Chapter 38

1.5K 73 31
                                    

Chapter 38 - four years after..

Naging busy ako sa pag aaral na halos hindi ko na namalayan pa ang paglipas ng panahon. Nakapikit ako at nananalangin na sana ay makapasa ako sa board exam namin. Huminga ako ng malalim bago napagdesisyunan na mag log in na sa website kung saan malalaman kung nakapasa ba ako.

Habang nag iscroll ako ay sobrang kaba ang aking nararamdaman pero ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata noong makita ang aking pangalan.

Saglit akong natigilan sa sobrang pagkabigla hanggang sa unti unti akong mapangiti at mapasigaw.

Agad akong lumabas sa aking silid para hanapin si Mommy.

"Mommy! I passed!" ngiting ngiti kong sabi noong makita ko siyang naghahanda ng pagkain sa kusina kasama si Rico at Renz.

"Really? Congrats anak!" nakangiting sabi ni Mommy at niyakap ako.

"Congrats bakla!" masayang sabi ni Rico na nakapasa din.

"Congrats babe. I know you'll make it." ngumiti si Renz sa akin at niyakap din ako.

Yup. Renz and I are in a relationship. Hindi ko din alam kung bakit napa oo ako ng lalaking ito. Maybe because of his consistency o dahil nakita kong mahal niya talaga ako. I felt his sincerity kaya siguro bumigay din ako. We're now on our fifteen months as a couple.

Si Mommy naman ay halos tatlong linggo na ding nandito sa London. Umattend siya noong graduation ko at hanggang ngayon ay hindi pa din bumabalik sa Pilipinas.

"So, what's your plan anak? Babalik ka na ba sa Pilipinas?" tanong ni Mommy habang kumakain kami ng dinner. "Pwede ka ng sumabay sa akin next week."

"Yes, Mommy. Hmm." tinignan ko si Renz at nginitian. "Renz and I already talked about it. He's planning to go there too next month."

Gulat na nilingon ni Mommy si Renz.

"Really hijo? You're going to the Philippines too?"

"Yes Tita. I'm planning to find a job there." nakangiting sagot ni Renz. Napangiti ako noong hinawakan niya ang aking kamay at tinignan ako. "I don't want to be far away from her for so long."

"Cheesy!" natawa na lang kami sa sinabi ni Rico.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang kalangitan. Alas onse na ng gabi pero hindi pa din ako makatulog kaya naisipan kong magpahangin na muna dito sa veranda ng unit ko.

Apat na taon na din ang lumipas na halos hindi ko mapaniwalaan. Parang kailan lang kasi noong dumating ako dito sa London pero heto at nagbabalak na naman akong bumalik sa Pilipinas. Napangiti ako at naexcite na makita ang aking mga kaibigan. Although palagi naman kaming nagvivideo call nila Lexi ay iba pa din yung makita ko sila ng personal.

Bumalik na ako sa aking silid noong marinig ang pagring ng aking cellphone. Agad akong napangiti noong makitang si Renz ang tumatawag.

"Hi." bati ko at naupo sa aking kama.

"Can't sleep?"

"Yeah. How about you?"

"I'm thinking about you." sagot niya na ikinatawa ko.

"Ewan ko sayo."

"Totoo yun." pagtatagalog niya na lalo kong ikinatawa.

Tinuturuan ko siyang magsalita ng tagalog pero hindi pa din mawala wala ang kaniyang accent kaya natatawa ako sa tuwing nagsasalita siya ng tagalog. I find it cute tho.

"Okay." pang aasar ko.

"Mahal kita, Danica." natigil ako sa pagtawa noong marinig iyon. This is not the first time I heard him say it pero natitigilan pa din ako sa tuwing naririnig ko iyon mula sa kaniya.

Renz is not that hard to love. Madali kasing maramdaman kung sincere siya sa isang tao. Masaya din siyang kasama at siya ang isa sa mga taong naging sandalan ko habang tinatahak ko ang daan para makamit ang pangarap ko. Hindi niya ako iniwan kahit ilang beses ko siyang pinagtulakan palayo. Hindi niya ako hinahayaang masaktan, mas pipiliin pa niyang siya na lang ang makaranas ng sakit kaysa sa akin. Kapag tinotoyo ako ay hindi siya nagsasawang paamuhin at lambingin ako. Renz, helped me a lot and I'm forever thankful that he's there beside me.

Who would have thought na magiging kami pala ng lalaking ito? Yung lalaking notorious playboy sa school namin. Yung lalaking halos lahat na yata ng babae ay nahawakan niya. Who would have thought na mapapatino ko pala siya ng ganito? Who would have thought that he's going to fall in love with me this hard?

"I love you too. Mahal din kita, Renz."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon