Chapter 43

1.4K 74 5
                                    

Chapter 43 - our future

Kinabukasan ay maganda ang naging gising ko. Magaan ang aking kalooban dahil sa pag uusap namin ni Renz. Masaya ako dahil maayos ang paghihiwalay naming dalawa. I'm glad that we're still friends after what happened.

"Danica." natigil ako sa paghakbang pababa ng hagdanan ng makita si Mommy.

Nakagat ko ang aking labi pero nagpatuloy din naman at lumapit na sa kaniya.

"Mommy."

"Renz called me. You two broke up at nagkabalikan na kayo ni Andrew?"

"Yes Mommy. I know you already told me not to entertain Andrew again and focus on my relationship with Renz but I just can't. Si Andrew talaga ang mahal ko, Mommy. Sa kaniya ako mas sasaya." paninindigan ko sa ginawang desisyon.

Bumuntong hininga si Mommy at niyakap ako. Noong humiwalay siya ay hinaplos niya ang aking pisngi at nginitian ako.

"Gusto ko lang naman ay ang sumaya ka, anak. Ayaw kong matulad ka sa akin kaya kung sa kaniya ka talaga sasaya then I'll give you my blessing." napangiti ako at niyakap siya.

"Thank you, Mommy. Thank you so much. Thank you for always understanding me and always supporting my desicions."

"Be happy anak. Always choose what will makes you happy."

Noong mag alas onse ay nakareceive ako ng text galing kay Andrew na gusto niyang makipagkita mamaya. Magrereply pa lang sana ako pero tumawag naman siya kaya hindi na natuloy.

"Good morning." agad akong napangiti noong marinig ang kaniyang boses ng sagutin ko ang kaniyang tawag.

"Good morning. Magrereply pa lang sana ako eh kaso tumawag ka naman."

"I'm just making sure that what happened last night was not a dream." natawa ako ng mahina.

"It's not a dream." pagkumpirma ko. "What happened last night is our reality."

"I'm glad to hear that. Did you talk to him already?"

"Yeah. We're good. No hard feelings." nakangiting sagot ko. "Renz knew that I'm still into you and that he expects it to happen soon." nabura ang aking ngiti at nakaramdam na naman ng lungkot. "I just feel bad for him. Pinaasa ko siya. I shouldn't have said yes to him in the first place."

"It's okay. As you said he already expected it. I'm sure he's happy being with you for the past years." napangiti ako.

"By the way, saan pala tayo magkikita mamaya?" pag iiba ko sa usapan.

"Susunduin kita. I'll be there at 2pm."

"Okay. Hihintayin kita."

After kong kumain ng lunch ay umidlip na muna ako. Nag alarm ako ng ala una para makapag ayos. Naglalagay pa lang ako ng lipstick noong may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Napatingin ako ng bumukas iyon.

"Ma'am, nandito na po si Sir Andrew." nakangiting sabi ng isa sa mga kasambahay namin.

"Okay. Pakisabi na lang po na hintayin niya ako sa sala." nginitian ko siya.

"Sige Ma'am."

Noong matapos ay agad na din akong lumabas. Suot ang isang blue dress at blue flat shoes ay hindi ko maitago ang sayang nararamdaman. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa sa hagdanan ay narinig ko na ang boses nila Andrew at Mommy kaya napahinto ako.

"Sinabi ko sa kaniyang layuan ka at wag na ulit makipagbalikan sayo but I guess she really love you kaya hindi siya nakinig sa akin."

"I'm sorry, Ma'am."

"I just want what's best for my daughter. Kulang na kulang pa yung mga taon na nakasama ko siya kaysa sa noong nagkalayo kami. I just want her to be happy. Kahit doon man lang ay makabawi ako sa mga panahong wala ako sa tabi niya. Kaya kung ikaw talaga ang gusto niya ay susuportahan ko ang desisyon niya. Just don't hurt her again. Kung nasasaktan ang anak ko ay mas nasasaktan akong makita siyang nagkakaganoon." nakagat ko ang pang ibabang labi at agad na pinunasan ang tumulong luha sa aking pisngi. "I hope this is the last time I'm talking to you about this matter. Sana sa susunod na pag uusap natin ng masinsinan ay tungkol na sa kasal ninyong dalawa."

"Yes Ma'am. Hindi po ako mangangakong hindi na siya iiyak sa piling ko pero gagawin ko ang lahat para sumaya siya sa akin. Hindi ko po hahayaang masayang ang mga sinabi niyo ngayong araw.. and I'm already planning for our future. Wala na po akong balak na pakawalan pa ang anak ninyo."

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon