Chapter 20

2.1K 103 33
                                    

Dahil marami ang nabitin sa UD kanina heto pa ang isang UD na muling magpapabitin sa inyo 😂😅. Thank you so much sa paghihintay at sa pagsuporta 😘

--------------

Chapter 20 - birthday party

"Mommy, babagay kaya sa akin yan?" nag alalang tanong ko nang makita ang gown na pinatahi ni Mommy para sa aking debut.

"Of course anak. You'll be the most beautiful in your day." nang marinig iyon ay napangiti ako.

Sa makalawa na ang aking debut. Ang araw kung kailan tuluyan ng magbabago ang aking buhay. Ang sabi kanina ni Mommy ay dapat ihanda ko na ang aking sarili sa mga mangyayari. Malalaman na ng lahat na ako ang tagapagmana ng Torres Corporation.

Kahapon ay naipamigay ko na ang mga invitation card. Alam kong marami silang gustong itanong sa akin pero hindi nila ginawa na ipinagpapasalamat ko.

"Are you happy?" tanong ni Mommy na ikinatigil ko sa pag iisip ng kung anu ano.

"Oo naman po." nakangiting sagot ko. "Salamat po. Salamat kasi natagpuan niyo ako."

Napangiti siya at niyakap ako.

"Sayang lang dahil hindi ka nabigyan ng pagkakataon na makilala ang Papa mo but I'm sure he's happy dahil magkasama na tayo ngayon."

Tumango ako at napangiti.

"Hindi po ba kayo nagmahal ulit noong mamatay si Papa?" naisip kong itanong.

"Your father is my first and greatest love." nakangiting sagot ni Mommy. "I tried dating back then dahil bata pa naman ako pero palagi ko silang naikukumpara sa Papa mo. Minsan kapag bumibisita ako sa puntod niya ay palagi akong nagagalit sa kaniya. Palagi kong sinasabi na sana ay lumaban siya noon. Sana kinaya niya ang lahat para sa akin at para sayo. How about you? May boyfriend ka ba?"

Saglit akong natigilan pero napailing din naman.

"Nagbreak na po kami. He's my first boyfriend too kaso hindi po naging maganda ang relasyon namin."

Nakita ko sa kaniyang mga mata na nalungkot siya para sa akin.

"Are you okay? Is he your first love?" nag aalalang tanong ni Mommy.

"Opo." tipid kong sagot at bahagyang napangiti. "Akala ko noon talagang magtatagal kami. Akala ko mahal namin ang isa't isa pero ako lang pala yun."

"Anak."

"Pero okay na po ako ngayon. Sinusubukan ko na pong kalimutan siya. I'm trying my best to move on from that relationship."

"That's good to know." ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking buhok. "Bata ka pa at marami ka pang makikilala na totoong magmamahal sayo. Don't lose hope."

"Opo. Ininvite ko siya sa birthday ko." nakangiting sabi ko. "Gusto kong malaman niya na okay lang ako. Gusto kong makita niya na kaya ko kahit wala siya."

Nang sumapit ang mismong araw ng aking kaarawan ay sobrang kabado ako. Maraming pupunta na mga bisita. Sa isang hotel gaganapin ang aking birthday party kaya alam kong hindi sila makapaniwala na doon ako gaganapin ang party ko. Pinadalhan ko din ng invitation card sila Mama Lucia. Kahit papaano naman kasi ay kinupkop nila ako. Ayaw ko namang sabihin nila na wala akong utang na loob.

Napatingin ako kay Mommy ng pumasok siya sa hotel room kung saan ako inaayusan.

"Mommy." nakangiting pagtawag ko sa kaniya.

"You're so beautiful anak. Unti unti ng dumadating ang mga bisita. Are you ready?"

"Yes po."

"By the way, nasa labas si Calvin. He'll be your escort for tonight."

"Calvin?" kunot noo kong tanong.

"Anak siya ng best friend ko. Magkasing edad lang kayo.

Tumango ako at ngumiti.

"Sige po."

"Sabi ko pumasok siya but he insisted na hintayin ka na lang sa labas."

Noong mag alas siete na ng gabi ay saka ako lumabas sa aking hotel room. Agad kong nakita ang lalaking naghihintay doon sa labas. Ngiting ngiti habang nakatitig sa akin.

"Calvin?" gulat kong pagtawag sa kaniya.

"You're so beautiful, Danica."

"Teka, ikaw yung tinutukoy ni Mommy na escort ko?" gulat pa ding tanong ko.

"Yup."

Nagulat ako ng hawakan niya ang aking kamay at inilagay iyon sa kaniyang braso.

"Tara na. Nagugutom na ako." sabi niya na ikinatawa ko.

Pinapakinggan ko pa ang sinasabi noong kinuhang MC ni Mommy. Nandito pa kami sa stage at may nakaharang lang na malaking kurtina sa amin para hindi kami makita ng mga bisita.

"You look so pale. Kinakabahan ka ba?" tanong ni Calvin.

"Oo eh."  pag amin ko.

Napatingin ako sa aking kamay ng hawakan niya iyon.

"Ang lamig ng mga kamay mo. Wag kang kabahan. Dapat masanay ka na."

Napalunok ako at tumango. Huminga ako ng malalim at diniresto na ang tingin sa harapan. Narinig ko na tinawag na noong MC si Mommy.

"Ladies and gentlemen, I would like you all to meet my long lost daughter Danica Torres."

Kasabay ng pagpalakpakan ng mga bisita ay ang unti unting pag angat ng kurtinang nakaharang sa amin.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon