Chapter 3

4K 152 7
                                    

Chapter 3 - Sir Raven

Alas tres ng hapon ay umalis si Ma'am Ara para sunduin ang kaniyang asawa na si Sir Arthur at ang dalawa pa nilang anak na sila Sir Raven at Ma'am Diana na galing sa Paris. Isinama niya si Mama at syempre yung driver.

Si Ma'am Diana ang panganay sa kanilang tatlo. Sunod si Sir Raven at ang bunso ay si Sir Drew.

Hindi ko na ulit matignan si Sir Drew pagkatapos ng nangyari kanina. Nahiya kasi ako.

Nasa sala lang silang lahat at nanonood ng movie. Hinatid ko kanina ang popcorn at chips sa kanila. Pansin ko ang pagtitig sa akin ng mga kasama niya pero wala akong tinignan pabalik ni isa.

Bumalik ako agad sa kusina at pinunasan ang mga platong tapos na hugasan. Nginitian ako ni Leslie habang naghuhugas. Tatlong taon lang ang tanda niya sa akin at dalawang taon na daw siyang katulong dito.

"Hmm. Galing sa America si Sir Drew tapos galing sila Sir Arthur at ang dalawa pa nilang anak sa Paris. Ibig sabihin ba mag isa lang dito si Ma'am Ara?" Tanong ko.

"Hindi no. Naku! Nauna lang umuwi dito si Ma'am Ara. Hindi maiwan ni Sir Arthur si Ma'am dito na mag isa. Kaso hindi nakasabay sa pag uwi si Sir kasi may inasikaso pa sa Paris eh si Ma'am atat na umuwi kaya ayun." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Pumunta lang sila sa Paris para makilala iyong nobyo ni Ma'am Diana at syempre nagbakasyon na din."

"Oh. Ilang taon na ba sila Ma'am Diana at Sir Raven?"

"Si Ma'am Diana ay 25 na, sa pagkakaalam ko ikakasal na sila ni Sir Paolo next year. Si Sir Raven naman ay 22 na. Siya ang namamahala sa business nila sa Paris at magbabakasyon lang dito. Tuwing summer kasi ay nagbabakasyon si Sir Raven dito. Si Sir Drew naman ay 18 pa lang. Kakagraduate pa lang ng high school."

Marami pang ikinuwento si Leslie sa akin kaya naman hindi ko na namalayan ang oras. Narinig ko na lang ang sigawan sa sala.

"Oh my god baby brother!" Matinis ang boses ng babaeng tingin ko ay si Ma'am Diana habang yakap si Sir Drew.

Maganda si Ma'am. Matangkad at maputi. Kulot ang dulo ng kaniyang buhok. Nalipat ang tingin ko kay Ma'am Ara at sa lalaking nakaakbay sa kaniya. Gwapo pa din si Sir Arthur kahit medyo may edad na. Napatingin ako sa huling pumasok na may hilang isang malaking maleta.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita siya.

Siya si Sir Raven?

Nagflashback sa akin ang nangyari last summer noong nakaraang taon.

Kasama ko si Tina na pumunta sa isang mall. May ka eye ball daw kasi siya. Ayaw ko sanang samahan kaso nag alala ako na baka may gawing masama yung ka eye ball niya. First meeting pa naman nila ito.

"Ano na? Nasaan na?" Inip kong tanong.

"Malapit na daw." Sagot niya na nakatutok pa din ang mga mata sa kaniyang cellphone.

Napanguso ako. Nandito kami sa food court at nagugutom na ako.

"CR lang muna ako." Paalam ko sa kaniya.

"Sige Nica. Bilisan mo ha."

Tumango na lang ako at umalis na. Pagkatapos kong umihi ay nagsuklay na muna ako. Paglabas ko ng CR ay nagulat na lang ako ng biglang may umakbay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa lalaking nakaakbay sa akin.

Ang gwapo!

"Back off Katarina. I already have a girlfriend." Sabi niya sa magandang babaeng nasa harapan namin.

Naglakad na paalis yung lalaki at dahil nakaakbay siya sa akin ay nasama ako. Nang medyo nakalayo na kami ay bumitaw siya at hinarap ako.

"Sorry and thank you miss." Nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Hindi ko akalain na dito ko pa makikita ulit ang lalaking ito. Who would have thought right?

Nang mapatingin siya sa akin ay natigilan siya at bahagyang nanlaki ang mga mata.

"Danica!" Ako naman ang nanlaki ang mga mata ngayon. Paano niya ako nakilala? Hindi ko naman matandaan na nagsalita pa ako dahil umalis siya agad.

Natigil sa batian ang lahat. Nagpalipat lipat ang tingin nila sa aming dalawa ni Sir Raven.

"You know her, son?" Tanong ni Ma'am Ara.

"Of course Mom!" Nakangiting sagot niya at naglakad palapit sa akin. Nginitian niya ako at inakbayan. "Naalala mo ba yung kinuwento ko sayo last summer? Siya yung babaeng pinakilala ko kay Katarina na girlfriend ko." Tumawa siya.

Napatingin ako sa mga taong nasa paligid namin. Nakangiti sila Ma'am Ara at Sir Arthur. Si Ma'am Diana at ang mga kaibigan ni Sir Drew ay nakatingin lang sa akin. Si Mama na masama ang tingin sa akin at si Sir Drew na matalim ang titig sa akin at.. sa kuya niya?

Nang umakyat na sila sa taas para makapagpahinga ay bigla akong hinawakan ni Mama sa braso at kinaladkad papunta sa laundry area.

"Hoy Danica!" Mahinang singhal niya sa akin. "Wag na wag kang lalapit kay Sir Raven. May gusto ang Ate Patricia mo doon kaya wag kang magkakamaling mang agaw!" Sabi niya at pinalo pa ako sa braso. "Naiintindihan mo? Sagot!"

"O-opo Mama." Nakayukong sagot ko.

Nang sumapit ang alas sais ng gabi ay nagsidatingan na din ang catering na nireserve ni Ma'am Ara. Tumulong kami sa pag aayos ng mga pagkain sa garden. Seven thirty daw magsisimula ang dinner tapos mag iinuman na ang iba sa pool area.

"Bumalik ka na sa loob. Pababa na sila Ma'am." Tinignan ako ng masama ni Mama.

Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa loob. Desidido siyang mailayo ako kay Sir Raven. Hindi ko naman aagawan si Ate Patricia. Kung gusto niya si Sir Raven ay sa kaniya na ito.

Naririnig ko na ang ingay sa garden. Ano kaya ang pakiramdam kapag masaya ang pamilya ninyo? Mararamdaman ko pa kaya iyon? Kung hindi ako inabandona ng mga totoong magulang ko masaya kaya kami ngayon? Kung sakaling hindi sila Mama ang nakakuha sa akin mamahalin kaya ako ng mga taong makakakita sa akin?

Napasimangot ako habang nakaupo dito sa kitchen. Nasa labas ang lahat at mag isa lang ako dito. Wala naman akong magawa.

"What are you doing here?"

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon