Chapter 22

2.8K 102 59
                                    

Chapter 22 - unexpected news

"Danica." bulong niya sa akin pagkatapos ko siyang halikan.

"Handa akong ibigay ulit ang tiwala ko sayo. Just please, don't break it again. Hindi ko na kakayanin pa." pakiusap ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. Tinitigan niya ako at bahagyang nginitian. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero nakita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Mga matang nasa akin lang ang buong atensyon. Mga matang mistulang ako lang ang nakikita.

"I won't make the same mistake again. Hinding hindi na kita sasaktan pa ulit. Hindi na ako gagawa ulit ng dahilan para iwan mo ako. Nangako ako noon sa sarili ko na sa oras na bumalik ka sa akin, hinding hindi na kita ulit pakakawalan pa."

Niyakap ko siya at tahimik na hiniling na sana ay sa pagkakataong ito, totoo na ang lahat. Siguro nga ay tanga ako pagdating sa pag ibig dahil kahit sinaktan na ako ay handa pa din akong sumugal. Ayaw kong pagsisihan ang lahat. Ayaw kong mabuhay sa mga what ifs. Gusto kong maramdaman ulit yung pag ibig na una kong naramdaman.

Hindi na muna kami agad bumalik ni Andrew sa party. Nagstay muna kami sa pool area habang magkahawak ang mga kamay at dinadama ang lamig ng gabi.

Nilingon ko siya at napangiti ng makitang nakangiti din siya habang nakatingin sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" nakangiting tanong ko.

Umiling siya at hinalikan ang aking kamay.

"I'm just happy. Akala ko hindi na kita ulit mahahawakan. Akala ko hindi na kita ulit malalapitan katulad ngayon."

Ngumiti ako at tumingin sa kalangitan.

"Actually, gusto na sana kitang kalimutan." pag amin ko. "Gusto kong makalimutan yung sakit na naramdaman ko. Gusto kong kalimutan yung mga araw na naging masaya ako kasama ka para madali lang para sa akin na kalimutan ka. Gusto kong magalit sayo, sigawan ka, saktan ka, gusto kong iparamdam din sayo yung pinaramdam mo sa akin." nilingon ko siya at bahagyang nginitian. "Pero naisip ko, para saan pa? Bakit pa kita sasaktan eh alam ko kung gaano kasakit ang maloko?"

"Baby."

"Naisip ko din na, bakit ko pa sasaktan yung taong mahal ko?"

"Mahal kita, Danica."

"I know and I love you too. Sabi ni Mommy, si Papa daw ang first and greatest love niya. Hindi niya naipaglaban si Papa noon kaya gusto kong ipaglaban yung mayroon tayo ngayon dahil ayaw kong magsisi sa bandang huli. Ayaw kong mawala ka sa akin na hindi man lang natin sinubukan ulit."

"Ano bang ginawa ko sa past life ko para ibigay ka sa akin?" seryosong tanong niya na ikinatawa ko.

"Hindi ka ba nakipagdate sa iba habang wala ako?" naisipan kong itanong.

"Paano ako makikipagdate kung ikaw lang ang naiisip ko? Isa pa, I got busy finding you. Ang sabi nila Mama Lucia mo hindi ka na daw umuwi simula noong nagtrabaho ka sa bar. I got really mad at them. Nagalit ako dahil pinagtrabaho ka nila sa ganoong lugar."

"Naging maayos naman ang unang gabi ko doon. Kung hindi ko nakilala ang tunay kong magulang baka hanggang ngayon ay nandoon pa din ako at nagtatrabaho."

"At baka doon na din ako palaging tumambay." napangiti ako ng marinig iyon.

"Pasok na tayo ulit. Baka hinahanap na ako ni Mommy. Gusto din kitang ipakilala sa kaniya."

Ngumiti siya at inalalayan ako sa pagtayo. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Nang makapasok ay bumalik kami sa kanilang table. Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita nila ang magkahawak naming mga kamay.

"Wait. Nagkabalikan na kayo?" gulat na tanong ni Lexi.

Ngumiti ako at tumango bilang sagot. Binati nila kami at sinabing masaya sila para sa amin.

"Dapat pinahirapan mo man lang." sabi ni Lexi at pabirong umirap pa.

Nang makitang papunta si Mommy sa aming gawi ay hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Andrew at ganoon din siya. Handa na akong ipakilala siya pero natigilan kaming lahat ng marinig ang sinabi ni Mommy ng tuluyan siyang makalapit sa amin.

"Anak saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Calvin." nakangiting sabi niya. "Sumunod ka agad sa stage ha. It's time for your first dance." bilin niya at agad din namang umalis. Hindi na napansin si Andrew sa aking tabi.

Tinignan ko si Andrew at nginitian.

"Mamaya na lang." ngumiti din siya at tumango.

Binitawan ko na ang kamay niya at sumunod kay Mommy sa stage. Nginitian ko si Calvin ng alalayan niya akong umakyat sa stage.

"Good evening, I hope you're enjoying the party." panimula ni Mommy. "And now, for the first dance of my daughter for tonight, I would like to call her escort and future husband Calvin to join her on stage."

Nawala ang aking ngiti ng marinig ang sinabing iyon ni Mommy.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon