Chapter 4

3.8K 160 8
                                    

Chapter 4 - Over protective

"What are you doing here?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Sir Drew. Nakasandal siya sa pintuan ng kusina at nakahalukipkip.

"Sir. May kailangan po ba kayo?" Tanong ko at tumayo.

"Why are you here? Bakit hindi ka tumutulong sa labas?" Tanong niya. Hindi man lang pinansin ang tanong ko.

"Sabi ni Mama dito na lang daw ako sa loob." Nakayukong sagot ko.

"Bakit? Hindi ba dapat nasa labas ka? Bakit hindi mo puntahan si Kuya?" Nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang nakangisi siya.

Napailing ako.

"Bakit ko naman pupuntahan ang Kuya mo?" Naguguluhang tanong ko.

Napaatras ako ng naglakad siya palapit sa akin. Nahinto lang ako ng maramdaman ko na ang lababo sa aking likod.

Yumuko siya at tinitigan ako. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Ikinukulong ako.

"You are not allowed to like my brother." Sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. "O kahit sino pang lalaki."

Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng bumaba ulit sa aking labi ang kaniyang tingin.

"Nandito ka lang pala Danica!"

Napabuntong hininga ako ng marinig ang boses ni Sir Raven. Napatingin ako kay Sir Drew na hindi man lang natinag sa pwesto niya.

"We're talking Kuya. Can you please leave us alone?" Sabi ni Sir Drew pero nakatitig pa din sa akin.

"What are you guys talking about?"

Nalipat ang tingin ko kay Sir Raven pero nagulat ako ng hawakan ni Sir Drew ang aking mukha at iniharap sa kaniya.

"Please Kuya. Just leave." Naiinis na wika ni Sir Drew.

Kahit naguguluhan ay walang nagawa si Sir Raven kundi ang umalis.

Napalunok ako ng makita ang seryosong tingin ni Sir Drew. Tumayo siya ng maayos at humalukipkip.

"Dito ka ba matutulog ngayong gabi?" Tanong niya.

"O-opo Sir."

"Good. Doon ka matulog sa isang guest room sa taas. Sa tapat ng kwarto ko." At umalis na siya.

Napailing na lang ako. Bakit naman doon ako matutulog? Syempre doon ako sa maids quarter matutulog.

After ng dinner ay pinatulong na ako ni Mama na maghatid ng mga inumin sa pool area. Ang mga kaibigan na lang ni Sir Drew at ang magkapatid ang nandoon. Nagpapahinga na daw sila Ma'am Ara, Sir Arthur at Ma'am Diana.

"Come on Drew! Just one drink!" Dinig kong sabi ng isa sa mga babaeng kaibigan niya.

"I will. Later." Maikling sagot ni Sir Drew.

"Come on dude! What happened to you?" Natatawang tanong ng isang kaibigan niyang lalaki.

"Baka ayaw maglasing?" Tumawa sila sa sinabi ni Sir Raven.

Nakadikit sa kaniya yung isang babae na inirapan ako kanina. Nginitian niya ako ng makitang nakatingin ako sa kaniya.

"You can sleep now." Nabalik ang tingin ko kay Sir Drew ng marinig siyang nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. "Matulog ka na. Doon ka sa guest room sa tapat ng kwarto ko."

Natahimik ang lahat. Para bang may dumaang anghel.

"Bakit doon?" Mataray na tanong nung isang babae na katabi niya. "She should stay in the maids quarter." Nakangising dugtong niya.

Nagulat ako ng tumayo si Sir Drew at hinawakan ang kamay ko.

"I'll be back. Ihahatid ko lang siya sa kwarto."

Hindi niya pinansin ang mga kaibigan niyang tumatawag sa kaniya. Hinila lang niya ako papasok.

"Ah Sir. Doon na lang ako sa maids quarter. Ayos lang ako doon." Nahihiyang sabi ko.

Nadaanan namin ang mapanuring tingin ng ibang mga katulong pati na din ang matalim na tingin ni Mama pero hindi man lang siya huminto.

Nang makarating kami sa sinasabi niyang kwarto ay agad niyang binuksan ang pintuan.

"Pinalagay ko na dyan sa loob ang bag mo. Just stay here. Don't go out again. I'll check you later." Hindi na ako nakapagsalita ulit dahil lumabas na siya at sinarado ang pintuan.

Mabilis lumipas ang mga araw. Isang buwan mahigit na din akong nagtatrabaho dito. Sa buong pananatili ko dito ay ganoon lagi. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko binabantayan ako ni Sir Drew. Medyo naging close ko na din siya. Si Sir Raven naman ay isang buwan ng wala dahil namasyal daw kasama ang mga kaibigan niya. Si Ma'am Diana naman ay bumalik na sa Paris para mag take over muna habang wala pa si Sir Raven.

Last week naman ay nagkasakit si Mama kaya kinailangan niyang umuwi at naiwan ako dito. Gusto niyang bumalik pero hindi na siya pinayagan nila Ma'am Ara. Medyo matanda na din kasi si Mama kaya ako na ang nagpatuloy sa pagtatrabaho dito.

"Danica, incoming grade 12 ka na di ba?" Tanong ni Ma'am Ara isang araw habang nag aalmusal sila.

"Opo Ma'am." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalagay ng juice sa mga baso nila.

"If you want i can give you a scholarship. Doon ka mag aaral sa university na papasukan ni Drew."

"Talaga po?" Masayang tanong ko.

"Of course hija. You know itong si Drew ay medyo nagtitino na ngayon. Hindi na siya masyadong lumalabas at wala pa akong nababalitaang pinaiyak niyang babae simula ng umuwi siya dito and i think that's because of you." Sagot ni Sir Arthur.

"Dad!" Saway ni Drew sa kaniyang Daddy pero tinawanan lang siya.

"You can stay here too. Dito ka na tumira at magpatuloy ka sa pagtulong dito sa bahay para kahit papaano ay sumusweldo ka pa din dito." Nakangiting alok ni Ma'am Ara.

Hindi na ako nag inarte sa alok nila Ma'am. Gusto ko din kasi talagang makapagtapos. Matutulungan ko pa sila Mama kaya ayos na.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Ngayong araw ay sabay kaming mag eenrol ni Drew. Nakasuot lang ako ng maong pants, white v neck tshirt at rubber shoes.

Paglabas ko ng kwarto ay nandoon na si Drew. Nakahalukipkip at pinasadahan ng tingin ang suot ko.

"Are you ready?"

Nakangiti akong tumango.

Bumaba na kami at dumiretso sa garahe. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kaniyang sasakyan.

"Nandoon na daw sila Alex at Lexi." Sabi niya habang nagmamaneho. "Just stay with her. Wag kang makikipag usap sa mga lalaki. Magkaiba ang building natin kaya hindi kita masasamahan. Matatagalan naman tayo kapag hinintay mo pa akong matapos."

Nakilala ko na si Lexi noon. Pinapunta kasi siya ni Drew para hindi naman daw ako masyadong mainip. Ka edad ko lang si Lexi. She's kind kaso minsan ay matampuhin. Prangka din siya magsalita kaya madalas ay pinapagalitan siya ng Kuya Alex niya.

"Okay lang. Magkita na lang tayo after mag enrol."

Drew is over protective pero binabalewala ko na lang. Maybe he sees me as her younger sister.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon