Chapter 36

1.3K 66 1
                                    

Chapter 36 - new life

Nabasag ko ang hawak kong baso na ikinagulat ng aking mga kasama. Lahat sila ay nilingon ako.

"Sorry." awkward kong sabi at ngumiti ng kaunti.

"Are you okay, Danica?" tanong ni Monica.

"Yeah."

Bumuntong hininga ako at kinuha na ang walis at dustpan para linisin ang kalat ko.

It's been eight months since I left the Philippines. Ngayon ay nakagraduate na ako ng senior high at dalawang buwan na ang lumipas noong magsimula ang unang araw ko bilang kolehiyo. Architecture ang kinuha kong kurso dito sa London. Gusto na nga akong pauwiin ni Mommy but I chose to stay here. Walong buwan pa lang naman ako dito.

"Uy bakla, okay ka lang ba talaga?" nag aalalang tanong ni Rico kapag umaga at sa gabi ay si Rica, ang baklang kaklase ko na taga pilipinas din.

"Yeah." sagot ko at bahagyang ngumiti.

"Last week ka pa wala sa sarili mo. Ano bang problema mo?" concern niyang tanong.

Natigilan ako sa pagwawalis kaya kinuha niya ang mga hawak kong panlinis at siya na ang nagtuloy noon.

Simula noong marinig ko ang balita last week ay talagang nawala na nga siguro ako sa aking sarili. Mukhang baliw na yata ako sa mga mata ng kaklase ko.

Bigla ko na namang naalala yung ibinalita sa akin ni Lexi last week.

"Alam mo na ba ang balita tungkol kay Andrew at yung Angeline? Nasabi na sayo ni Tita?"

"Angeline? I thought she's dying?" kunot noo kong tanong.

"That's a lie! Alam mo bang halos sabunutan ko ang babaeng iyon noong malaman ko na nagsinungaling siya para makuha si Andrew?" natigilan ako at hindi makapagsalita. "Gigil na gigil pa din talaga ako sa kaniya! Kung hindi lang ako pinigilan ni Kuya Alex ay baka nakalbo ko na iyon! Akala ko pa naman napakabait niya! Grabe talaga! Ang sarap hambalusin. Kung nakita mo lang kung gaano kagalit si Andrew noong malaman iyon. Natakot ako para doon sa babaeng yun pero at the same time gusto ko ding bugbugin siya ni Andrew."

"Talaga? Kamusta na siya ngayon?" nag aalalang tanong ko.

"Si Andrew? He's dating someone. Bago. Hindi ko pa kilala masyado dahil isang beses ko pa lang siyang nakita."

Sa loob ng walong buwan kong pamamalagi dito ay si Mommy at Lexi ang palagi kong nakakausap. Paminsan minsan ay sila Maila, Erika at Calvin din. Sinabi ko din sa kanila na ayaw ko munang makarinig ng tungkol sa ibang bagay dahil ayaw kong madistract sa aking pag aaral. Gusto kong ibigay ang buong atensyon ko sa pag aaral ko dahil ito talaga ang gusto ko. Gusto kong maging ganap na arkitekto. For the first time ay nagkaroon ako ng pangarap para sa aking sarili kaya gusto kong matupad iyon.

Sa loob ng walong buwan na iyon ay pinigilan ko ang aking sarili na alamin ang mga nangyayari tungkol sa kaniya. Naniwala kasi ako na talagang hihintayin niya ako. Akala ko, nandoon lang siya hanggang sa makabalik ako at matupad ko ang mga pangarap ko. Pero sino nga bang niloloko ko? Sino ba naman ang maghihintay sa babaeng katulad ko? Sa babaeng walang paramdam, sa babaeng walang kasiguraduhan kung talagang babalik pa ba. Hindi ko naman siya masisi dahil wala din naman akong ipinangako sa kaniya. Sinabi ko pa ngang wag na niya akong hintayin pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? And I thought I fell out of love? Bakit pinoproblema ko ngayon kung may idate man siyang iba?

"Huy bakla! Tulala ka na naman!" napatingin ako kay Rico na tapos na sa paglilinis ng aking kalat. "You're so weird talaga." naiiling niyang sabi.

After class ay dumiretso na ako sa condo unit ko na binili ni Mommy para sa akin. Ako lang mag isa dito dahil gusto kong maging independent. Gusto nga akong ikuha ni Mommy ng maid pero tumanggi na ako. Kaya ko naman ang lahat ng gawain since naging maid din naman ako.

Nagluto ako ng pagkain ko at ini-on na ang TV. Habang kumakain ay nakabukas ang TV at naglalaptop din ako para magresearch. Actually, hindi naman ako nanonood eh. Gusto ko lang na palagi iyong nakaopen kapag nandito ako para kahit papaano ay may ingay akong naririnig.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na din ang mga pinagkainan ko bago ako naligo at nahiga sa aking kama. That's my daily routine. Minsan lang ako sumama sa gala ng mga kaklase ko dahil mas gusto kong magstay sa bahay.

Napatulala ako sa kisame ng aking kwarto at naisip na naman ang tungkol kay Andrew at Angeline pati na din yung bagong babae niya. Napailing iling ako at napapikit na. Bahala na nga sila.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon