Chapter 23

1.9K 88 20
                                    

Chapter 23 - boyfriend

Sumasayaw kami ni Calvin pero hindi ko magawang alisin sa aking isipan ang sinabi ni Mommy kanina. Hindi naman ako bingi at alam kong tama ang pagkakarinig ko sa sinabi niya kanina. Tinignan ko si Calvin at nakitang titig na titig siya sa akin.

"Ano yung sinabi ni Mommy? May alam ka ba doon?" mahinang tanong ko.

"Wala. Nagulat din ako. Wala naman kasing nabanggit si Mommy sa akin."

Bumuntong hininga ako at gusto ng puntahan si Mommy pero ayaw ko namang masira ang party na ginawa niya para sa akin. Mamaya ko na lang siya kakausapin at sasabihin kong hindi kami pwede ni Calvin dahil may mahal na akong iba. Pinagdaanan na din niya ang nangyayari sa akin ngayon kaya alam kong maiintindihan niya.

Tinignan ko ang table kung nasaan si Andrew at nakitang nandoon pa din siya na ikinaluwag ng aking dibdib. Akala ko kasi ay umalis siya at nagalit na naman. Umiinom siya ng wine pero nasa akin ang buong atensyon. Para tuloy gusto ko na siyang lapitan at kausapin.

"Danica." nabalik ang aking tingin kay Calvin ng tawagin niya ako.

"Huh?"

"Payag akong magpakasal sayo." tuluyan na akong natigil sa pagsayaw ng marinig iyon. Bumitaw na ako sa kaniya at tinignan siya ng seryoso.

"Calvin, ano bang sinasabi mo?" kunot noo kong tanong.

"Mukhang may balak sila Mommy na ipakasal tayong dalawa at pumapayag ako. You know I really like you, right?"

"Nagkabalikan na kami ni Andrew. I'm sorry pero walang kasal na mangyayari sa pagitan natin. Si Andrew lang ang mahal ko and I only see you as a friend." tumalikod na ako at iniwan siya doon.

Dumiretso ako sa table kung nasaan si Mommy kasama ang Mommy ni Calvin.

"Mommy, pwede bang mag usap muna tayo?"

Tumayo si Mommy at nginitian ako.

"Bakit anak? Nag uusap kami ni Tita Ana mo."

"Hindi po ako magpapakasal kay Calvin." unti unting nabura ang kaniyang ngiti ng marinig iyon.

Tumayo din si Tita Ana at nakinig na sa usapan namin.

"May problema ba hija?" tanong niya.

"But why? Calvin is single and you're single too. Matalik kaming magkaibigan ng Tita Ana mo and we're planning to merge our companies." sabi naman ni Mommy.

"Pero may boyfriend na po ako. Nagkabalikan kami ni Andrew."

"Anak, magbebreak din kayo ulit. Lolokohin ka lang niya tulad nang ginawa niya sayo noon. Calvin is a good guy. Doon ka sa lalaking hindi ka sasaktan at lolokohin. Naloko ka na ng lalaking sinasabi mo kaya wag ka ng umulit."

"Pero Mommy."

"Sige na. Ientertain mo muna ang mga bisita mo. Let's talk again later." sabi niya at muli na silang nag usap ni Tita Ana.

Napabuntong hininga ako at hindi alam kung pupunta ba sa kinaroroonan ni Andrew. Pumikit ako ng mariin at pumunta na lang sa kanila.

"Beshy! Ano yung sinabi ng Mommy mo? Is it true?" gulat na tanong ni Lexi.

Hindi ako agad nakasagot at tinignan muna ang reaksyon ni Andrew. Kitang kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga na ipinag alala ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at inisang lagok ang wine na kanina niya pa hawak. Kababalikan pa lang namin tapos ito na agad ang nangyari.

"Kakausapin ko si Mommy mamaya." sabi ko kay Andrew. "I'm sorry."

"Sasamahan kita. Ipapakilala ko mismo ang sarili ko." seryosong sabi niya noong muli akong nilingon.

"Wag na. Ako na ang bahalang kumausap sa kaniya. Kapag okay na saka ka na lang sumama." hindi maganda ang impression ni Mommy sa kaniya at baka kung ano lang ang sabihin kaya ayaw ko siyang isama.

Bumuntong hininga siya at tumango din naman. Ngumiti ako at naupo sa kaniyang tabi.

"Tapos ka nang kumain? Nabusog ka ba?" tanong ko. Gusto ng ilihis ang usapan kanina.

"Yup. Ikaw ba ang namili?"

Ngumiti ako at tumango.

"Kasama ko si Mommy na nag free taste."

Ngumiti din siya at hinawakan ang aking kamay. Hinalikan niya iyon at tinitigan lang ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Ngayon pa lang ay alam ko ng siya lang ang mamahalin ko ng ganito. Alam kong wala na akong makikita pa na katulad niya. Nakahanda akong gawin ang lahat para sa kaniya. Na kahit ilang beses pa niya akong saktan ay sa kaniya lang ako babalik.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon