Chapter 14

2.2K 95 10
                                    

Chapter 14 - pustahan

Kanina pa ako natatawa habang nakatingin kay Drew. Simula kasi noong sinagot ko siya kanina ay ngiti siya ng ngiti at kinikindatan pa ako.

"You two are acting weird." taas kilay na sabi ni Tita Ara pero nakangiti din naman. "Kayo na ba?" excited niyang tanong.

"Yes Ma!" proud na sagot ni Drew.

Nanlaki ang mga mata ni Tita at niyakap ako.

"Congratulations sa inyo!"

"Salamat po." nakangiting sabi ko.

First boyfriend ko si Drew kaya naman hindi ko alam ang mga gagawin. Inaasikaso at nilalambing ko na lang siya paminsan minsan. Masaya din ang mga kaibigan namin para sa aming dalawa maliban na nga lang kina Courtney at Cathy na lalong sumama ang pakikitungo sa akin.

Mas naging sweet si Drew sa akin. Mas naging possessive at halos literal akong ilayo sa mga lalaki. Hindi naman ako nasasakal sa mga ginagawa niya at iniintindi ko na lang din siya dahil ganoon din naman ako. Ayaw ko din na may lumalapit lapit sa kaniya na ibang babae. Gusto ko ay nasa akin lang ang atensyon niya.

Isang linggo pa lang naman ang relasyon naming dalawa pero marami na akong nalaman tungkol sa kaniya na hindi ko pa alam noon. Marami din pala kaming pagkakapareho lalo na sa mga pagkain.

Hindi din siya kumakain ng dinuguan. Diring diri nga siya kapag nakakakita ng dugo eh. Ayaw niya rin ng isaw at atay. Takot siya sa injection at ayaw ding uminom ng gamot kapag may sakit.

Mahilig siya sa cake at ice cream. Mahilig din siyang mag exercise sa umaga. Wala din siyang natatapos na movie dahil nasa kalagitnaan pa lang ay nakakatulugan na niya iyon.

Nagulat ako ng biglang may humalik sa aking ulo. Nandito kasi ako ngayon sa library para gawin ang assignment namin.

"Drew." ngumiti siya at umupo sa aking tabi.

"Busy? Kanina pa ako nagtetext pero hindi ka sumasagot."

"Sorry. Sinilent ko kasi eh. Wala kayong prof?"

"Absent." maikling sagot niya.

"Tatapusin ko lang ito tapos mag lunch na tayo."

"Take your time." nginitian ko siya at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa.

Nang matapos ay dumiretso na kami sa cafeteria. Nandoon na din ang aming mga kaibigan at kami na lang ang kulang.

"Nandito na ang love birds!" natawa na lang kami sa sinabi ni Cedie.

Kumain na kami at tulad ng nakasanayan ay nagkwentuhan na sila. Ngingiti na lang ako at sasagot kapag may tinatanong sila sa akin.

Nilingon ko si Lexi na kanina pa tahimik sa aking tabi. Parang wala din siyang gana kumain dahil nakatitig lang siya sa kaniyang plato.

"Lex? Okay ka lang?" nag aalalang tanong ko.

Nagulat siya at nilingon ako. Tumingin siya sa gawi ng kaniyang Kuya bago umiling sa akin.

"Wala lang sa mood." sagot niya at bahagya akong nginitian.

"Nasaan sila Maila?"

"Doon sila sumama sa ibang friends nila kasi nahihiya daw sila kina Kuya."

Tumango tango ako at parang nawala na din sa mood dahil kay Lexi. Hindi kasi ako sanay na ganito siya katahimik. Nasanay ako na siya palagi ang maingay sa amin at magpapatawa.

"Are you sure you're okay?" nag aalalang tanong ko.

"Okay lang."

Natahimik na lang ako at hindi na siya pinansin pa dahil baka mainis na siya sa kakulitan ko. Baka wala lang talaga siya sa mood.

Noong magdismissal ay hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na kausapin si Lexi dahil nagmamadali siyang umalis. Humalik lang siya sa aking pisngi bilang paalam at tumakbo na palabas ng classroom.

"Kanina pa tahimik si Lexi. Ano kayang nangyari?" tanong ko kina Maila.

"Hindi din namin alam eh. Hindi nga din kami pinansin kanina." malungkot na sagot niya.

Pagkatapos kong magpaalam kina Maila at Erika ay lumabas na din ako para pumunta na sa parking lot ng school kung saan kami magkikita ni Andrew.

Habang naglalakad papunta doon ay napahinto ako sa bakanteng classroom ng marinig ang pamilyar na boses ni Lexi. Lalapit na sana ako doon pero natigilan ng marinig ko ang pinag uusapan nila.

"I will tell her the truth!" boses iyon ni Lexi. "Masasaktan siya dahil sa inyo!"

"Just shut your mouth, Lexi." boses iyon ni Cedie.

"It's a dare, Lex." mahinahon na sabi ni Alex. "Pumayag si Andrew."

Kumabog ng malakas ang aking dibdib ng marinig iyon.

"Akala ko nagbago na kayo! Ang sasama niyo." nanginginig ang boses ni Lexi ng sabihin niya iyon kaya alam kong naiiyak na siya.

"Matatapos din naman ang lahat kapag naikama na ni Drew si Danica." dinig kong sabi ni Courtney. "Kaya kung ako sayo, sabihin mo sa kaibigan mo na magpakama na siya para matapos na ito." dugtong niya at natawa pa.

Napakuyom ang aking kamao at nagsimulang manlabo ang aking mga mata. Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa galit na nararamdaman.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon