Chapter 17

2.1K 88 10
                                    

Chapter 17 - new work

Dahil wala naman akong ibang mapupuntahan ay bumalik ako sa bahay nila Mama Lucia.

Pagdating ko ay agad niya akong sinampal pero hindi ko na maramdaman pa ang sakit dahil namanhid na ako.

"Umalis ka doon? Bakit kaya mo na bang pakainin ang sarili mo ha?! Ano na lang ang mangyayari sa atin ngayon?!" sigaw niya sa akin.

"Maghahanap po ako ng ibang trabaho." sagot ko na lang.

"Palamunin na naman yan." inis na sabi ni Ate Patricia.

Nanahimik na lang ako at hindi na pinansin ang mga sinasabi nila.

Kinabukasan ay agad akong naghanap ng mapapasukang trabaho pero dahil 17 pa lang ako ay walang gusto na tumanggap sa akin.

Napabuntong hininga ako at pinunasan ang pawis sa noo. Saan ako mag aapply nito? Malalagot ako kay Mama kapag wala akong nakuha na trabaho.

Kukunin ko sana ang aking cellphone sa bag pero naalala kong iniwan ko nga pala iyon sa bahay para hindi ako macontact ni Andrew. Kagabi ay tawag siya ng tawag kaya inioff ko na lang.

Ayaw ko siyang kausapin. Baka maniwala na naman ako sa kaniya at magpaloko.

Bigo akong umuwi sa bahay. Inihanda ko na ang aking sarili sa pwedeng sabihin ni Mama pero laking gulat ko ng sinalubong niya ako ng ngiti.

"May trabaho ka na! Hinanapan ka ng Ate Patricia mo."

Imbes na matuwa ay parang kinabahan pa ako ng marinig iyon. Saan naman kaya niya ako pinasok?

"Ma, hindi pa ako pwede dito."

"Napaka arte mo talaga!" singhal niya sa akin. "Tanggap ka na nga dito. Magpasalamat ka sa Ate mo at kakilala niya ang manager dito."

Napatingin ako sa bar na nasa harapan namin. Hindi naman siya pipitsugin. Pwede ng pang middle class ang dating.

Wala na akong nagawa ng bigla akong hilain ni Mama papasok sa loob. Nakayuko lang ako habang may kausap siyang bading.

"Oh, umayos ka dito ha. Aalis na ako."

"Ma. Iiwan niyo ako dito?" gulat kong tanong.

"Aba oo! Alangan samahan kita dito?" sabi niya at tuluyan ng umalis.

"Ma!"

"Halika na hija. Magpalit ka na ng damit." sabi noong baklang kausap ni Mama kanina. "Talagang maganda ka ha. Mukhang dadami ang customer mo dito."

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa salamin. Ibinaba ko ang maikling palda na suot ko pero wala pa ding nangyayari. Hiyang hiya ako sa suot ko at hindi ko magawang lumabas.

"Ano na?!" nagulat ako ng biglang pumasok sa silid yung bakla kanina na si Mother Dyosa. "Halika na!" hinila na niya ako palabas.

Napapikit na lang ako at hindi na alam ang gagawin. Gusto ko ng umalis dito pero malalagot naman ako kay Mama.

"Pumunta ka doon sa table 12." sabi ni Mother Dyosa at may inabot sa aking papel. "Tanungin mo ang order at ientertain mo. Mas maraming customer, mas malaki ang kikitain mo. Gawin mo lang ang mga sasabihin nila. Hindi naman sobrang bastos ang mga yan. Larga!" halos madapa pa ako ng bigla niya akong itulak.

Napalunok ako at naglakad na papunta sa table 12.

"Good evening po. Ano pong order niyo?"

Bahagya akong napaatras noong sumipol yung isa sa apat na lalaki na nakaupo doon.

"Wow. May bagong chix." natatawang sabi niya. "Upo ka dito, Miss. Pag usapan natin ang oorderin ko."

Napalunok ako at umupo pero medyo malayo sa kanila.

"Ganda mo Miss ah. Anong pangalan mo?" tanong noong isa pa.

"Nica po."

"Nice name." nakangising sabi noong sumipol kanina.

"Ano pong order niyo?" pag uulit ko sa totoong pakay ko dito.

"Pwede ka bang itake out?" sabi noong lalaking nasa kaliwa ko at tumawa pa ng malakas.

"Siraulo!" natatawang sabi noong lalaking sumipol. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Four bottles lang at dalawang order ng nachos."

Isinulat ko iyon at tumayo na.

"Saglit lang po."

Pumunta ako sa counter at sinabi sa waiter na nandoon ang order nila.

"Bago ka?"

"Opo." nahihiyang sagot ko.

"Mukhang bata ka. Ilang taon ka na ba?"

"18." pagsisinungaling ko.

Kahit papaano ay naging maayos naman ang unang gabi ko dito. May mga nakuha din akong tip sa mga naging customer ko. Mababait naman ang iba pero mayroon talagang mga bastos. Ieentertain ko lang sila at hanggang doon lang. Ang sabi ni Mother Dyosa ay kapag hinawak hawakan na ako ay pwede akong magsumbong sa mga bouncer na nakapaligid.

"Good job, Danica. Bukas ulit ha." sabi niya noong magpaalam ako para umuwi.

"Opo."

Alas tres pa lang ng madaling araw at walang tricycle na dumadaan kaya naisipan kong maglakad na lang. Napahinto ako sa paglalakad noong maramdaman kong may nakasunod sa akin. Tumingin ako sa madilim na paligid at agad nakaramdam ng takot kaya naisipan kong tumakbo na pero laking gulat ko noong may humawak sa aking braso at may itinakip sa aking ilong dahilan para mawalan ako ng malay.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon