Chapter 32

1.4K 74 14
                                    

Chapter 32 - choose me

Habang naglalakad papunta sa library ay napahinto ako ng marinig ang pamilyar na boses ni Angeline. Agad akong nagtago noong makita ko sila ni Andrew na nasa labas ng girls restroom. Sumandal ako sa pader at pinakinggan ang kanilang pag uusap.

"Kiss me, honey. Hindi mo pa ako ulit hinahalikan simula noong bumalik ako galing Japan." dinig ko ang pagtatampo sa boses ni Angeline.

Humigpit ang hawak ko sa aking palda noong marinig iyon.

"Angeline, nasa school tayo."

"I don't care. Kung wala ka talagang ibang babae ay halikan mo ako. Hindi mo din ako tinatawag sa endearment natin. May iba ka na ba?" naiiyak na tanong niya.

Napapikit ako at gusto na sanang magpakita sa kanila. Gusto ng bawiin ang talagang akin.

Noong natahimik na sila doon ay naglakas loob akong tignan sila. Napatakip ako sa aking bibig nang makitang naghahalikan na sila. Agad na akong umalis doon bago pa nila ako makita. Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ang pagkirot noon. Pinigilan ko ang pagtulo ng aking luha. Ayaw nang makaagaw pa ng atensyon.

Pumayag ka, Danica. Pumayag ka kaya kayanin mo ang sakit.

"Danica." natigil ako sa paglalakad at napalingon sa likod noong may tumawag sa akin.

"Calvin."

Sinamahan niya akong pumunta sa library. Tahimik lang kami hanggang makapasok sa loob. Suddenly, I feel happy dahil may kasama ako ngayon. Dahil hindi ako nag iisa.

"You saw it too, right?" tanong niya na ikinatigil ko.

"She's Angeline." sagot ko kahit hindi naman siya nagtanong kung sino ang babaeng iyon. "Nag usap na kami ni Andrew tungkol doon." dugtong ko habang hinahanap ang kailangang libro. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko magawang lingunin siya.

Hindi ko kayang lumingon dahil baka sa oras na magtagpo ang aming mga mata ay maiyak na lang ako bigla. Baka maramdaman kong may magpapatahan na sa akin kaya pwede na akong umiyak.

"Danica, why are you doing this to yourself?" nahinto ako sa paghahanap at tinignan na siya. "Why are you hurting yourself? Bakit mo pinapahiram sa iba yung taong mahal mo? Why do you keep accepting and loving him? Bakit siya?" sunud sunod niyang tanong.

"I'm tired explaining myself. Let's not talk about it. Ang mahalaga, okay kami ni Andrew at babalik siya sa akin."

Napailing si Calvin at malungkot akong tinignan. Nakagat ko ang pang ibabang labi at naawa din sa sarili.

"If you only choose me. If you only choose me, hinding hindi ko gagawin sayo ang ginagawa ni Andrew ngayon." seryosong sabi niya. "Kung ako ang pinili mo, ipaparamdam ko sayo yung pagmamahal na deserve mo. Yung pagmamahal na sayong sayo lang at walang kahati."

Saglit akong napatitig sa kaniya. Kitang kita ko sa kaniyang mukha na seryoso siya sa mga sinasabi niya.

"Really? Then be my boyfriend while Andrew is not around." wala sa sariling sabi ko.

Nakita ko ang pagkagulat niya ngunit hindi din iyon nagtagal. Hindi ako pumalag noong hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at isinandal ako sa book shelf. Tinitigan niya ang aking mukha at napalunok. Wala na akong pakialam ngayon kung may makakita man sa amin. Maybe, I'm just really crazy. Siguro nga ay natuluyan na akong nabaliw sa mga oras na ito. Hindi ko na alam kung ano ba ang tama o mali sa mga ginagawa ko. Ang alam ko lang ngayon ay gusto kong maramdaman na hindi ako nag iisa. Gusto kong may makasama sa pagkakataong ito. Gusto kong maramdaman na may tao pa din na matatawag kong akin. I don't want to be left behind.

"Make sure you wouldn't regret what you said." bulong niya bago ko maramdaman ang paghalik niya sa aking labi.

Napapikit ako at hinalikan din siya. Hinawakan ni Calvin ang aking batok at mas lalong inilapit sa kaniya. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha pero hindi ko na iyon pinansin pa. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Walang wala ang mga luhang ito kumpara sa pagluha ng aking puso.

Tumigil sa paghalik si Calvin at idinikit ang kaniyang noo sa aking noo.

"Choose me, Danica. Please, choose me this time." bulong niya. Napapikit ako noong punasan niya ang mukha kong basa na dahil sa aking mga luha.
"Choose me and I will make everything just to keep you happy."

--------

Triple update para sa mga matiyagang naghihintay sa mabagal kong update hahaha. Sana naenjoy niyo 😊😊

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon