Chapter 31

1.2K 62 1
                                    

Chapter 31 - they're perfect for each other

"Wala ka bang gusto sa kaniya? Ni katiting ba, walang chance na magustuhan mo din siya?" tanong ko.

"Babe, ikaw lang ang mahal ko. Angeline and I, knew each other since we we're kids kaya kung magugustuhan ko man siya sana noon pa."

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Okay, be with her until she doesn't need you anymore."

"Babe."

"Just keep assuring me na ako pa din ang mahal mo. Just don't forget that I am here, waiting for you to be mine completely."

Ngumiti siya at tumango.

"Of course, I will never forget you. This is just a temporary, Danica. Sayong sayo pa din ako." niyakap niya akong muli na ikinapikit ko.

"If ever.. if ever you feel that you're falling for her just tell me." hihiwalay sana siya pero niyakap ko siya ng mahigpit para hindi siya makalayo sa akin. "Just tell me and I'll let you go."

"Babe."

"I love you, Andrew. Mahal na mahal kita."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo at ang muling paghigpit ng yakap niya sa akin.

"I love you more, Danica."

Napapikit ako at agad pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi. I will hold on this time. Hanggat nararamdaman kong ako ang mahal ni Andrew ay hindi ko siya pakakawalan. Hanggat kaya ko pang kumapit ay hindi ako bibitiw.

Kinaumagahan ay nakareceive ako ng text galing kay Andrew na hindi niya ako masusundo pero pipilitin niyang maihatid ako mamaya pag uwi. Huminga ako ng malalim at nagreply na naiintindihan ko naman.

Pagdating ko sa school ay sila agad ni Angeline ang nakasalubong ko. Natigil sila sa paglalakad kaya napatigil din ako. Napatingin ako sa kamay nilang magkahawak pero agad ding inalis doon ang tingin.

"Oh hi! Ikaw yung babae sa mall right?" nakangiting tanong niya.

Ngumiti ako at tumango bilang sagot.

"Dito ka pala nag aaral?" tanong ko sa kaniya. "Ngayon lang kita nakita dito."

"Ah yes. Kakatransfer ko lang. I want to be with Andrew all the time kasi." ngiting ngiti niyang sagot.

She looks so inlove. Nakikita ko sa kaniyang mga mata yung ningning habang pinag uusapan si Andrew. Siguro ay ganyan din ako kasaya sa mata ng ibang tao kapag kasama ko siya.

"Enjoy your stay here. Mauna na ako sa inyo."

"Okay. Bye!"

Ngumiti lang ako at saglit na tinapunan ng tingin si Andrew bago tuluyang umalis doon. Huminga ako ng malalim at parang gusto na lang matumba dito dahil hindi ko pala talaga kaya na makita siyang may kasamang iba.

"What's her name? She seems so kind. I want her to be my friend." dinig kong sabi ni Angeline.

Napapikit ako at lalong binilisan ang paglalakad. Ayaw ng marinig ang mga pag uusapan nila.

"Did you two broke up again?" gulat na tanong ni Maila.

"Oo nga. Nakita namin siya na may kasamang iba kanina." si Erika naman.

"What the hell is happening this time, Danica? Niloko ka na naman ba niya?" inis na tanong ni Lexi.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa langit. Nandito kami ngayon sa rooftop ng building namin. Inaya ko silang dito na lang kami maglunch.

"We didn't broke up." sagot ko.

"Eh ano yun? Sino yun?" tanong ni Lexi.

"She's Angeline and she's dying. She's inlove with Andrew kaya humingi ng pabor ang mga magulang niya na.." natigil ako sa pagsasalita ng biglang magsalita si Lexi.

"I get it. So, pumapayag kang hiramin siya noong babaeng iyon?"

"Yes." maikling sagot ko.

"Pero Danica.." nag aalalang sabi ni Maila.

"I will trust Andrew this time." isa isa ko silang tinignan at nginitian. "I'm fine. Ilang buwan lang naman daw. Isa pa, magkikita pa din kami ni Andrew. He promise to come to our house pagkatapos niyang ihatid si Angeline sa kanila. We already talked about it kaya hindi niyo na kailangang mag alala."

Napailing iling na lang si Lexi at natahimik na. Kinuha ko na ang pagkain sa aking harapan at nagsimula ng kumain. Ayaw ng pag usapan pa ang tungkol sa bagay na ito.

Kung masasaktan man ako ulit sa pangalawang pagkakataon ay tanging sarili ko lang ang aking sisisihin. Kung mahulog man ang loob ni Andrew kay Angeline ay tatanggapin ko iyon. Angeline is such a beautiful and kind girl kaya hindi na din ako magtataka kung magiging totoo ang relasyon nilang dalawa. They're perfect for each other.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon