Chapter 15

2.3K 94 15
                                    

Chapter 15 - galit

Pagkatapos kong marinig ang usapan nila ay umalis na ako doon. Dala dala ang mabigat na kalooban at ang luhang ayaw paawat sa pagtulo. Sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Andrew. Akala ko ay talagang seryoso siya sa akin pero nagkamali pala ako.

A playboy will always be a playboy.

Ini off ko ang cellphone ko dahil kanina pa tawag ng tawag si Andrew. Ang kapal ng mukha niya. Hinding hindi na niya ako mauuto. Ang galing niyang umarte na gusto niya talaga ako. Talagang napaniwala niya ako.

Hindi na muna ako umuwi at nagstay na lang sa mini park na medyo malayo sa kanilang bahay. Hindi ko alam kung may lakas pa ba akong umuwi doon pagkatapos kong malaman ang totoo.

Pinunasan kong muli ang aking basang pisngi pero ganoon pa din ang pagtulo ng aking mga luha kaya hinayaan ko na lang na mabasa ang aking mukha. Wala ng pakialam sa itsura ko ngayon.

Mali pala talagang umibig sa katulad niyang mayaman at gwapo. Dapat pala ay doon lang ako sa kalebel ko. Doon sa taong hindi nalalayo ang estado sa akin.

Noong mag alas nuebe ng gabi ay napagpasyahan kong umuwi na. Ayaw ko namang mag alala pa sila Ma'am Ara sa akin. Labas sila sa ginawa ng kanilang anak kaya dapat ay respetuhin ko pa din sila.

Saglit kong tinitigan ang kanilang bahay mula sa labas. Ang tahanan na ilang buwan ko ding tinirahan. Ang tahanan na malapit ko ng iwan.

Tahimik akong pumasok sa loob. Wala na sila sa sala at mukhang nagpapahinga na sa kani kanilang mga kwarto.

"Danica!" napatingin ako kay Leslie ng bigla niya akong tawagin. Sinenyasan ko naman siya na wag maingay. "Bakit ngayon ka lang?" bulong niya at tumingin pa sa paligid kung may tao ba.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Andrew. Nagwawala nga dito eh. Nag aalala din sila Ma'am Ara at Sir Arthur kaya sinabi ko na lang na nagtext ka sa akin na uuwi ka muna sa inyo dahil may emergency."

"Salamat Leslie."

"Ano bang nangyari sayo? Okay ka lang ba? Bakit namamaga ang mga mata mo?" nag aalalang tanong niya.

"Okay lang ako. Sige na, magpahinga ka na at aakyat na din ako."

"Oh sige. Magpahinga ka na."

Tumango ako at nginitian siya. Pumunta na ako sa aking kwarto at agad naligo. Tss. Hinahanap niya ako? Bakit? Para manalo siya sa pustahan nila? Ang kapal talaga ng mukha niya.

Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Naiiyak na naman ako. Awang awa ako sa sarili ko. Nagpaloko ako sa katulad niya.

Dapat noon pa lang ay nagtaka na ako kung bakit biglang bumait iyon sa akin. Bakit bigla siyang nagkagusto sa isang katulad ko eh di hamak naman na mas marami pang magagandang babae ang nakapaligid sa kaniya. Yung mayaman din katulad nila hindi yung katulad kong katulong lang nila. Siguro ay pinagtatawanan na nila akong lahat ngayon. Kaya pala tuwang tuwa sila noong ibalita ni Andrew na kami na ay dahil nagtatagumpay na siya sa plano niya.

Lumabas ako ng aking kwarto at napagdesisyunang puntahan siya sa kaniyang silid. Tatapusin ko na ang kalokohan na ito ngayong gabi. Ang kalokohang sinimulan niya.

Nang makapasok sa kaniyang silid ay naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Napangisi ako. Yan ba yung nag aalala at naghahanap sa akin? Ang himbing nga ng tulog oh. Ni hindi man lang inalam kung buhay pa ba ako.

Lumapit ako sa kaniya at saglit siyang tinitigan. Bigla akong nanghinayang ng maalala ang mga pinagsamahan namin. Yung mga araw na akala ko ay totoo pero kasinungalingan lang pala para sa kaniya.

Ngayon ko narealize na talagang mahal ko na pala siya pero sinaktan niya lang ako. Sinaktan lang ako ng unang lalaking minahal ko.

Umupo ako sa kaniyang kama at hinalikan siya sa kaniyang labi dahilan para magising siya.

"Babe." agad siyang bumangon ng makita ako. "Saan ka ba galing? Nag alala ako sayo."

"May emergency lang." walang emosyon kong sagot.

"Are you okay?" ang galing pala talaga niyang magpanggap na nag aalala sa akin.

Natawa ako ng mahina at nag iwas ng tingin sa kaniya. Nakagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata.

"Babe." seryosong tawag niya sa akin.

Unti unting nabura ang aking ngiti at muli siyang hinarap.

"Let's do it." kitang kita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo ng marinig ang aking sinabi.

"Let's do what?" naguguluhan niyang tanong.

"Let's make love. Tonight." seryosong sabi ko na ikinaawang ng kaniyang labi.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon