Chapter 27

1.4K 75 3
                                    

Chapter 27 - friday night

Gaya ng ipinangako ko kina Lexi ay mag oover night nga kami dito sa bahay. After class ay dito na sila dumiretso. Si Andrew naman ay nandoon lang sa kanila dahil may kailangan daw siyang tapusin na project.

"Ang laki pala ng bahay niyo." manghang sabi ni Maila.

"Nasaan na ang Mommy mo?" tanong ni Lexi.

"Nasa office pa but before dinner ay nandito na din naman siya. Sa room muna tayo para makaligo na muna kayo."

"Bet ko itong room mo!" nakangiting sabi ni Erika noong makapasok kami sa aking silid.

"Oo nga. Sobrang laki pa ng kama mo. Sana all." natawa na lang ako sa sinabi ni Maila.

Naisipan namin na maligo sa pool kaya naman nagulat ako noong makitang may baon pala silang bikini.

"Wow. Ready kayo ha?" natatawang sabi ko sa kanila.

"Oo naman no. Alam naman namin na may pool kayo dito." sabi ni Erika.

Bago tuluyang magswimming ay nagpicture muna kami habang nakasuot ng bikini.

"I'll post this on my Ig." excited na sabi ni Lexi.

Nang maipost na niya iyon ay saka naman kami nagstart magswimming.
Sobrang saya sa pakiramdam na nakasama ko sila ngayong araw hanggang bukas. I mean, sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang mga bagay na ito. Ngayon ko lang naranasan na mag over night sa kasama ang mga kaibigan ko. How I wished na sana ay nandito din si Tina but when I called her yesterday ay hindi daw siya pwede dahil may group project silang gagawin.

Naabutan kami ni Mommy sa pool. The smile on her face says that she's really happy seeing me this happy with my friends. Alam niya kasi na ngayon ko lang naexperience ang bagay na ito.

Mama Luisa is so strict that I didn't have the chance to bring my friends in our house. Buti pa si Ate Patricia ay kahit gabi gabi pa siyang magdala ng mga kaibigan niya ay okay lang. Well, ampon lang naman ako kaya naiintindihan ko din at hinahayaan ko na lang kapag minsan ay sa sala ako matutulog para lang mabigyan sila ng space.

"Girls, it's time for dinner." nakangiting pagtawag sa amin ni Mommy.

"Okay Mommy."

Umahon na kami at sabay sabay din nagshower tulad ng gusto nila. Tawa lang kami ng tawa habang naliligo. It feels like I have a sister when I'm with them. Nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ko pala.

Nang matapos maligo ay bumaba na din naman kami agad para hindi na maghintay ng matagal si Mommy.

"Just feel at home girls."

"Thanks po, Tita." nakangiting sabi nila.

"And thanks for making my daughter happy." nakangiting sabi ni Mommy at noong tumingin sa akin ay kinindatan pa ako na ikinatawa ko na lang.

I just didn't want this night to end. Kung pwede lang sana ay ganito na palagi ang magiging araw ko. Yung happy lang, chill and relaxing with the people I love.

After dinner ay pumunta na kami sa kwarto ko para manood ng kdrama sa netflix. Nagdala lang kami ng pang midnight snack.

"Kapag nagkalovelife ako gusto ko yung mas matanda din sa akin yung lalaki ng ilang taon." sabi ni Maila habang titig na titig sa tv.

We're watching Backstreet Rookie at kanina pa sila tumitili dahil sa kagwapuhan ni Ji Chang Wook.

"Ako gusto ko yung mas bata sa akin ng isa hanggang tatlong taon." comment naman ni Erika.

"Really?" gulat na sabi ni Lexi. "Kaya pala hindi ka pa nagkakadyowa ng kaedad natin or mas matanda. Akala ko natitiyempuhan mo lang talaga yung mga mas bata sayo."

"Gusto ko kasi yung ako ang matured sa aming dalawa. Gusto ko yung ako ang mag aalaga sa kaniya." napakunot noo si Maila ng marinig ang dahilan ni Erika.

"Hindi ba at mas okay kung yung lalaki ang matured at mag aalaga sayo?" tanong ni Maila.

"Well, in my case mas gusto ko yung ako ang mas mag aalaga sa kaniya. Para kapag iniwan niya ako ay palagi niyang maaalala yung mga pag aalaga ko sa kaniya." sagot ni Erika at tumawa pa.

"You're weird talaga." maarteng sabi ni Lexi pero natatawa din naman.

"How about you Lexi? What do you prefer? Older or younger?" nakangising tanong ni Maila.

"I prefer older. Alam niyo namang nasanay ako sa pag aalaga ng Kuya Alex ko di ba? Kaya kung magkakaboyfriend man ako gusto ko yung siya din ang mag aalaga sa akin tsaka sakit sa ulo kapag mas bata sa akin."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon