Chapter 18

2.2K 97 36
                                    

Chapter 18 - true identity

Napahawak ako sa aking ulo ng magising. Dahan dahan akong bumangon at inilibot ang paningin sa paligid. Nang maalalang may kumuha sa akin kagabi ay agad akong kinabahan.

"Nasaan ako?" mahinang tanong ko.

Bumangon ako sa malambot na kama at napansin ang magandang kabuuan ng kwarto.

"Teka, nakidnap ba ako? Bakit sobrang ganda naman yata ng pinagdalhan sa akin?" naguguluhan kong tanong.

Umiling iling ako at kinuha na ang aking bag at lumabas na sa silid na iyon. Nang makalabas ay lalo pa akong namangha sa buong kabahayan. Halatang mamahalin ang mga gamit at sobrang laki pa. Naligaw pa nga ako bago ako makarating sa sala.

"Ma'am, gising na po pala kayo." nagulat ako ng may magsalitang babae sa aking likod.

Nang lingunin ko siya ay isa pala siyang kasambahay.

"Nasaan ako? Kinidnap ako. Tulungan mo akong makatakas." pakiusap ko sa kaniya pero nginitian niya lang ako.

"Hinihintay na po kayo ni Madame sa dining area."

Kahit naguguluhan ay sinundan ko na lang siya ng mauna na siyang maglakad.

"Madame, gising na po si Ma'am Danica."

Sinilip ko ang babaeng nakaupo sa hapag kainan at nagulat sa sobrang ganda niya. Parang hindi halata na may edad na. Sobrang sopistikado pa at parang masungit.

"Mabuti at gising ka na. Maupo ka na dito." sabi niya at nginitian pa ako na ikinagulat ko.

"Madame, sorry po pero hindi ko alam kung paano ako napunta dito eh. Kinidnap po ako kagabi. Kayo po ba ang tumulong sa akin? Maraming salamat po sa pagtulong sa akin."

"Mga bodyguard ko ang kumuha sayo."

"Po?" gulat kong tanong.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.

"I miss you, anak." para akong napako sa aking kinatatayuan ng marinig iyon. "I miss you."

Mahina ko siyang itinulak dahil sa sobrang pagkagulat sa mga sinasabi niya.

"Teka lang po ah. Mukhang nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang anak ninyo."

"I am Bernadette Torres. Your real mother."

Nanlaki ang aking mga mata ng marinig iyon. Maya maya ay natawa na lang ako.

"Ma'am, I'm sorry po pero aalis na ako."

Tumalikod na ako at handa ng umalis pero muli siyang nagsalita na ikinahinto ko.

"Hindi totoong nakuha ka ng mga taong kumupkop sayo. Noong malaman ng Mama na ipinagbubuntis kita ay nagalit siya dahil isang hamak na mahirap lang ang Papa mo." unti unti akong lumingon sa kaniya at nakita ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. "Sa sobrang galit niya ay kinuha ka niya agad at nagsinungaling siyang patay ka noong ipinanganak kita. Last year ay namatay ang Mama at nakita ko ang diary niya kung saan niya isinulat ang ginawa niyang kasalanan sa akin. I'm sorry anak, I'm sorry kung nahuli ako ng dating. I'm sorry kung ngayon ko lang nalaman na buhay ka."

Nakagat ko ang pang ibabang labi ng marinig iyon. Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi.

"Totoo ba ito?" umiiyak kong tanong. "Ikaw? Ikaw ba talaga ang tunay kong magulang?" tumango siya at bahagya akong nginitian. Napahagulgol ako at tumakbo palapit sa kaniya para yakapin siya. "Ang t-tagal kong hinintay ito. Akala ko hindi na mangyayari."

"Ako din. Ako din, anak." umiiyak niyang sambit habang yakap yakap ako.

Kanina pagkatapos naming mag usap ng masinsinan ay sinamahan niya ako sa silid na pinanggalingan ko kanina. Naupo siya sa kama at tinabihan ko siya. Ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok.

"Akala ko, talagang namatay ka noong ipinanganak kita. I really thought you're dead. I was blaming myself in the past 17 years. Noong namatay ang Lola mo at nalaman ko ang tungkol sa diary niya ay nagalit ako sa kaniya. Nagalit ako dahil hindi ka man lang niya tinanggap. Nagalit ako dahil hindi man lang niya sinabi sa akin ang totoo para kahit papaano ay nakasama ka niya. Masyado kasing nabulag sa kayamanan ang Mama kaya ang gusto niyang pakasalan ko ay iyong mayaman din."

"Nasaan po ang tunay kong Tatay?" saglit siyang natigilan ng marinig iyon.

"He's dead. Pinili niyang magpakamatay dahil hindi na niya kinaya pa ang mga ginagawa ng Lola mo sa kaniya."

Nalungkot ako ng marinig iyon. Napayuko ako at muling naiyak. Napatingin ako sa kaniyang kamay ng hawakan niya ang aking kamay. Tinignan ko siya at nakitang nakangiti siya sa akin.

"Hinding hindi na ako papayag na muli tayong magkalayo, anak. Hindi ko na kayo naipagtanggol ng Papa mo noon kaya babawi ako sayo ngayon."

Napangiti ako at tinanguan siya.

Sa wakas, kilala ko na kung sino ba talaga ako. Kung sino ang totoong mga magulang ko. Pakiramdam ko ay ngayon lang ako nakumpleto buong buhay ko.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon