Chapter 7

3.5K 138 1
                                    

Chapter 7 - First Kiss

Paggising ko ay text ni Lexi ang bumungad sa akin. Pinapaalala na ngayon kami lalabas kasama ang pinsan niya.

From: Lexi
Girl! Sunduin ka namin mamayang 10am okay? See you!

Bumaba na ako para makapag almusal na muna bago maligo.

"Good morning." Nakangiting bati ni Drew.

Nagulat pa ako ng siya ang naabutan ko dito sa kusina. Palagi kasi siyang tanghali gumising.

"Bakit ikaw ang nagluluto?" Tanong ko at tinignan ang niluluto niya.

Pancakes.

"Hahatiran sana kita ng pagkain sa kwarto mo pero bumaba ka naman agad." Sagot niya na hindi naman tugma sa tanong ko. "You're going out today?"

Bigla akong kinabahan sa tanong niya.

"Hmm. Pupunta kami sa mall ni Lexi." Kinakabahang sagot ko.

"Just the two of you?" Kunot noong tanong niya.

"Hmm." Magsisinungaling ba ako o hindi? "K-kasama namin yung pinsan niya."

"Pinsan? A girl or a boy?"

"A boy?" Patanong ding sagot ko.

Tuluyan ng napunta sa akin ang buong atensiyon niya.

"Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo tungkol sa bagay na ito?" Naiinis na tanong niya.

"Lalabas lang naman kami." Rason ko. "Isa pa. Gusto kong magkaroon ng mga kaibigan Drew. Bakit ikaw? May mga babae ka din namang kaibigan."

"This is not about me Danica!" Sigaw niya na para bang naubos na ang pasensiya sa akin.

"I know. This is all about me. Gusto kong magkaroon ng mga kaibigan. Hindi mo naman ako habang buhay maitatago sa mga lalaki." Lumunok ako bago nagpatuloy. "Isa pa tama si Lexi. Hindi naman tayo kaya bakit mo ako pinagbabawalan?"

Pain crossed in his eyes. Bigla ko tuloy pinagsisihan ang mga sinabi ko.

Anong ginawa mo Danica?!

"Fine. You're free to leave." Walang emosyong sinabi niya.

"D-drew." Hahawakan ko sana siya pero lumayo siya.

"But please, eat before you leave." Huling sinabi niya bago umalis.

Nakatingin lang ako sa kaniyang likod na naglalakad palayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Dahil ba ito ang unang beses na tinalikuran niya ako na hindi kami okay?

"Danica?" Napatingin ako kay Ma'am Ara na kapapasok lang dito sa kusina. "What happened to Drew? Nag away ba kayo?" Nag aalalang tanong niya.

"H-hindi naman po. Medyo nagkasagutan lang po." Nahihiyang sagot ko.

"I hope you two fix it okay?"

Tumango ako bilang sagot.

I will surely fix it..

Hinayaan kong umalis si Drew baka kasi kailangan niyang magpalamig. Tinext ko si Lexi na hindi na ako makakasama dahil sumama ang pakiramdam ko. Nagtatampo siya nung una pero naintindihan naman niya. Marami pa naman daw ibang araw at mas importante ang kalusugan ko.

Alas singko na ng hapon pero wala pa ding Drew na umuuwi. Gusto ko siyang itext pero nahihiya ako. Dahil day off ko ngayon ay hindi na ako nahiyang magkulong lang sa kwarto ko. Sinabi din kasi ni Ma'am Ara na magpahinga lang muna ako ngayong araw. Maghapon lang akong nagbasa ng aklat na hiniram ko sa library ni Sir Arthur.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng may kumatok.

"Danica, kain na!" Dinig kong sigaw ni Leslie galing sa labas.

Napatingin ako sa orasan at nakitang alas otso na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras.

Nakabalik na kaya si Drew?

"Tapos na sila Ma'am?" Tanong ko kay Leslie ng bumaba ako.

"Oo kanina pa."

Napatango lang ako at tahimik na lang na kumain.

"Ayos ka lang? Ang tahimik mo?"

Napabuntong hininga ako bago siya tignan.

"Nakauwi na ba si Drew?"

"Si Sir? Wala pa yata. Hindi siya kasabay nila Ma'am na magdinner eh. Wala pa din ang kotse niya sa labas." Napatango tango ako sa sagot niya. "Bakit? Nag away kayo?"

"Parang ganun na nga?"

Nang sumapit ang alas diyes at wala pa din siya ay nag alala na talaga ako. Kanina ko pa siya tinitext at tinatawagan pero hindi man lang niya sinasagot o kahit reply ay wala.

"Danica? Bakit hindi ka pa natutulog? Pumasok ka na." Sabi ni Ma'am Ara ng maabutan niya akong nakaupo sa tapat ng main door.

"Wala pa po kasi si Drew." Nag aalalang sabi ko. "Hihintayin ko po muna siya."

"Pumasok ka na. He'll be late for tonight. Kasama niya daw sila Alex." Lumapit siya sa akin at bahagyang hinaplos ang buhok ko. "If you want to talk to him bukas na lang. It's late. You have to sleep already." Nag aalalang sabi niya.

"Sige po. Mauna na po kayo Ma'am. Papasok na din po ako." Nginitian ko siya para hindi na siya mag alala.

"Okay fine. Good night."

"Good night din po."

Nang makaalis na si Ma'am Ara ay tumitig lang ako sa gate. Umaasa na bubuksan ito ng guard at papasok na ang kotse ni Drew pero nakatulog na ako lahat ay wala pa ding dumarating.

Nagising ako ng para akong lumulutang. Unti unti akong nagmulat ng mga mata at nakitang buhat pala ako ni Drew.

"D-drew." Tawag ko sa kaniya pero hindi man lang niya ako tinignan.

Dire diretso lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Maingat niya akong inihiga sa aking kama.

Paalis na sana siya pero hinawakan ko ang kaniyang kamay kaya natigilan siya. Bumangon ako. Nakatingin lang siya sa kamay kong nakahawak sa kaniya. Ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"I'm sorry. Hindi ko naman ginustong sabihin iyon." Panimula ko. Napayuko ako. "H-hindi ako umalis kanina. Nandito lang ako sa bahay at hinintay ka. Nanghiram ako ng libro kay Sir Arthur at nagbasa habang hinihintay ka. Bakit nga pala ngayon ka lang? Saan ka galing?" Nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang nakatingin na din siya sa akin.

Hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay at naupo na din sa kama ko. Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko habang nakatitig pa din sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang unti unti siyang lumalapit sa akin.

Napapikit ako ng maramdaman ang kaniyang labi sa akin. Bigla akong nahiya ng mapisil ko ang kaniyang kamay na hawak pa din ang isang kamay ko ngayon.

Unti unti siyang gumalaw at pakiramdam ko ay nawala na ako sa katinuan.

Anong gagawin ko?

He's my first kiss!

Bahala na!

Ginaya ko na lang din ang ginagawa niya.

I kissed him back.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon