Chapter 28

1.4K 72 23
                                    

Chapter 28 - is he lying?

Alas tres na ng umaga at kakatulog lang ng aking mga kaibigan. Tinapos kasi namin yung kdrama na pinapanood namin. Bumangon ako sa aking kama at kinumutan sila. Mabuti na lang at kasya kaming apat dito. Napangiti ako habang isa isa silang tinitignan. I'm so blessed to have them and I will be forever grateful having them in my life.

Kinuha ko sa aking bag ang aking cellphone na ngayon ko na lang ulit nahawakan. Nakita ko agad ang maraming text at tawag ni Andrew. Ang huling missed call niya ay kaninang alas sais pa. Naupo ako sa sofa at nagtipa ng reply para sa kaniya.

To:
Sorry late reply. I'll call you later. Good night. I love you babe.

Nang maisend iyon ay matutulog na sana ako pero nagulat na lang ako noong magring ang aking cellphone.

"Babe, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko noong sagutin ko ang tawag.

"He's sleeping peacefully beside me." natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

"Courtney?" mahinang pagbanggit ko sa kaniyang pangalan.

"Yup. Sorry at hindi mo makakausap si Andrew ngayon. Tulog na tulog na kasi siya eh. Napagod yata sa ginawa namin kanina."

"Okay." maiksing sabi ko at pinatay na ang tawag.

Pumikit ako at kinalma ang aking sarili. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit nasa kaniya ang cellphone ng boyfriend ko at kung totoong magkasama sila pero hindi ako agad maniniwala. I'll talk to Andrew. Ang tanging paniniwalaan ko lang ay ang mga sasabihin niya. I decided to trust him again. I know that he really loves me kaya naman sa pagkakataong ito ay hahayaan ko siyang magpaliwanag. Then maybe, maybe if he's lying to me again ay talagang hanggang dito na lang ang kaya kong ibigay para sa kaniya. Kung sakaling nagsisinungaling siyang muli sa akin ay pakakawalan ko siya. I don't want to stay in a relationship that's full of lies. Ayaw ko ding saktan masyado ang aking sarili.

Noong mag alas singko ng umaga ay saka lang ako nakaramdam ng antok. Tanghali na din kami nagising kaya naman brunch na ang aming kinain. Si Mommy naman ay kanina pa daw nagpunta sa opisina.

"Let's go malling?" pag aaya ni Maila pagkatapos naming kumain.

"Sure." agad na pagpayag ni Erika.

"G ka?" tanong sa akin ni Lexi.

"Oo naman." mabilis kong pagpayag.

Gusto ko ding lumabas ngayong araw. I want to refresh my mind. Hindi pa nagtetext o tumatawag si Andrew. Ayaw ko namang ako ang unang magtext sa kaniya, takot na baka si Courtney na naman ang makausap ko.

Pagkatapos naming maligo at magbihis ay umalis din naman kami agad. Namili sila ng mga bagong dress at shoes samantalang ako ay nakatuon ang atensyon sa aking cellphone. Hinihintay ang tawag ni Andrew.

"Danica, are you okay? Kanina ka pa tahimik dyan." nag aalalang tanong ni Lexi.

"I'm fine. Medyo inaantok pa ako kaya wala ako sa mood."

"Gusto mong umuwi na tayo? Pahinga ka na lang muna." sabi naman ni Maila.

Bigla akong naguilty sa inaasta ko ngayon. Pumayag akong sumama sa kanila pero heto ako, sinisira na din ang araw nila. Bumuntong hininga ako at itinago na sa aking bag ang cellphone. Nang harapin ko silang muli ay nakangiti na ako.

"Let's go. Nood din tayo ng movie." nakangiting sabi ko.

Napangiti na din sila at sabay sabay na kaming naglakad papunta sa cinema.

"Let's watch horror movie kaya?" suhestyon ni Erika.

"Romance na lang." si Maila naman.

"Nope. Let's watch action movie." sabi ni Lexi.

Natawa na lang ako dahil hindi sila makapili ng panonoorin namin. Okay lang naman sa akin kahit ano ang gustuhin nila. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang marami ang nakapila sa romance movie na gusto ni Maila. Sa action movie naman ay sakto lang ang dami. Nadako ang aking tingin sa may pinaka kaunting pila. Naningkit ang aking mga mata ng may makitang pamilyar na likod. May katabi siyang babae na hindi ko kilala. Ngayon ko lang siya nakita. Agad bumilis ang tibok ng aking puso ng bigla siyang lumingon sa aking gawi. Hindi ko alam kung bakit bigla akong tumalikod. Hindi ko alam kung bakit ako yung natakot na makita niyang nandito. Wala naman akong kasalanan pero bakit ako ang kinakabahan?

Noong lumingon akong muli sa lugar kung saan ko siya nakita ay wala na siya doon.

My Possessive Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon