siya tinawag at dumiretso na ako sa lagayan ng mga ballpen.

Namimili ako ng ballpen ng biglang may umakbay sa akin.

Akala ko si Drew iyon pero nanlaki ang aking mga mata ng makita ang estrangherong lalaking nakaakbay sa akin. Magsasalita sana ako pero nilagay niya ang kaniyang hintuturong daliri sa aking labi.

"Shh. Wag ka munang maingay nandyan pa siya." Bulong niya.

"Where the hell are you Charles?" Narinig ko ang boses ng isang babae sa di kalayuan.

Napatingin ako ulit sa lalaking nakaakbay sa akin mukhang siya yung tinatawag ng babae. Magsasalita sana ako pero hindi ko na naman natuloy dahil sa pagtawag sa aking pangalan.

"Danica?" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. His eyes drifted at the hand that is resting in my shoulder. He clenched his jaw at the sight.

Naramdaman ko ang paglingon din ng lalaking katabi ko at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Drew. "Charles?" Kunot noong tanong ni Drew.

"Dude!" Masayang sabi ni Charles bago ako bitiwan. Lumapit siya kay Drew at nakipag fist bump. "I'm on my way to your house kaso naharang ako ni Lily kaya nagtago muna ako. Did you see her?" Tanong niya at luminga linga sa paligid.

"No. I didn't." Simpleng sagot ni Drew at nilapitan ako. "Are you okay?" Tanong niya sa akin na sinagot ko lang ng pagtango.

"You know her?" Napatingin kami pareho kay Charles.

"Yes. She is Danica." Pakilala ni Drew sa akin. "Danica, this is Charles. Pinsan ko."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon