Chapter 6

3.6K 143 7
                                    

Chapter 6 - popcorn

Pagkatapos naming magpaID ni Lexi ay dumiretso na kami sa cafeteria. Maraming tao doon. Marami ding nakakakilala kay Andrew kahit hindi naman siya dito naghigh school. Ang iba daw ay family friend, kabarkada at classmate noong elementary.

Marami ding mga babaeng binabati siya na tinatanguan niya lang.

"What do you want to eat?" Tanong niya ng makaupo na kami.

"Carbonara at sandwich." Sagot ko at kinuha ang wallet ko sa bag.

"I'm going to pay your food." Napatingin ako sa kanya dahil sa kaniyang sinabi. "Is that all? Kaunti lang yun. Kumain ka ng marami."

"Yun lang. Salamat Drew."

Umalis na sila ng mga lalaking kaibigan niya at kaming mga babae na lang ang naiwan dito sa table.

"Nakita ko na si Drew noon na may kasamang babae pero ngayon ko lang siya nakitang ganyan. I mean, may iba talaga eh." Nginisian ako ni Jane. Siya yung isa sa mga babaeng kaibigan ni Drew na mabait sa akin.

"Yeah right Jane! Akala ko ako lang ang nakakapansin." Pagsang ayon ni Denise.

"Malay niyo naman na thrill lang si Drew. You know him. Mahilig sa bago yun." Inirapan ako ni Courtney. Siya yung babaeng palaging nakadikit kay Drew.

"Magsasawa din si Drew sa kanya." Sabi naman ni Cathy na tingin ko ay ayaw din sa akin.

"Oh come on Ate Courtney and Ate Cathy. Andrew is over protective of her and that is something." Sabi ni Lexi.

Wala ng nagsalita dahil dumating na sila Andrew. Nilapag niya ang carbonara, sandwich, fries at coke sa aking harapan.

"Ubusin mo lahat yan." Sabi niya ng iabot sa akin ang tinidor.

"Thank you." Nakangiting sabi ko.

Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan.

"Maaga pa naman. Gala muna tayo sa mall. Nood tayo ng movie." Pag aaya ni Cedie.

"Deal!" Sagot ng mga babae.

"Sama ka Drew." Nakangiting sabi ni Courtney.

"Of course. Sasama kami ni Danica." Sagot ni Drew at inakbayan ako.

Kitang kita ko kung paano napawi ang ngiti ni Courtney.

"Hindi ako pwede Drew. Kayo na lang. Marami pa akong gagawin mamaya."

"Like what?"

"Maglilinis ng mga kwarto, magdidilig.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na ulit si Drew.

"Sino ba ako? Boss mo din naman ako. Ako na ang bahala kay Mommy." Nginitian niya ako.

After naming kumain ay umalis na kami para makapasyal sa mall.

"Sigurado ka ba dito? Baka pagalitan ako ni Ma'am Ara."

Sinulyapan niya ako saglit at nagpatuloy sa pagmamaneho. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry." Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Para saan?" Naguguluhang tanong ko.

"For what i did earlier." Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "I just don't want to see you with other guy."

"Ayos lang Drew. Naiintindihan ko. Siguro nag aalala ka sa akin at salamat kasi ngayon ko lang naranasan ito." Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. "Ngayon ko lang naranasan na may nag aalala sa akin."

"What do you mean?" Tanong niya at sinulyapan ulit ako. "Sila Manang Lucia?"

Malungkot akong ngumiti. Pinaglaruan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Ampon lang ako Drew." Naiiyak kong sabi. "Kahit kailan hindi ko naranasan na nag alala sila sa akin. Para bang pinapakain na lang nila ako para lang hindi sila mahusgahan ng iba. Kumbaga, sila ang nakakuha sa akin kaya no choice sila. Palagi nila akong pinapagalitan noon. Ako ang pinaglalaba mag isa, pinaglilinis. Ni minsan hindi sila pumunta sa mga recognition ko para samahan akong umakyat sa stage at kunin ang medal ko." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Pero ayos lang. Kahit ganoon mahal ko sila at para sa kanila lahat ng ginagawa ko."

Napatingin ako kay Drew ng ihinto niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt at hinarap ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang aking luha.

"Please. Don't cry." Napapikit ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "From now on, you'll never be alone. I'm here. Hindi kita iiwan." He assured me.

"Thank you. Thank you Drew." Sabi ko at niyakap din siya.

"What took you so long dude?" Tanong ni Alex ng makarating kami sa parking lot dito sa mall.

Bigla tuloy akong nahiya dahil naghintay pa sila sa amin.

"Wala lang. Let's go."

Inakbayan ako ni Drew at pumasok na sa loob. Sa entrance lang kami nagkahiwalay at inakbayan niya agad ako. Wala na kaming dalang bag dahil iniwan na niya sa kotse.

Umakyat kami sa cinema at bumili ng ticket para sa napiling movie. Bumili din si Drew ng popcorn at drinks namin.

Sa bandang dulo kami naupo. Katabi ko si Drew sa kanan at si Lexi sa aking kaliwa.

"Nilalamig ka ba?" Tanong ni Drew ng magsimula ang movie.

"Hindi naman." Sagot ko.

Napatango siya at sinubuan ako ng popcorn. Sinubuan ko din siya at nginitian ako.

"Sigurado ka bang hindi pa kayo?" Bulong ni Lexi sa akin na nginitian ko lang.

Halos hindi ko maintindihan ang pinapanood namin dahil panay ang salita ni Drew. Kapag natahimik naman siya ay si Lexi ang kakausap sa akin.

"Day off mo kapag sunday di ba?" Tanong ni Lexi habang naglalakad kami papunta sa restaurant na kakainan namin.

"Oo. Bakit?"

"Sama ka sa akin. May ipapakilala ako sayo. Gwapo. Pinsan ko." Nakangiting sabi niya.

"Tumigil ka nga. Baka marinig ka ni Drew." Bulong ko sa kanya.

Tinignan ko si Drew na ngayon ay nakikipagkwentuhan kina Alex.

"Girl naman! Hindi naman kayo." Reklamo niya. "Papasyal lang tayo. Kadarating lang kasi niya galing sa Cebu. Anong klaseng kaibigan ka kung hindi mo ako sasamahan?" Pagdadrama niya.

"Okay fine. Susubukan ko."

"Great!" Napatingin sila sa amin ng sumigaw si Lexi. "Ang ganda ng movie no? So great!" Dagdag niya at pekeng tumawa.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon