Chapter 25

1.7K 84 1
                                    

Chapter 25 - first dinner together

"Para po sa inyo." ngumiti si Mommy at kinuha ang bouquet na inabot ni Andrew sa kaniya.

"Thanks hijo. Maupo na tayo."

Pinaghila ni Andrew si Mommy ng upuan na lalong ikinangiti niya. Tumingin pa sa akin si Mommy kaya napangiti din ako. Pinaghila din niya ako ng upuan bago siya tuluyang umupo sa aking tabi.

"Ang sabi ni Danica ay paborito mo ang adobo at sinigang kaya yan ang inihanda namin."

"Salamat po."

"Let's eat."

Nagsimula na nga kaming kumain habang nagtatanong si Mommy tungkol kay Andrew.

"So, schoolmate din pala kayo ni Danica?"

"Opo." magalang na sagot ni Andrew.

"That's good to hear. By the way, doon din nag aaral si Calvin, right?"

"Opo Mommy."

"I'm sorry hijo. Akala ko kasi ay single itong si Danica kaya noong sabihin ni Ana na gusto niya ang anak ko para kay Calvin ay pumayag ako."

"Okay lang po. Kasalanan ko din naman kung bakit kami naghiwalay ni Danica noon." pag amin niya na ikinagulat ko.

"Andrew."

Tinignan niya ako at hinawakan ang aking kamay bago muling tignan si Mommy.

"But I really love her. Mahal na mahal ko po siya kaya hayaan niyo sana akong ipakita at iparamdam iyon sa kaniya. Hindi ako mangangako na hindi siya masasaktan pero susubukan ko po na wag makagawa ng mga bagay na alam kong magiging dahilan noon."

Nakita kong natigilan si Mommy pero ngumiti din naman kalaunan.

"I'm glad that there is someone like you who loves my daughter. Just don't hurt her and we're good."

Dinig ko ang paghinga ng malalim ni Andrew na para bang kanina niya pa iyon pinipigilan. Parang nakahinga siya ng maluwag at kampante ng nakangiti sa harap ni Mommy.

"Akala ko mahihirapan akong kumbinsihin ang Mommy mo." sabi ni Andrew noong maiwan na lang kaming dalawa dito sa dining dahil magpapahinga na si Mommy.

"Mabait naman si Mommy. Kahit nga ako, akala ko kahapon ay hindi niya papayagan ang relasyon natin eh. She just want me to be happy. Ayaw niyang masaktan ako katulad noong nasaktan siya dahil kay Daddy. Ayaw niyang maranasan ko yun." ngumiti ako ng tipid at ininom ang wine sa aking harapan. "Saglit pa lang kaming magkasama pero naramdaman ko na agad yung pag aalaga ng isang ina sa kaniya. Yung dati ko pa hinahanap sa mga taong umampon sa akin."

"You deserved it. You deserved to be love." sabi ni Andrew at hinawakan ang aking kamay. "At kaming dalawa ng Mommy mo, kaming dalawa yung magmamahal sayo ng walang hihintayin na kahit anong kapalit. We will love you unconditionally."

Napangiti ako at niyakap siya.

"Thanks Andrew. I really appreciate it."

Kinabukasan ay sinundo ako ni Andrew para sabay na kaming pumasok sa school.

"I still can't believe na ang totoong pamilya mo pala ang may ari ng school." sabi niya habang nagmamaneho.

"Ako nga din eh. Noong sinabi ni Mommy sa akin ang tungkol doon ay nagulat talaga ako." pagkukwento ko.

Sinulyapan niya ako at nginitian bago muling ibinalik sa harapan ang tingin.

"Sa sembreak pupunta kami nila Mommy sa beach ng Tito ko. Wanna come or you have other plans?"

"Pupunta kami sa Paris eh. Gusto daw kasi akong ipasyal ni Mommy, isa pa may bahay din daw kasi kami doon at gusto niyang ipakita sa akin."

Tumango tango siya at saglit na natahimik.

"It's okay. Marami pa namang ibang araw."

Hindi ko alam kung paano kumalat ang balitang ako ang anak ng may ari ng school at ang pagbabalikan namin ni Andrew. Pagdating kasi namin sa school ay iyon na ang bumungad sa amin.

"Binalikan siguro siya ni Andrew dahil mayaman din naman pala at hindi talaga katulong."

Iyon ang kadalasan kong naririnig sa mga estudyanteng nakakasalubong ko pero hindi ko na lang pinapansin.

Tinignan ko si Lexi sa aking tabi at napangiti ng makitang nakatingin din siya sa akin. Kalalabas lang ng teacher namin para sa second subject.

"Sumama ka na kasi mamaya. Magmall tayo kahit saglit lang." nakasimangot niyang sabi.

Kanina niya pa kasi ako inaayang magmall kasama sila Maila at Erika. Gusto daw niyang gumala dahil nabobored siya sa bahay nila.

"Oo nga, Danica. Ang tagal na mula noong huling bonding natin eh." sabi naman ni Maila.

"May plans na kasi kami ni Andrew mamaya. Siguro bukas na lang ako sasama sa inyo magmall."

Lalong sumimangot si Lexi at pabiro pa akong inirapan na ikinatawa ko.

"Busy ka na naman kay Andrew." pagtatampo niya at nag iwas na ng tingin sa akin.

"Babawi ako bukas. Kung gusto niyo mag sleepover kayo sa amin sa friday." alok ko dahilan para muli niya akong lingunin.

"Talaga?" ngiting ngiti nilang tanong.

"Yup." nakangiting sagot ko.

"Sabi mo yan ah! Magpapaalam na ako kina Mommy." excited na sabi ni Lexi.

"Ako din!" excited din na sabi ni Erika.

Tumango ako at napangiti na lang.

-----------

Sorry po sa matagal na update at salamat din sa patuloy na paghihintay 😊😊

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon