Chapter 19

1.9K 96 22
                                    

Chapter 19 - I'm back

Totoong bumawi sa akin si Mama. Namasyal kami, nagshopping at inilibot niya ako sa aming kumpanya. Gusto niya din akong pormal na ipakilala sa mismong araw ng aking debut. Dadaluhan daw iyon ng mga kamag anak, malalapit na kaibigan at mga kasyoso niya sa business.

Gulat na gulat ako ng malaman na pamilya pala namin ang may ari ng malalaking hotel na dati ay dinadaan daanan ko lang dahil alam kong hindi ko kakayanin ang presyo ng pagstay doon sa isang gabi lang pero ang mas ikinagulat ko ay noong malaman na pagmamay ari din namin ang university na pinasukan ko kung saan nandoon din si Andrew.

"When are you planning to go back to school? Mabuti at doon ka pala nag aral sa school natin, wala ka ng adjustments na kailangang gawin."

Isang linggo na din akong nandito kasama ang totoong Mama ko at masasabi kong sobrang saya ko ngayon.

"Hmm. Bukas po. Babalik na ako." sagot ko na ikinangiti niya.

"That's good to know. Sa sembreak ninyo let's go to Paris. May bahay din tayo doon." nakangiting sabi niya.

Tumango ako at napangiti din. Napalunok ako ng maisip na muling magtatagpo ang mga landas namin ni Andrew.

Nasa balcony ako ng aking silid at nakatingin lang sa kalangitan. Bukas ay tuluyan ng magbabago ang aking buhay at masasaksihan na nilang lahat iyon. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin o sabihin kapag nakaharap ko na sila.

Napabuntong hininga ako at pumasok na sa kwarto para makatulog. Kinabukasan ay sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Nakasakay na ako sa aming sasakyan at papunta na sa university. May klase ngayon si Andrew kaya for sure ay magkikita kami doon.

"Ma'am nandito na po tayo." napatingin ako sa aking driver ng magsalita siya.

Natigil ako sa pag iisip at napatingin sa labas ng bintana. Nang pagbuksan ako ng driver ng pintuan ay nagdalawang isip pa ako. Hindi alam kung lalabas ba o uuwi na lang. Nakita ko din ang ilang mga estudyante na lumingon sa aking gawi.

Huminga ako ng malalim at tuluyan ng lumabas pero agad ding natigilan ng makita kung sino ang kasabay ko sa pagbaba ng sasakyan.

Saglit akong nakipagtitigan kay Andrew bago ako nag iwas ng tingin at dumiretso na sa pagpunta sa aming classroom.

"Teka. Hindi ba at iyan yung katulong nila Andrew?"

"Oo nga eh pero bakit sa isang mamahaling sasakyan siya bumaba?"

"Baka may sugar Daddy?"

Hindi ko na pinansin pa ang mga pinagsasabi nila.

"Ms. Danica!" napatingin ako sa principal namin na ngiting ngiti habang kumakaway sa akin. "Mabuti at nakabalik ka na. Sinabi sa akin ng Mommy.."

"Ma'am, wag po kayong maingay. Hindi pa po ako handa na ipaalam sa lahat ang totoong pagkatao ko." bulong ko sa kaniya.

"Ganoon ba? Okay hija."

"Salamat po."

Nang makarating sa classroom ay nasa akin na agad ang kanilang tingin.

"Oh Danica! Papasok ka pa pala?" gulat na tanong ni Wendy.

"Kaya nga ang tagal mong nawala ah." sabi ni Leo.

Ngumiti lang ako sa kanila at napatingin na kina Lexi na nakatingin din sa akin. Ngumiti ako at kinawayan sila.

"Hi guys! I'm back!"

Napangiti silang tatlo at agad tumakbo palapit sa akin para yakapin ako.

"Nag alala kami." sabi ni Maila.

"Akala namin kung ano na ang nangyari sayo eh." sabi ni Erika.

"I'm sorry, Danica." naiiyak na sabi ni Lexi. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo."

"Kalimutan mo na yun. Wala kang kasalanan." nakangiting sabi ko. "Isa pa, okay na ako ngayon. Hindi ko na masyadong iniisip pa iyon." pagsisinungaling ko.

Para siyang nakahinga ng maluwag at muli akong niyakap.

"Namiss ka namin."

"Namiss ko din kayo."

Naglalakad na kami papunta sa cafeteria para kumain ng lunch ng makasalubong namin sila Calvin.

"Danica, akala ko.. akala ko hindi ka na ulit papasok." napangiti ako at inilingan siya.

"Nagpahinga lang ako. Pupunta na din ba kayo sa cafeteria?"

"Yes." nakangiting sagot niya.

"Sabay sabay na tayo." halatang nagulat siya sa aking sinabi pero ngumiti din naman.

"Gusto ko yan."

"Saan ka ba talaga nagpunta ha, Nica?" tanong ni Lexi habang kumakain kami. "Nagpunta kami sa inyo pero kahit sila ay hindi alam kung nasaan ka. You just disappeared."

"Malalaman niyo din. Hmm. Punta pala kayo sa debut ko next week. Ibibigay ko yung invitation sa Lunes."

"Talaga? Sige, go kami dyan." masayang sabi ni Maila.

"Pwede mong imbitahin ang Kuya mo, Lexi. Pati na din sila Andrew." biglang nawala ang ngiti sa kanilang mga labi noong sabihin ko iyon. Natawa ako sa kanilang inasta. "Ano ba kayo? Birthday ko iyon. Gusto kong sumaya. Isa pa, gusto kong nandoon kayong lahat sa importanteng araw ng buhay ko."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon